
Teorya ng Wika
Quiz by Denielle Borgoños
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Pinaniniwalaan na ang teoryang ito ay nagmula diumano sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili at iba pang mga bulalas-emosyon.Â
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao.Â
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay.Â
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao.Â
Kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika ang tao sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ang teoryang ito ay hindi limitado sa kalikasan lamang kundi maging sa mga bagay na likha ng tao.Â
Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.Â
Ayon sa teoryang ito, ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.Â
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol.Â
Ayon sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna'y nagsalita.Â
Pinaniniwalaan na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.Â