placeholder image to represent content

Unang Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Quiz by Catherine Marcella

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
40 questions
Show answers
  • Q1
    Ano ang pinakatunguhin ng loob?
    kabutihan
    katotohanan
    kapayapaan
    katatagan
    40s
  • Q2
    Sa anong sitwasyon nagagawa ng tao na kumuha ng buod o esensiya ng isang partikular na bagay na umiiral (mag-abstraksiyon)?
    Pag-like sa lahat ng post ng mga kaibigan sa social media kahit hindi ito gusto.
    Tinatanggal ang face mask kahit nasa labas ng bahay ngayong panahon ng pandemya.
    Nangungutang sa mga kaibigan upang may pambili ng mamahaling sapatos.
    Sinusunod ang 3Rs sa pag-aayos ng basura sa loob ng tahanan.
    40s
  • Q3
    Paano ginamit ng isang taxi driver ang kanyang isip at loob sa pagpapasya sa sitwasyong ito? Isang araw, may nakaiwan ng bag na naglalaman ng malaking halaga sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan. Hindi niya ito pinag-interesan kahit nasa ospital ang kaniyang bunsong anak. Ibinalik niya sa may-ari ang bag.
    Naunawaan niya na masama ang kumuha ng pag-aari ng iba.
    Magagalit nag asawa niya kapag nalaman na ibinalik niya ang bag sa may-ari.
    Natuklasan niya na galing sa masama ang pera kaya hindi niya kinuha.
    Mas lalong nanaig sa kanya ang pagiging ama kaya kinuha niya ang bag.
    40s
  • Q4
    Ano ang hindi kakayahan ng isip?
    manghusga
    kumilos
    mangatwiran
    umunawa
    40s
  • Q5
    Ano ang bukod-tanging kakayahan ng tao?
    gumawa ng paraan upang makuha ang kaniyang nais
    protektahan ang sarili na dikta ng kaniyang mga pangangailangan
    may kamalayan sa kapaligiran sa pamamagitan ng pandama
    mag-isip, pumili at gumusto
    40s
  • Q6
    Nagagawa ng tao na kumuha ng buod o esensiya ng isang partikular na bagay na umiiral (mag-abstraksiyon). Sa anong sitwasyon makikita ito?
    Umaattend sa online class at nagpapasa ng outputs
    Hinihintay pa ang follow -up ng guro sa pagpasa ng outputs
    Ginagawa ang mga modules sa mga asignaturang kinahihiligan
    Gagawa ng modules kung pinapaalalahan ng magulang
    40s
  • Q7
    Gustong-gusto mo maging online learner subalit wala kayong internet connection. Alam mo naman na hindi rin sapat ang kinikita ng kaniyang mga magulang upang magpakabit ng linya.Ano mabuting gamit ang iyong isip?
    May pagkukulang ang aking mga magulang dahil hindi ako nabigyan ng iyong mga pangangailangan.
    Pilitin ko ang aking magulang na magpakabit na kami ng linya.
    Unawain ko na walang kakayahan ang aking mga magulang para magkaroon ng internet connection
    Mas maayos ang buhay ko kung hindi sila ang iyong magulang
    40s
  • Q8
    Nang mabasa mo ang isang balita tungkol sa lunas ng covid-19 pandemic, agad mong inalam ang source nito at hindi mo agad-agad ikinalat ito sa iyong wall o social media account.  Paano ipinakita ang gamit ng loob?
    Maniwala sa anuman impormasyon nakita sa social media.
    I-post agad sa social media.
    Hindi agad naniwala dahil sa pagpapahalaga sa katotohanan.
    Hindi ikinalat agad sa social media upang makaiwas na makapagbahagi ng fake news.
    40s
  • Q9
    Nagtapat si Edna sa kanyang matalik na kaibigang si Teresa na nakakaramdam siya ng matinding kalungkutan na hindi niya maunawaan. Nais ni Teresa na tulungan si Edna na mapalalim ang aspetong ispiritwal ng buhay nito. Paano matutulungan ni Teresa si Edna?
    Makinig ng mga salita ng Diyos sa radyo.
    Makinig kay Edna at palaging imbitahan na sabay silang manalangin
    Sabihin kay Edna na maglaan ng oras na magbasa ng mga aklat tungkol sa ispiritwalidad.
    Yayain si Edna na dumalo sa mga pagtitipon kaugnay sa pananampalataya.
    40s
  • Q10
    Naging biktima ka at ang iyong barkada ng fake news sa social media na namimigay ng load. Marami na kayong natatanggap na mga mensahe sa messenger at text na naghihingi ng load. Ano ang iyong gagawin upang itama ang fake news na ito?
    Huwag na lang itong papansinin.
    Makipag-away sa nagpakalat ng fake news.
    Gumawa ng aksyon kasama ng mga nabiktima nito.
    I-report sa mga awtoridad
    40s
  • Q11
    Ang mga sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa:
    Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat.
    Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao.
    Ito ay nauunawaan ng kaisipan.
    Ito ay sukatan ng kilos.
    40s
  • Q12
    Ang sumusunod na pahayag ay Prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa:
    Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak.
    Bilang rasyonal, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan.
    Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao.
    Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang ating buhay.
    40s
  • Q13
    Ang sumusunod ay mga pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas maliban sa:
    Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang ating buhay.
    Bilang rasyonal, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan.
    Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak.
    Gawin ang mabuti;iwasan ang masama.
    40s
  • Q14
    Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?
    Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti.
    Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.
    Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.
    Lahat ng nabanggit
    40s
  • Q15
    Paano mo maipakita ang angkop na kilos na ang batayan ay Likas Batas Moral?
    Pagsisira ng mga kagamitan ng paaralan.
    Nagsisikap sa pag-aaral upang mapabuti ang kinabukasan.
    Balewalain ang pag-aaral.
    Hindi pagsunod sa itinakdang batas ng paaralan.
    40s

Teachers give this quiz to your class