
Tukuyin kung paano inorganisa ang mga datos sa Kabanata II
Quiz by Jazelle Boctot
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang mga pag-aaral ay inihanay batay sa mga teoryang ginamit tulad ng Social Learning Theory ni Bandura at Cognitive Development Theory ni Piaget sa pagsusuri ng pagkamalikhain ng mga kabataang artist.
Ipinakita sa pag-aaral ni Cruz (2021) na ang pangunahing sanhi ng stress sa mga mag-aaral ay ang kakulangan sa tulog, samantalang binigyang-diin ni Dela Peña (2022) na ang mabigat na akademikong gawain ang madalas na dahilan ng pagkapagod ng mga estudyante. Parehong pag-aaral ay nagpapakita na ang time management ay mahalagang kasanayan upang mabawasan ang stress.
Gumamit ng survey method si Rivera (2018) upang sukatin ang antas ng motibasyon ng mga mag-aaral sa sining, samantalang ginamit naman ni Gomez (2020) ang case study approach upang tukuyin ang mga personal na karanasan ng mga estudyanteng may mababang motibasyon.
Sa pag-aaral ni Anderson (2019) sa Estados Unidos, nakita na ang social media ay pangunahing instrumento ng pagpapahayag sa mga kabataang artist. Sa Pilipinas, natuklasan ni Cruz (2021) na ginagamit din ito ng mga mag-aaral ng sining bilang midyum ng pakikilahok sa mga isyung panlipunan.