
Unang Lagumang Pagsusulit
Quiz by Virginia T. Jaralve
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 8 skills from
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Ang populasyon ay tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar. Malaking isyu sa Asya ang lumalaking populasyon dahil sa nagdudulot ng suliranin maliban sa ___________
pagtaas ng krimen sa bansa
paglipat ng mamayan sa ibang bansa
pagkawasak ng likas na yaman
pagdami ng bilang ng lakas paggawa
60sAP7HAS-Ii-1.9 - Q2
Taglay ng Asya ang mga mahahalagang yamang likas ng mundo. Ang yaman na ito ay ipinagmamalaki at pinakikinabangan ng mga Asyano. Ano ang karaniwang hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa malawak na lambak at kapatagan?
Pagsasaka
Pagmimina
Pangingisda
Pagtotroso
60sAP7HAS-Ia-1 - Q3
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang di kabilang sa mga katangiang pisikal ng Kontinente ng Asya?
Matagpuan sa Asya ang iba't ibang uri ng anyong lupa: tangway, kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan
Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng kapaligiran batay sa mga tumutubong halaman
Ang iba't ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga tao
Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig
60sAP7HAS-Ia-1 - Q4
Ang pagkasira ng ecological balance o kalagayang ekolohikal sa isang rehiyon ay nagdudulot ng maraming epekto tulad ng pagkaranas ng bagsik ng kalikasan. Sa iyong palagay alin sa mga pahayag ang naging implikasyon nito?
Pagkakaroon ng iba't ibang sakit
Kapahamakan sa sangkatauhan
Pagkakaroon ng polusyon
Pagkawala ng hayop halaman
60sAP7HAS-Ig-1.7 - Q5
Karaniwang matatagpuan ang tropical rainforest malapit sa equator. Ito ang nagsisilbing tirahan ng 50% halaman at hayop. Aling rehiyon sa Asya ang may pinakamalaking sakop ng rainforest?
Silangang Asya
Kanlurang Asya
Timog Asya
Timog Silangang Asya
60sAP7HAS-Ie-1.5 - Q6
Makikita sa mga lungsod ang pinakamaraming tao at mga pagawaan na nagtatapon ng dumi at basura. Sa ganitong suliranin, ano ang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan?
Magkaroon ng maayos na pasilidad sa patatapon ng basura
Dagdagan ang mga basurero na mangungulekta ng basura
Bawasan ang bilang ng mga tao sa lungsod at ilipat sila sa lalawigan
Ipasara angmga pagawaan na nagdudulot ng polusyon
60sAP7HAS-Ig-1.7 - Q7
Mabilis ang pagkaubos ng ng kagubatan sa mga bansa sa Timog Silangang Asya. Gayunpaman, anong suliraning pangkapaligiran ang hindi gaanong laganap dito
flash flood
erosion
polusyon
desertification
60sAP7HAS-Ig-1.7 - Q8
Ang mga kagubatan ay tahanan ng mga endangered species, tinutukoy ang mga species na ito na:
Nanganganib na maubos ang uri
Mga mababangis na hayop na di mapapalitan
May kamandag at nakalalason
Maramihang manganak
60sAP7HAS-Ig-1.7 - Q9
Ang global warming ay ang pag-init ng temperature ng mundo. Ipinaaala na ang tao ay nararapat kumilos at bawasan ang:
Pagtatapon ng basura lalo na sa ilog
Paggamit ng makabagong teknolohiya
Pag-aabuso sa likas na yaman o kalikasan
Labis na polusyon lalo na sa hangin
60sAP7HAS-Ig-1.7 - Q10
Kailangang mapanatiling balanse ang kalagayang ekolohikal upang hindi maghirap ang tao sa darating na panahon. Kailangan din ang bagong estratehiya sa sustainable development. Paano ito bibigyan ng kahulugan?
Pagsasa-ayos ng krisis ekonomiya
Pangangalaga ng kapaligiran habang pina-uunlad ang ekonomiya
Pagbabago ng tao ng pamumuhay
Pag-ubos sa likas na yaman
60sAP7HAS-Ig-1.7 - Q11
Ang pangunahing dahilan ng pag-unlad ng Kanlurang Asya ay ang:
Pagkakaroon ng malawak na lupaing agrikultural
Pagkakaroon ng edukasyon ng lahat ng mga mamamayan
Pagkakaroon ng malaking suplay ng langis
Pagpapanatili sa kulturang naka gisnan
60sAP7HAS-If-1.6 - Q12
Ang pagkakaiba-iba ng klima ng Asya ay bunsod ng ibat' ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima, at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang ang tag-init. Ano naman ang katangian ng klima ng Timog Silangang Asya?
Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, tag-araw at tag-ulan
Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang naranasan sa rehiyong ito sa iba't ibang buwan sa loob ng isang taon
May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo
Sobrang lamig ang rehiyon at hindi kayang manirahan ang mga tao
60s - Q13
Kailangang mapanatiling balanse ang kalagayang ekolohikal upang hindi maghirap ang tao sa darating na panahon. Kailangan din ang bagong estratehiya sa sustainable development. Paano ito bibigyan ng kahulugan?
Pagsasa-ayos ng krisis ekonomiya
Pag-ubos sa likas na yaman
Pagbabago ng tao ng pamumuhay
Pangangalaga ng kapaligiran habang pina-uunlad ang ekonomiya
60sAP7HAS-If-1.6 - Q14
Mayaman ang Asya sa iba't ibang uri ng anyong tubig tulad ng karagatan, lawa, at mga ilog na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq, ang Indus sa India at ang Huang Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na ito na gumaganap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang gampanin nito?
Ang mga ilog na ito ang nagsilbing daanan ng mga barko paloob at palabas ng bansang kinabibilangan nito para sa kalakalan
Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mga ilog na ito sa tuwing may magaganap na pagbaha
Maraming mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa ilog na ito
Ang mga ilog na ito sa Asya ang pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan sa rehiyon at sa buong daigdig
60sAP7HAS-If-1.6 - Q15
Ano ang pangunahing naglalarawan sa dalawang pahayag?
Pahayag 1: Ang Asya ay matatagpuan sa pagitan ng Europa sa kanlurang, Dagat
Pasipiko sa silangan, Dagat Arctic sa hilaga, at Dagat Indian sa Timog
Pahayag 2: Ang Asya ay matatagpuan sa pagitan ng Aprika sa silangan, Dagat Arctic
sa kanluran, Dagat Pasipiko sa hilaga at Dagat Atlantic sa Timog
Pahayag 1ay mali, Pahayag 2 ay tama
Pahayag 1 ay mali, Pahayag 2 ay mali
Pahayag 1 ay tama, Pahayag 2 ay mali
Pahayag 1 ay tama, Pahayag 2ay tama
60sAP7HAS-Ia-1.1