
Unang Maikling Pagsusulit sa ESP 4 - Ikalawang Markahan
Quiz by Aibe Tejan
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Pangarap mong maging modelo sa iyong paglaki kung kaya’t sumasali ka sa mga paligsahan sa inyong paaralan at komunidad. Gayon pa man, madalas mong marinig na may pumipintas sa iyo. Ano ang iyong gagawin?
Tanggapin ko nang maluwag sa aking kalooban ang mga pintas nila at pagbutihin ko ang aking ginagawa.
Aawayin ko sila.
Hindi ko sila papansinin.
Pipintasan ko rin sila.
120s - Q2
May bago kang kaklase galing sa malayong probinsya. Nalaman mong pinipintasan ito ng mga kaklase mo. Ano ang sasabihin mo sa kanila?
Wala akong pakialam.
Pagsasabihan ko ang aking mga kaklase na huwag siyang pintasan.
Hindi ko sila papansinin.
Gagayahin ko rin ang aking mga kaklase.
120s - Q3
Pinuna ka ng iyong guro dahil nakikipagdaldalan ka sa iyong kaklase. Paano mo ito tatanggapin?
Hihingi ako ng sorry sa aking guro.
Sisimangutan ko ang aking guro.
Ipagpatuloy ko parin ang aking ginagawa.
Hindi ko sya papansinin..
120s - Q4
Madalas kang kumanta sapagkat hilig mo rin ito. Sinigawan ka ng inyong kapitbahay. Hindi raw maganda ang boses mo. Ano ang iyong gagawin?
Aawayin ko sila.
Wala akong pakialam.
Hindi ko sila papansinin.
Mas lalo kong pagbubutihin ang aking pagkanta.
120s - Q5
Binabatikos ka dahil sa isang pagkakamaling nagawa mo. Paano mo haharapin ang mga pumupuna sa iyo?
Kakausapin ko sya ng mahinahon at humingi ng sorry sa pagkakamaling ginawa.
Babatikusin ko rin sya.
Hindi ko nalang sya papansinin.
Hahamunin ko siya ng away.
120s - Q6
May nakita kang umiiyak na bata kasi siya ay nawawala. Ano ang maaari mong maitulong sa kaniya maliban sa isa?
Dadalhin ko siya sa barangay para matulungan siya.
Tutulungan ko siyang makabalik sa kaniyang pamilya.
Tatanungin ko siya kung ano ang pangalan niya at kung saan siya nakatira
Hindi ko siya papansinin.
120s - Q7
Napansin mong nasa sulok at malungkot ang iyong kaklase. Ano ang pwede mong gawin?
Lalapitan ko siya at dadamayan kung bakit siya malungkot.
Hindi ko nalang siya papansinin
Sasabihan ko lang ang isa kong kaklase na malungkot siya.
Pagtatawanan ko siya.
120s - Q8
May mga batang marurumi at namumulot ng basura na pakalat-kalat sa kalsada. Ano ang iyong gagawin?
Wala akong pakialam sa kanila.
Babatuhin ko sila.
Bibigyan ko sila ng pagkain.
Ipagtatabuyan ko sila.
120s - Q9
Binagyo ang lugar ni Jose na iyong kaibigan. Halos naanod lahat ang mga kagamitan niya sa pag-aaral. Ano ang maaari mong maitulong maliban sa isa?
Hindi na lang ako makikialam.
Hihikayatin ko ang iba kong kaibigan at kaklase na magbigay ng tulong sa kaniya
Bibigyan ko siya ng mga luma kong kagamitan sa pag-aaral na pwede pang gamitin.
Damayan siya sa nangyaring kalamidad sa kanila.
120s - Q10
Malungkot ang iyong kamag-aral na si Mico. Napagalitan siya ng kaniyang magulang sapagkat bumaba ang kaniyang marka. Kasama siya dati sa mga nangunguna sa klase subalit dahil sa pagbaba ng kaniyang marka ay hindi na siya nakasama. Ano ang maaari mong sabihin kay Mico?
Hayaan mo na Mico. Wala namang silbi yan.
Huwag mo na lang pansinin yan Mico
Hayaan mo na yan Mico, maglaro na lang tayo.
Bumawi ka na lang sa susunod Mico.
120s - Q11
Nagagalit ang iyong mga kagrupo sa inyong lider dahil hindi maganda ang kinahinatnan ng inyong proyekto sa Agham. Ano ang dapat mong sabihin sa kanila?
“Ireklamo natin siya kay Ma’am.”
“Palitan na lang natin siyang lider ng grupo.”
“Pagtulungan na lang nating gawin ulit ang ating proyekto.”
“Huwag na natin siyang isali sa gagawin nating bagong proyekto.”
120s - Q12
Bilang isang batang mag-aaral ng Grade 4, alin sa mga sumusunod ang HINDI mo dapat ginagawa?
Pinapatawad mo ang mga taong nagkasala sa iyo.
Ginagamit mo ang salitang “sorry” nang bukal sa iyong kalooban.
Iniiwasan mo ang mga taong nakasakit ng iyong damdamin.
Iniiwasan mong makasakit sa iyong kapwa.
120s - Q13
Alin sa mga sumusunod na salita ang pwede mong gamitin sa paghingi ng paumanhin?
Ikaw kasi!
Bahala na.
Buti nga sa iyo
Hindi ko sinasadya.
120s - Q14
Bakit kailangan nating maging mahinahon sa lahat ng oras?
Para hindi tayo awayin ng ating kapwa
Para mas marami tayong maging kaibigan
Dahil ito ang utos ng ating mga guro
Upang maiwasang makasakit sa damdamin ng ating kapwa
120s