
Unang Digmaang Pandaigdig
Quiz by Ginalyn Gelera
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
1. Alin sa sumusunod ang maaring magdulot ng pinakamatinding pinsala saari-arian at imprastruktura?
digmaan
epidemya
kahirapan
pagkalugi
30s - Q2
2. Anong imperyo sa Gitnang Silangan ang bumagsak pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig?
Hapsburg
Ottoman
Hohenzollern
Romanov
30s - Q3
3. Aling pahayag ang hindi nagsasaad ng tamang hinuha tungkol sa epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig?
Nasira ang mga ari-arian.
Napahinto nito ang gawaing pangkabuhayan.
Maraming tao ang mandarayuhan sa ibang bayan.
Tumaas ang bilang ng mga taong nasugatan at namatay.
30s - Q4
4. Ano ang mahihinuha kapag naantala ng digmaan ang aktibong kalakalan sa buong mundo?
Tataas ang presyo ng mga bilihin
Bababa ang presyo ng mga bilihin
Tatamlay o mahihinto ang kalakalan
Kaunting produkto ang mapagpipilian
30s - Q5
5. Kung ikaw ay isang lider na nakaligtas sa Unang Digmaang Pandaigdig, alin ang nararapat na unang bigyang-pansin?
pagsali sa iba’t ibang pandaigdigang samahan
payagan ang lahat ng dayuhang mamumuhunan na papasok sa bansa
palawakin ang teritoryo upang madagdagan ang mga hilaw na sangkap at mapabilis ang pag-unlad
pagpapatupad ng mga programang pang-ekonomiya na nakatuon sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga tao
30s - Q6
6. Ano ang tawag sa pagkakampihan ng mga bansa sa Europe bago nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig?
alyansa
pagkakaibigan
kapatiran
sanduguan
30s - Q7
7. Alin sa sumusunod na sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig ang tumutukoy sa pagpapahusay, pagpaparami ng armas, at pagpapalakas ng mga sandatahang lakas ng mga bansa sa Europa?
Imperyalismo
Kolonyalismo
Militarismo
Nasyonalismo
30s - Q8
8. Saang kontinente nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig?
Africa
Asia
Europe
North America
30s - Q9
9. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging hudyat ng pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?
paglusob ng hukbong Germany sa Belgium
pagpalabas ng Labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
pagwakas ng mga imperyo sa Europe tulad ng Germany, Austria-Hungary, Russia at Turkey
pagpaslang sa tagapagmana ng trono ng Austria-Hungary na siArchduke Francis Ferdinand
30s - Q10
10. Alin sa sumusunod na pahayag ang halimbawa ng epekto sa ekonomiya pagkatapos ng mga digmaan?
Paghina ng industrialisasyon at pananalapi
Pagiging malaya mula sa mga mananakop
Pagtatag ng mga samahang Liga ng mga Bansa
Paglakas ng Central Powers sa larangan ng pamamahala
30s - Q11
11. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga mahalagang pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig?
A. pagtatatag ng United Nations
pagkaroon ng diwang nasyonalismo
pagkatatag ng Allies at Central Powers
pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa
30s - Q12
12. Sino ang nagpasikat ng katagang “Sa alinmang digmaan, walang panalolahat ay talo?
Lloyd George
Woodrow Wilson
Neville Chamberlain
George Clemenceau
30s - Q13
13. Alin sa mga sumusunod na sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig ang tumutukoy sa madaling paraan ng pagpapalawak ng kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng pag-impluwensiya sa mga kalakaran ng ibang estado?
imperyalismo
kolonyalismo
militarismo
nasyonalismo
30s - Q14
14. Ano-anong bansa ang bumubuo sa Triple Entente?
France, Italy, Russia
Russia, Germany, Italy
France, Great Britain, Russia
Germany, Austria-Hungary, Italy
30s - Q15
15. Paano naging sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig ang pagbubuo ng mga alyansa?
Nalagay sa panganib ang isang bansa
Nagkaroon ng pagkakampihan sa mga bansang sangkot
Pinahina nito ang sandatahang lakas ng isang bansa
Mas napalawak ang ugnayan ng mga bansa sa pakikipagkalakalan
30s