placeholder image to represent content

Unang Maikling Pagsusulit sa Filipino (3rd Grading)

Quiz by Joan Geronimo- Temporal

Grade 7
Filipino
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1

    Panuto. Piliin ang tamang sagot.

    1. Ito ay isang uri ng akdang patula na, kadalasan, ang layunin ay manlibak, manukso,o mang-uyam.

    Tugmaang de-Gulong

    Tulang Panudyo

    Bugtong

    Palaisipan

    30s
  • Q2

    2. Ito ay mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan.

    Palaisipan

    Bugtong

    Tulang Panudyo

    Tugmang de-Gulong

    30s
  • Q3

    3. Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.

    Bugtong

    Palaisipan

    Tugmang de-Gulong

    Tulang Panudyo

    30s
  • Q4

    4. Ito ay isang uri ng panitikang may layuning pukawin at pasiglahin ang kaisipan ngmga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar.

    Tugmang de-Gulong

    Tulang Panudyo

    Bugtong

    Palaisipan

    30s
  • Q5

    5. Ito ay yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula sa isa pangsalita ng partikular na wika. 

    Suprasegmental

    Diin

    Ponema

    Segmental

    30s
  • Q6

    6. Ito ay uri ng ponema na ginagamit upang makabuo ng mga salita at upang makabuo ng mga pangungusap.

    Ponema

    Diin

    Suprasegmental

    Segmental

    30s
  • Q7

    7. Ito ay uri ng ponema na ginagamit sa pagbigkas ng mga salita upang higit na maging mabisa ang pakikipagtalastasan.

    Segmental

    Diin

    Ponema

    Suprasegmental

    30s
  • Q8

    8. Isa sa mga uri ng suprasegmental nama'y saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit  na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag.

    Lakas

    Hina

    Hinto

    Diin

    30s
  • Q9

    9. Ang katagang “Aanhinpa ang gasolina kung jeep ko ay sira na”, ay halimbawa ng anong uri ng panitikan?

    Tugmang de-Gulong

    Tulang Panudyo

    Palaisipan

    Bugtong

    30s
  • Q10

    10.  Anong panitikan ang katagang nasa ibaba

     “Si Anna ay napakaganda

    Pero kung tumayo

    Ay parang nakaupo”.

    Tugmang de-Gulong

    Palaisipan

    Tulang Panudyo

    Bugtong

    30s
  • Q11

    11. Ito ay isang uri ng panitikan na karaniwang tumatalakay sa mga kuwentong may kinalaman sa diyos, diyosa, bathala, diwata, at mga kakaibang nilalang na maykapangyarihan.

    Alamat

    Kuwentong-Bayan

    Pabula

    Mitolohiya

    30s
  • Q12

    12. Ito ay mga salaysay na kathang-isip na inilalahad upang magbigay-aliw.

    Sanaysay

    Alamat

    Kuwentong-Bayan

    Mitolohiya

    30s
  • Q13

    13. Elemento ng isang akda kung saan makikita ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari.

    Banghay

    Wakas

    Katawan

    Simula

    30s
  • Q14

    14. Ito ay isa sa mga elemento ng akda kung saan makikita o mababasa ang kinahinatnan ng isang istorya.

    Gitna

    Wakas

    Katawan

    Simula

    30s
  • Q15

    15. Sa bahaging ito napupukaw ang atensyon ng mga mambabasang nagbabasa ng isangpanitikan.

    Kongklusyon

    Gitna

    Wakas

    Simula

    30s

Teachers give this quiz to your class