placeholder image to represent content

Tekstong Pantasya at Tekstong Realidad

Quiz by Rose Agito

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1

    Ito ang tawag sa anumang babasahing may pangyayaring hindi nababatay sa katotohanan. Ito ay kathang-isip lamang ng may-akda. Ilan sa mga halimbawa nito ay mga kuwentong tungkol sa engkanto, duwende, mahika, at mga kababalaghan. Ang tauhan, pangyayari, sakuna, at pook na pinangyarihan ng kuwento ay imahinasyon lamang ng may-akda at imposibleng matupad o mangyari.

    Users enter free text
    Type an Answer
    30s
  • Q2

    Ito ay isang paglalahad o pagsasalaysay ng katotohanan. Bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at pangyayari. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba't ibang mga paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba pa.

    Users enter free text
    Type an Answer
    30s
  • Q3

    Ilagay sa wastong grupong kinabibilangan.

    Users sort answers between categories
    Sorting
    30s
  • Q4

    Ang_________ ay ang mga haka-hakang kuwentong bayan tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o bayan. Ang alamat ay mga kuwentong bayan na isinasalin sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng bibig. Ang mga alamat ay kapupulutan ng mga aral. Ang mga kuwentong ito ay sumasalamin sa ating kultura.

    Users re-arrange answers into correct order
    Jumble
    30s
  • Q5

    Ang_________  ay isang uri ng panitikan na kathang-isip lamang na kinapupulutan ng magandang aral. Mga hayop o bagay na walang buhay ang karaniwang gumaganap na pangunahing tauhan dito. Kung ang tawag sa manunulat ng maikling kuwento ay "kuwentista", "pabulista" naman ang tawag sa manunulat ng pabula.

    Users re-arrange answers into correct order
    Jumble
    30s
  • Q6

    Ang ___________  ay mga kathang-isip na kuwento o salaysay na kumakatawan sa mga pag-uugali at kuro ng mga mamamayan sa isang lipunan. Ito ay nabuo ng mga manunulat upang kanilang maipahayag ang mga sinaunang pamumuhay at upang maging gabay ng mga tao sa kasalukuyan. Maaari nilang gawing basehan ang mga wastong pag-uugali at mga aral na gustong iparating ng kuwento.

    Users re-arrange answers into correct order
    Jumble
    30s
  • Q7

    Ang _______ ay isang mahabang salaysayin ng mga kawing na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon. Ito ay maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.

    Users re-arrange answers into correct order
    Jumble
    30s
  • Q8

    Ang _______ ay isang kaisipan o opinyon ng isang tao na binibigkas sa entablado. Ito ay isang sistematikong pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pagsasalita.

    Users re-arrange answers into correct order
    Jumble
    30s
  • Q9

    Ang______  ay isang uri ng lathalaing tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay kaalaman sa mga mamamayan.

    Users re-arrange answers into correct order
    Jumble
    30s
  • Q10

    Ang _______ ay isang anyo ng panitikang nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari, o impormasyon. Ang salitang talambuhay ay galing sa dalawang salitang tala at buhay, kung kaya nauukol sa kasaysayan ng isang tao. Ito ay biography sa salitang Ingles. Ang pagsasalaysay tungkol sa taong pinakapaksa ay puwedeng isagawa ng ibang tao o kaya'y ng may katawan na rin.

    Users re-arrange answers into correct order
    Jumble
    30s
  • Q11

    Ang _________  ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Layon nito ay makapagbatid ng isang magandang karanasang kapupulutan ng aral at magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.

    Users re-arrange answers into correct order
    Jumble
    30s
  • Q12

    Ito ay isang kuwentong naglalaman ng mga hindi makatotohanang pangyayari.

    kwentong realidad

    kwentong pantasya

    30s
  • Q13

    Ang kuwentong pantasya ay walang mensahe o aral na nais sabihin sa mambabasa.

    false
    true
    True or False
    30s
  • Q14

    Ang mga pabula ay isang halimbawa ng kuwentong pantasya.

    true
    false
    True or False
    30s
  • Q15

    Ang kuwento ni Pinocchio ay isang halimbawa ng kuwentong pantasya.

    true
    false
    True or False
    30s

Teachers give this quiz to your class