
SUPLAY-module 2 quiz
Quiz by RAQUEL VIGILIA
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 1 skill from
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
1. Isinasaad ng batas na ito ang isang suplayer ay nawawalan ng ganang magsuplay o gumawa ng mga produkto kapag ang presyo ay mababa.
Batas ng Demand
Batas ng Suplay
Batas ng Lumiliit na Pakinabang
Batas ng Elastisidad
30sAP9MKE-Ih-18 - Q2
2.Ang grapikong representasyon ng bilang ng produkto o serbisyo na handang ipagbili ng prodyuser ay nakapaloob sa______.
Kurba ng Demand
Kurba ng Elastisidad
Batas ng Suplay
Kurba ng Suplay
30s - Q3
3. Ayon sa batas ng suplay, nagbibili ang prodyuser ng maraming produkto at nagkakaloob ng maraming serbisyo kung ang presyo ay____.
walang pagbabago
pabago-bago
mataas
mababa
30s - Q4
4. Ito ay talaan ng ibat-ibang dami ng produktong handang ipagbili ng mga negosyante sa ibat-ibang presyo.
suplay function
iskedyul ng suplay
demand function
iskedyul ng demand
30s - Q5
5. Ang pagdami ng tao sa isang lugar ay nag-uudyok sa mga prodyuser na magprodyus ng marami sapagkat marami ang inaasahang mamimili. Ang salik na ito ay nakapagbabago sa kurba ng suplay.
kapaligiran
panahon
presyo ng produkto
populasyon
30s - Q6
6. Ang karamihan ng mga bansa sa daigdig ay hindi kayang magprodyus ng mga produkto na kinakailangan ng kanilang mamamayan. Ang sitwasyong ito ang nagbunsod sa mga bansa na magpakadalubhasa at magkaroon ng kasanayan sa paggawa ng isang produkto. Ito ay tinatawag na_______.
alokasyon
produksiyon
implasyon
espesyalisasyon
30s - Q7
7. Ang presyo ng produkto at serbisyo ay nagsisilbing hudyat sa mga prodyuser kung gagawa o hindi ng mga produkto o sebisyo. Ang mataas na presyo ng isang produkto o serbisyo ay makahihikayat sa mga negosyante dahil______.
mabilis na maipagbibili ang mga produkto
lalaki ang kikitain niya
lalaki ang kapital niya
mapadadali ang gawa
30s - Q8
8. Ang produksiyon ay ang paglikha ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao. Ang mataas na produksiyon ng mga produkto at serbisyo ay nakapagtataas sa ekonomiya ng bansa. Ano ang higit na nakatutulong sa pagpapataas ng produksiyon?
disiplinado at may kasanayan na manggagawa
malaking puhunan
malaking populasyon
saganang likas na yaman
30s - Q9
9. Nakabili ng makabagong traktora si Mang Juan na ginamit niya sa kaniyang taniman. Hindi na siya nangangailangan ng maraming katulong sa bukid. Ano ang hindi mabuting epekto nito?
maraming kababaryo ang nawalan ng trabaho
marami siyang naiprodyus
bumagal ang trabaho dahil sa kawalan ng katulong sa bukid
naging makasarili si Mang Juan
30s - Q10
10. Ito ang itinuturing na independent variable.
dami
ekwasyon
presyo
punto
30s - Q11
11. Kung ang karamihan ng mga manggagawa sa pabrika ng asukal ay nagwewelga ano ang mangyayari sa suplay nito?
bababa ang suplay
tataas ang suplay
bababa ang demand
tataas ang demand
30s - Q12
12. Alin sa mga sumusunod ang salik na nakapagpapataas sa antas ng produksiyon ng suplay ng mga produkto?
pagtaas ng demand para sa produkto
pagdami ng bilang ng mga mamimili
pagmahal ng mga salik ng produksiyon
paggamit ng angkop na teknolohiya
30s - Q13
13.Ang produksiyon ay tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Alin sa mga sumusunod ang hindi negatibong nakaaapekto sa suplay ng produkto?
kaalaman sa paggamit ng makabagong teknolohiya
kakulangan sa kaalaman sa pangangalakal bilang isang entreprenyur
kawalan ng kakayahan ng lakas-paggawa ukos sa wastong pagtatagumpay ng trabaho
kakulangan ng puhunan para sa pagtatagumpay ng kalakalan
30s - Q14
14. Sa tuwing magkakaroon ng mga bagyo, inaasahan ang pagkasira ng mga pananim dahilan para bumaba ang suplay sa pamilihan. Ano ang maaring mangyari sa suplay sa ganitong pangyayari?
Ang suplay ay lalong dadami, tataas ang presyo
Bababa ang suplay, tataas ang presyo
Dadami ang konsumo, bababa ang presyo ng bilihin
Magkapareho lamang ang dami ng suplay kaya walang pagbabago sa presyo.
30s - Q15
15. Ano ang ipinahihiwatig ng batas ng suplay?
Habang bumababa ang presyo ng mga produkto, ang mga prodyuser ay higit na gagawa ng mga kalakal at serbisyo.
Habang bumababa ang presyo ng mga bilihin, maraming mabibili ang mga mamimili.
Habang tumataas ang bilihin, nalilimitahan ang mabibili ng mamimili.
Habang tumataas ang halaga ng mga produkto, ang mga prodyuser ay higit na gagawa ng mga kalakal at serbisyo.
30s