placeholder image to represent content

Summative Test # 4 in ESP 5 (Module 7)

Quiz by Van Aldrich Rosal

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
20 questions
Show answers
  • Q1

    Inihabilin sa iyo ng iyong guro na bilangin mo ang mga test tubes na ginamit ninyo sa experiment pagkatapos ng klase. Nabilang mo na at ibabalik na sana sa lalagyan nang bigla kang napatid. Nabitawan mo ito at nabasag ang ilang test tubes na hawak mo. Ano ang gagawin mo?

    Aalis na lamang bigla sa silid aralan.

    Ipagtapat sa guro ang nangyari at sabihin kung ilan ang nabasag.

    Ituro ang iyong kaklase na siya ang may kasalanan.

    Magkunwari na wala kang alam sa nangyari.

    30s
  • Q2

    Nabasag mo ang plorera na nasa mesa ng guro habang ikaw ay naglilinis. Ano ang dapat mong gawin?

    Umuwi sa bahay at magtago.

    Sabihing ang kaklase mo ang nakabasag.

    Itago ang nabasag na plorera.

    Sabihin sa guro ang totoo.

    30s
  • Q3

    Nagtsek ang inyong guro ng takdang-aralin. Nakalimutan mong gawin ito. Ano ang gagawin mo?

    Bibilisan ang pagsagot sa takdang-aralin.

    Gagawa ng takdang-aralin habang nagtsetsek ang guro.

    Mangongopya kaagad sa katabi ng takdang-aralin.

    Sasabihin sa guro na hindi nakagawa ng takdang-aralin.

    30s
  • Q4

    May pagsusulit kayo sa English. Alam na alam mo ito dahil nag-aral ka ng mabuti habang ang katabi mo ay nahihirapan. Naawa ka sa kanya. Ano ang gagawin mo?

    Huwag pakopyahin ang katabi.

    Pakopyahin mo ang katabi mo.

    Hayaang makita ng katabi mo ang iyong sagot.

    Isusumbong sa guro.

    30s
  • Q5

    Kailangan mo ng lapis subalit wala kang dala. May lapis sa ibabaw ng mesa ng iyong guro. Ano ang gagawin mo?

    Umiyak dahil walang lapis.

    Hintayin ang guro at humingi ng pahitulot na gagamitin ang lapis.

    Kunin ang lapis kahit wala ang guro.

    Hindi na magsusulat dahil wala kang gagamiting lapis.

    30s
  • Q6

    Inutusan ka ng iyong guro na magbenta ng bote. Ano ang gagawin mo sa napagbentahan?

    Huwag ibigay ang lahat ng napagbentahan.

    Ibili ng pagkain ang ilan sa napagbentahan.

    Kupitin ang kalahati sa napagbentahan.

    Ibigay lahat ng perang napagbentahan sa guro.

    30s
  • Q7

    Nakita mong kinuha ni Michael ang laruan ni Rose. Itinago niya ito sa kanyang bag. Umiiyak na naghahanap si Rose ng nalaman niya ito. Ano ang gagawin mo?

    Bigyan ng baong laruan si Rose.

    Pagtakpan ang ginawa ni Michael.

    Pag-awayin ang dalawa.

    Sabihin kay Michael na ibalik ang laruan.

    30s
  • Q8

    Nawala mo ang hiniram mong sombrero ng iyong kapatid. Ano ang dapat mong gawin?

    Sabihin ang totoo sa kapatid mo.

    Umiyak at magtago.

    Sabihin mong itinago mo lang.

    Magpabili kay nanay ng bago.

    30s
  • Q9

    Gabi na ng umuwi ka sa bahay niyo dahil nawili kayo sa paglalaro ng mga kaibigan mo. Paano mo ito sasabihin sa iyong magulang?

    Huwag sumagot sa magulang.

    Sabihin sa magulang na inaya ka pang kumain ng nanay ng kaibigan mo.

    Sabihin ang totoo sa magulang at humingi ng paumanhin.

    Pumasok sa kuwarto at matulog agad.

    30s
  • Q10

    Nakapulot ka ng pitaka sa daan ng paaralan. Tiningnan mo kung sino ang may-ari. Wala itong pagkakakilanlan ng may-ari. Ano ang gagawin mo?

    Ibigay sa punong guro upang ipaalam ito sa paaralan.

    Itago at angkinin ito.

    Ibigay ito sa kapatid.

    Bayaan na lang sa daan.

    30s
  • Q11

    Nakita mong natabig at nabasag ng ate mo ang plorerang iniingatan ng nanay mo. Nagalit ang nanay mo at ipinaaamin kung sino ang gumawa nito. Sinabi mong ang ate mo ang nakabasag. Ang sitwasyon ba ay nagpapahayag ng katapatan?

    oo

    hindi

    30s
  • Q12

    Naglalaro ng bola ang kuya mo sa may hardin at di sinasadya ay natamaan ang alagang orkidyas ng ate mo. Alam mong magagalit ang ate mo dahil naputol ang isang sanga at nasira ang mga bulaklak nito. Nakita mo ito pero ayaw mong isumbong. Ang sitwasyon ba ay nagpapahayag ng katapatan?

    hindi

    oo

    30s
  • Q13

    Magkaibigang matalik sina Lester at Roy. Nakabasag si Roy ng salamin ng mesa sa silid- aklatan. Nakita ni Lester kung ano ang totoong pangyayari, pero dahil kaibigan niya si Roy ay ipinagtanggol niya ito sa kanilang guro. Ang sitwasyon ba ay nagpapahayag ng katapatan?

    oo

    hindi

    30s
  • Q14

    Kasalukuyang may pagsusulit kayo nang napansin mong nangongopya sa kuwaderno niya si Ben na matalik mong kaibigan. Binalaan mo siyang isumbong sa iyong guro, ngunit pinagbantaan ka niya na ikaw ay susuntukin paglabas ng paaralan. Natakot ka kaya hindi mo isinumbong sa iyong guro. Ang sitwasyon ba ay nagpapahayag ng katapatan?

    oo

    hindi

    30s
  • Q15

    Nakasakay ng motor ang tatay mo papuntang bayan. Nakita mong aksidenteng nasagasaan ng tatay mo ang tuta ng inyong kapitbahay. Nagtatanong ang kapitbahay mo kung nakita mo ang nakasagasa, ngunit nagsawalang kibo ka lang. Ang sitwasyon ba ay nagpapahayag ng katapatan?

    hindi

    oo

    30s

Teachers give this quiz to your class