
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP IV
Quiz by Luz Espiritu
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Namantsahan ng chocolate cake ang pulang t-shirt ni Cora. Maaaring gumamit si Cora ng ________.
Grade 4 na si Benny. Natutuhan niya ang wastong pangangalaga sa sariling kasuotan. Sa pag-aalis ng chewing gum, maaari niyang gamitin ang _______.
Dumalo sa isang birthday party si Princess. Habang siya ay kumakain, natapunan ng spaghetti ang kanyang bagong puting shorts. Ano ang dapat gawin ni Princess pag-uwi sa bahay?
Suot ni Lani ang kanyang damit na pambahay. Napansin niyang ito ay may punit, ano ang dapat niyang gamitin sa pagkukumpuni ng punit?
Ipinagbabawal ang paglalaro sa basketball court dahil sa quarantine o hindi pwedeng lumabas kaya naisipan ni Jonas na ayusin ang kanyang mga damit sa kabinet. Nakita niya ang kanyang t-shirt na itim at mayroon itong hindi kanais-nais na amoy. Ano kaya ang mabuting gawin sa kanyangt-shirt?
Isang mahabang bagay na ginagamit panukat ng tela.
Ito ay matalim na bagay na ginagamit sa panggupit ng tela at sinulid.
Inilalagay ito sa daliri upang hindi matusok ng karayom.
Ginagamit na pantanggal ng kalawang sa karayom.
Ito ay ginagamit sa pananahi na may ibat ibang haba at kasama ng sinulid.
Ginagamit ito upang tusukan ng karayom kapag hindi ito ginagamit.
Ginagamit na panghawak sa tela habang nananahi o nagtatabas.
Isang kahon na lagayan ng lahat ng kagamitan sapananahi.
14. Sinabi ng nanay mo na hindi ka muna ibibili ng bagonguniporme sa pasukan at isasaayos na lang niya ang mga sira nito, ano ang iyongmagiging reaksyon patungkol dito?
Binigyan ka ng gawain ng iyong guro na ayusin ang mgapayak na sira ng iyong mga kasuotan, ano ang iyong gagawin?
Nalaman ng nakababata mong kapatid na marunong ka ng magkabit ng butones, nais niyang magpaturo sa iyo, ano ang iyong gagawin?
Nais mong matutunan kaagad ang tamang pagsasaayos ng sira mong kasuotan ngunit hindi ka matulungan ng kahit na sino sa mga kasama mosa bahay, ano ang gagawin mo?
Ano ang maaari mong sabihin sa ate mo dahil hindi maayos ang kanyang kasuotan dahil nilagyan niya lang ito ng pardible?
Sa iyong pag-aayos ng iyong damitan, nakita mo na marami kang damit na may sira, ano ang iyong maaaring gawin?
Naniniwala ang kuya mo na hindi niya na kailangan pang matutong magkumpuni ng kanyang mga sirang kasuotan sapagkat ang mga babae lamang raw ang dapat gumawa ng gawain na iyon. Ano ang maaari mong sabihin sa kuya mo?