placeholder image to represent content

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

Quiz by Ian Johnlyn Freyra

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
20 questions
Show answers
  • Q1
    Paano mo matutukoy ang relatibong lokasyon ng isang lugar?
    Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga karatig na lugar gamit ang direksyon.
    Sa pamamagitan ng latitud at longhitud
    Sa pamamagitan ng paggamit ng sinaunang mapa.
    Sa pamamagitan ng paggamit ng eskala.
    45s
  • Q2
    Paano mo matutukoy ang tiyak ng lokasyon ng isang lugar?
    Sa pamamagitan ng latitud at longhitud.
    Sa pamamagitan ng paggamit ng sinaunang mapa.
    Sa pamamagitan ng paggamit ng eskala.
    Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga karatig na lugar gamit ang direksyon.
    45s
  • Q3
    Bakit nakatagilid o nakahilig ang globo?
    Upang madaling iikot.
    Dahil ito ang napagkasunduan ng mga sinaunang tao.
    Dahil ito ay representasyon ng ating nakahilig na mundo.
    Upang maitayo ito nang maayos.
    45s
  • Q4
    Ang mga sumusunod ay ilan sa pagkakaiba ng globo sa mapa, piliin ang hindi kabilang dito.
    Ang mapa ay maaaring magpakita ng maliliit na lugar tulad ng isang bansa, lalawigan, bayan, at maging barangay samantalang ang globo naman ay pangkabuuan ng mundo
    Isang tingin mo lang sa mapa ng mundo ay maaari mo nang makita ang lahat ng bansa nang hindi ito hinahawakan samantalang sa globo naman ay kailangan mo pa itong ikutin upang makita ng mga bansa na nasa likod nito.
    Ang mapa ay maaaring gamitin ninuman samantalang ang globo ay tanging pang eksperto lamang.
    Ang mapa ay isang patag na representasyon samantalang ang globo naman ay bilog at nakahilig.
    45s
  • Q5
    Bakit mahalaga ang ekwador sa mapa at pagtukoy ng lokasyon?
    Ang ekwador ang naghahati sa Hilaga at Timog hatingglobo
    Ang ekwador ang naghahati sa Silangan at Kanlurang hatingglobo.
    Ang ekwador ang naghahati sa Timog at Kanlurang hatingglobo
    Ang ekwador ang naghahati sa Silangan at Hilagang hatingglobo
    45s
  • Q6
    Bakit mahalaga ang Prime Meridian sa pag-aaral ng lokasyon?
    Ang ekwador ang naghahati sa Hilaga at Timog hatingglobo
    Ang ekwador ang naghahati sa Silangan at Hilagang hatingglobo
    Ang ekwador ang naghahati sa Silangan at Kanlurang hatingglobo.
    Ang ekwador ang naghahati sa Timog at Kanlurang hatingglobo
    45s
  • Q7
    Gamit ng iyong mapa, alin sa mga sumusunod ang relatibong lokasyon ng Pilipinas?
    Taiwan sa Hilaga, Vietnam sa Kanluran, Indonesia sa Timog, at Thailand sa Silangan.
    Celebes Sea sa Silangan, West Philippine Sea sa Hilaga, Pacific Ocean sa Kanluran at Sulu Sea sa Timog.
    Vietnam sa Kanluran, Malaysia sa Timog, Saipan sa Silangan, Taiwan sa Hilaga.
    Brunei sa Timog, Cambodia sa Silangan, Japan sa Hilagat, Vietnam sa Kanluran.
    45s
  • Q8
    Gamit ang mapa ng mundo, alin sa mga sumusunod na grid ang tutumbok sa Pilipinas?
    30o Timog Latitud 120o Kanlurang Longhitud
    30o Hilagang Latitud 120o Kalurang Longhitud
    15o Hilagang Latitud 120o Silangang Longhitud
    15o Timog Latitud, 120o Silangang Longhitud
    45s
  • Q9
    Bakit kadalasang mainit ang panahon sa Pilipinas?
    Dahil ang Pilipinas ay nasa tropiko ng kanser at hindi tiyak ang klima
    Dahil ang Pilipinas ay nasa kabilugang Artiko kung saan bihira ang pag-ulan
    Dahil ang Pilipinas ay nasa tropiko ng kaprikorn kaya mainit talaga ang panahon
    Dahil ang Pilipinas ay may klimang tropikal, malapit sa ekwador kaya nakakaranas ito ng direktang sikat ng araw sa buong taon.
    45s
  • Q10
    Bakit nakakaranas ng apat na panahon (Winter, Spring, Summer, Fall) ang mga bansang malapit sa Tropiko ng Kanser at Tropiko ng Kaprikorn?
    Dahil malapit sa karagatan ang mga bansang ito.
    Dahil sa pagkahilig ng mundo ay iba’t ibang haba ng sikat ng araw ang kanilang nararanasan batay sa posisyon ng mundo sa araw.
    Dahil sa mga hayop na naninirahan dito.
    Dahil sa matataas na bundok ang mga bansang ito.
    45s
  • Q11
    Paano nagkakaiba ang Klima sa Panahon?
    Ang klima ay ginagamit na salita ng mga eksperto samantalang ang salitang panahon ay para sa mga ordinaryong mamamaya pero pareho itong tumutukoy sa lagay ng atmospera
    Ang klima ay ang pabago-bagong lagay ng init ng dagat oras-oras samantalang ang panahon namay ay pabago-bagong temperatura sa taas ng bundok.
    Ang klima ay tumutukoy sa lagay ng atmospera ng isang probinsya samantalang ang panahon naman ay tumutukoy sa lagay ng panahon ng isang bansa.
    Ang klima ay kondisyon ng atmospera sa loob ng mahabang panahon samantalang ang panahon naman ay lagay ng atmospera sa isang araw o mas maiksing oras.
    45s
  • Q12
    Alin sa mga sumusunod ang hindi salik na nakakaapekto sa klima?
    Distansya mula sa ilog
    Latitude
    Altitude
    Topograpiya
    45s
  • Q13
    Alin sa mga sumusunod ang hindi salik na nakakaapekto sa panahon?
    Humidity
    Temperatura
    Dami ng ilan
    Bilis ng alon ng dagat
    45s
  • Q14
    Bakit tuwing buwan ng Hunyo hanggang Setyembre ay madalas ang suspensyon ng klase?
    Dahil ito ang panahon kung kailan nararanasan ang hanging amihan na nagdadala ng hanging malamig at hindi kakayanin ng mag-aaral na magpokus sa ganitong lamig.
    Dahil ito ang panahon kung kailan natin nararanasan ang hanging habagat na nagdadala ng pag-uulan at ito rin ang panahon na dumarating sa Pilipinas ang malalakas na bagyo.
    Dahil ito ang panahon kung kailan may malalaking bloke ng yelo na maaaring bumagsak sa ating lugar.
    Dahil ito ang panahon kung kailan natin nararanasan ang matinding sikat ng araw na hindi maganda sa kalusugan ng tao.
    45s
  • Q15
    Paano nakakatulong ang pagbibigay babala at paalala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services o PAGASA sa tuwing may paparating na sam ng panahon?
    Naghahanda ang mga mamamayan ng mga gamit na maaaring gamitin kung sakaling mananalasa ang bagyo
    Lahat ng nabanggit
    Nagkakaroon ng paghahanda ang mga local government at nagsususpinde ng klase para sa kaligtasan ng lahat
    Nagkakaroon ng pagkukumpuni sa mga sira o mahunang bahagi ng bahay upang hindi lubos na maapektuhan ng sama ng panahon
    45s

Teachers give this quiz to your class