
Summative Test Q3 Grade 8
Quiz by Ann Lorraine Balbuena
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 7 skills from
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Ang pasasalamat ay isang gawi ng taong mapagpasalamat. Ano ang ibig sabihin nito?
Ang pasasalamat ay palaging sinasabi upang maging kaaya-aya sa paningin ng iba
Ang pasasalamat ay ginagawa ng mga taong nakatanggap ng tulong mula sa iba
Ang pasasalamat ay kilos na kailangang patuloy na pagsasagawa upang makasanayan hanggang sa maging birtud
Ang pasasalamat ay nagdudulot ng mabuting kalooban hanggang sa maging birtud
30sEsP8PBIIIa-9.1 - Q2
Ang dalawang positibong pakiramdam na ibinibigay ng taong nagpapasalamat sa taong gumawa sa kanya ng kabutihan ay
masigla at magiliw na pakiramdam
masayahin at panatag na pakiramdam
pagmamahal at masiglang pakiramdam
malambing at Magiliw na pakiramdam
30sEsP8PBIIIa-9.1 - Q3
Isa sa pinagmulan ng salitang ingles na “Gratitude” ay ang salitang latin na “gratus” na ang ibig sabihin ay _________ .
nakalulugod
pagtatanging damdamin
biyaya o kabutihan
libre o walang bayad
30sEsP8PBIIIa-9.1 - Q4
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ikatlong antas ng pasasalamat?
Pagbabayad sa kabutihang ginawa sa abot ng makakaya
Pagbibigay ng regalo
Pasasalamat
Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
30sEsP8PBIIIa-9.1 - Q5
Isa sa paraan ng pagpapakita ng Pasasalamat ay ang pagkakaroon ng ritwal na pasasalamat. Sino ang una nating inaalaala na dapat pasalamatan?
Ang pamilya at kamag-anak
Ang Diyos
Ang pamahalaan
Ang mga kaibigan at kaklase
30sEsP8PBIIIa-9.1 - Q6
Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng pagsasabuhay ng pasasalamat?
Si Marie na patuloy ang pag-aaral at pagsasaliksik kung papaano makakatulong sa kapwa.
Pag-obserba sa ginagawa ng mga matatanda na nakakakanlong sa loob ng bahay-ampunan.
Mula sa ipon nakabili si Cassey ng limang daang (500) pirasong pandesal at kanya itong inilagay sa papel na supot at ipinamigay sa mga kapitbahay na nasa ilalim pa ng lockdown.
Patuloy ang pag-iipon ng magkakaibigang guro na sina Kristin, Chinnie at Mavic para sa plano nilang pagbubuo ng isang libreng Day Care Center upang makatulong sa mga batang kapus-palad.
45sEsP8PBIIIb-9.4 - Q7
Masayang-masaya si Maria dahil sa balitang isa ng ganap na abogado si Rodel, ang dating batang lansangan na kanyang tinulungan upang makapagpatuloy ng pag-aaral. Ang pangungusap ay _________________.
mali, sapagkat ang perang dapat na itinulong niya kay Rodel dapat sana ay inipon ito upang may madukot siya sa oras ng kanyang pangangailangan.
mali, sapagkat hindi naman siya ang makikinabang sa pagiging abogado ni Ronel.
tama, dahil alam ni Maria na sa kaibuturan ng kanyang puso ay nakagawa sya ng kabutihan sa kanyang kapwa.
tama, dahil nagbunga ng mabuti ang pagsisikap ni Rodel.
30sEsP8PBIIIb-9.4 - Q8
Sa pagsasabuhay ng pagiging mapagpasalamat, alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI nararapat.
Ipinambili ng make-up ni Danica ang perang tulong na pambili ng gamot para sa kanyang inang maysakit.
Dumami ang kaibigan ni Raquel dahil sa mabuting pakikisama niya sa mga ito.
Masayang-masaya si Andrea dahil sa pagkakataong kinuha siyang maging panauhing pandangal ng paaralang kanyang pinanggalingan.
Ang pagkakaroon ng katahimikan ng isip dahil sa nagawa mong kabutihan ay nagampanan mo ang pagiging isang mabuting nilalang.
30sEsP8PBIIIb-9.4 - Q9
Alin sa pangungusap ang tumutukoy sa entitlement mentality?
Binigyan si Tin Tin ng pabuya ng kanyang ina matapos makagawa ng mga gawaing bahay.
Tinanggap ni Mira ang parangal bilang isang mahusay na lider sa kanilang paaralan dahil alam niya sa sarili niya na nararapat lang dahil siya ang ang nagpapakahirap na pamunuan ang organisasyong kinabibilangan.
Sa matiyagang pag-alalay ni Kier sa pagpapaintindi ng nilalaman ng mga modyuls ng kanyang bunsong kapatid ay niregaluhan siya ng t-shirt ng kanyang nanay.
Nagpupumilit na magpabili si Charisse ng bagong cellphone sa kanyang Nanay dahil karapatan naman daw niya na maibigay ang gusto niya.
30sEsP8PBIIIb-9.3 - Q10
Ano ang layunin ng pasasalamat?
Masuklian ang kabutihang nagawa ng ating kapwa
Maging masaya sa pagpapahayag sa kabutihang dulot na nagawa ng ating kapwa.
Dapat na maibalik sa pamamagitan ng pagpapahayag o pagsasagawa ng mga bagay na tama at mabuti.
Maipadama na ang lahat ng kabutihang galing sa ating kapwa ay biyaya ng pagmamahal ng ating Poong Maykapal.
30sEsP8PBIIIb-9.3 - Q11
Nag-iisang itinataguyod ni Aling Elena ang kaniyang tatlong anak, maliliit pa lamang ang mga ito nang mamatay ang kaniyang asawa. Panatag siya na mapapalaki niya ang mga ito nang maayos. Subalit, may mga pagkakataon na natatakot din siya dahil mga nagdadalaga at nagbibinata na ang mga ito. Sa paanong paraan nila mapapatatag ang kanilang samahan sa loob ng kanilang tahanan?
Sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses sa isang linggo.
Pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa.
Pagkakaroon ng mga alituntunin na dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag- uwi nang maaga.
Pagkukumustahan kapag nagkasama-sama gamit ang cellphone/email kung nasa malayong lugar.
60sEsP8PBIIId-10.3 - Q12
Naipapakita ang paggalang sa kapuwa sa pamamagitan ng ______.
Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
Pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.
Pakikibahagi sa mga bagay na nakasanayan.
Pagbibigay ng halaga sa isang tao.
60sEsP8PBIIId-10.3 - Q13
Paano mo mas higit na maipapakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katuwiran.
Unawain na hindi lahat ng pagpapasya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.
Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang pagkakamali.
Limitahan ang pagsuporta sa kanilang mga proyekto at programa.
45sEsP8PBIIId-10.4 - Q14
Kung nais mong makaimpluwensya ng kapwa upang sila ay maging magalang at masunurin, dapat kang maging _________.
masuwayin
wala sa nabanggit
palasagot
mabuting halimbawa
45sEsP8PBIIId-10.4 - Q15
Matandang-matanda na ang lola ni Trixhie at may diprensiya na ang kanyang pandinig. Kung ikaw si Trixhie, paano mo kakausapin ang iyong lola ng may paggalang?
Sisigawan dahil bingi na ang kanyang lola
Wala sa nabanggit
Gawing maayos ang pakikipag-usap
Hindi na lang kakausapin ang lola
45sEsP8PBIIId-10.4