placeholder image to represent content

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ESP 6

Quiz by John Alexis Talastas

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
20 questions
Show answers
  • Q1
    “Huwag kang mag-alala, may awa ang Diyos. Hindi Niya tayo pababayaan” Ano ang ibig sabihin nito nang sabihin ito ni Aling Josefa kay Mang Jose?
    Ipapaubaya sa Diyos ang problema.
    Ang problema ay dapat pabayaan at huwag nang harapin.
    Anuman ang problemang darating, isumbong lamang sa asawa at siya ay pabayaan na lamang.
    Manalangin ng taimtim kung ano ang mabuting gawin para ito ay mabigyan ng solusyon.
    120s
  • Q2
    Si Karen ay may kaklaseng may ibang paniniwala kaysa sa kanya. Isang araw, nakita niya ang kanyang kaklase na walang baon. Ano ang nararapat niyang gawin kahit sila ay may iba-ibang pinaniniwalaan?
    Alukin niya ito at bigyan kahit kaunti mula sa kanyang baon kahit alam niyang ito ay may ibang pinaniniwalaan.
    Huwag pansinin ang kaklaseng walang baon.
    Pabayaan niya itong nakatingin sa kaniyang kinakain.
    Pagtawanan niya ito dahil wala siyang baon.
    120s
  • Q3
    Paano mo maipapakita ang iyong pagiging mabuting tao sa iyong kapwa?
    Iwasan ang pagtulong baka maubos ang pera.
    Pabayaan ang kaklaseng umiiyak dahil nasunugan ng bahay.
    Pagtulong sa kaklaseng naapektuhan ng sakuna.
    Hindi pansinin ang kapitbahay na walang makain dahil sila ay may ibang pinaniniwalaan.
    120s
  • Q4
    Sino sa mga mag-aaral ang nagpapakita ng may magandang kaugalian ng mabuting pagkatao anuman ang kanilang paniniwala?
    Si Susana ay pinababayaan ang matandang tumatawid sa daan na nag-iisa.
    Si Perla ay hindi sumusunod sa utos ng kanyang kuya tuwing siya ay inuutusan.
    Si Jeanne na ginagawa ang mga gawain sa kanilang bahay kahit siya ay hindi na inuutusan.
    Si Ramonito ay hindi tumutulong sa kanyang mga kapatid sa gawaing bahay.
    120s
  • Q5
    Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa iba’t ibang paniniwala na mayroon ang bawat tao?
    Bago ang kanyang kaarawan, tinanong ni Ellaine ang kanyang mga kaibigan kung mayroong ipinagbabawal na kainin sa kani-kanilang mga relihiyon
    Pumili ng mga kagrupo si Ben na may katulad na paniniwala sa kanya.
    Nakikipagtalo si Lyn sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa social media upang ipagtanggol na tama ang kanyang paniniwala.
    Namigay sina Jun ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyo sa kondisyon na sila ay makikianib sa kanilang relihiyon.
    120s
  • Q6
    Kung ikaw ay nasa loob ng pook-dasalan, paano mo maipapakita ang pagkakaroon ng mabuting pagkatao?
    Matulog kasi nakakaantok ang sinasabi ng tagapanguna
    Magkuwentuhan sa iyong kaibigan
    Makinig sa tagapanguna ng simbahan
    Magdasal nang malakas sa upuan
    120s
  • Q7
    Sa oras ng komunyon, maraming tao ang pumipila para makarating sa malapit na kinaroroonan ng pari. Sa iyong palagay, ano ang maaaring gawin upang hindi magkagulo habang isinasagawa ang komunyon?
    Humanap ng kilala para mauna ka
    Pumila at maghintay hanggang umabot sa unahan
    Manulak para mauna sa iba
    Tularan ang mga taong nagsisipagsiksikan
    120s
  • Q8
    Isang umaga, nang dumaan kayo sa harap ng mosque, nakita mo ang isang grupo ng iyong kamag-aral na nasa loob nito. Dali-dali rin kayong pumasok dahil may ibabalita kayo sa kanila. Ano ang maaari ninyong gawin upang masabi sa iyong kaibigan ang nais ninyong ipabalita sa loob ng mosque?
    Tawagin sila nang malakas at sabihin ang ibabalita
    Sabihin agad nang malakas ang ibabalita.
    Hintayin na makalabas ng mosque at sabihin ang ibabalita
    Ikuwento nang malakas ang ibabalita
    120s
  • Q9
    Mayroong programang interfaith dialogue sa inyong paaralan kung saan magbabahagi ang mga tao mula sa iba’t ibang relihiyon at paniniwala. Inanyahan kang dumalo ng iyong kaibigan sa gawaing ito, ano ang iyong magiging desisyon?
    Dadalo ako upang siraan sa katabi ang mga tao mula sa ibang relihiyon at ibang pananampalataya
    Hindi ako dadalo, ayaw kong making sa ibang relihiyon dahil matapat ako sa aking relihiyon
    Dadalo ako at makikinig upang magkaroon ng kaalaman sa iba’t ibang paniniwala
    Hindi ako dadalo dahil nais kong maglaro
    120s
  • Q10
    Kasama mo ang iyong kaibigan sa pagpunta sa pook sambahan. Malapit sa inyong inuupuan ay may mga batang tulad ninyo na nagkukuwentuhan nang malakas. Sa iyong palagay, ano ang dapat mong gawin upang maipakita ang tamang saloobin ng pagkakaroon ng mabuting pagkatao?
    Huwag mong pansinin kung ano ang kanilang ginagawa
    Hintayin lamang na pagalitan sila ng mga tao
    Pagsabihan mo sila sa mabuting paraan na huwag silang magkuwentuhan.
    Magkuwentuhan rin kayo kasama nila
    120s
  • Q11
    Iginagalang ni Ana ang kanyang matalik na kaibigan sa magkaiba nilang paniniwala.
    Mali
    Hindi ko alam
    Tama
    Bahala na
    30s
  • Q12
    Pinapayagan ni Aling Lydia ang kanyang mga anak na sumasama sa mga kaibigang may ibang paniniwala.
    Tama
    Bahala na
    Pwede
    Mali
    30s
  • Q13
    Nakikinig si Harold sa pastor kahit sila ay may magkaibang relihiyon.
    Tama
    Mali
    Pwede
    Bahala na
    30s
  • Q14
    Pinipilit ni Jose ang kanyang kamag-aral na pumunta sa inyong pook dasalan kahit ayaw niya, dahil magkaiba kayo ng pananampalataya.
    Bahala na
    Tama
    Mali
    Pwede
    30s
  • Q15
    Sa tuwina ay ipinapaalala ni Bb. Chayin sa kanyang mga mag-aaral na irespeto ang kaklaseng may ibang relihiyong pinaniniwalaan.
    Pwede
    Tama
    Bahala na
    Mali
    30s

Teachers give this quiz to your class