placeholder image to represent content

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

Quiz by MELANIE DAVID

Grade 10
Filipino
Philippines Curriculum: Grades 1-10

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
36 questions
Show answers
  • Q1

    1.    Alin sa mga sumusunod ang mahalagang kaisipan na nakapaloobsa mitolohiyang “Cupid at Psyche?” 

    Hindi hadlang ang panlabas na kaanyuan sa tunay na pag-ibig.

     Walang kapangyarihang makahihigit sa dalisayna pag-ibig.

    Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala.

    Walang pagsubok ang makahahadlang sa tunay na pag-ibig.

    30s
  • Q2

    Ang mitolohiyang “Cupidat Psyche” ay nagtataglay ng mahalagang kaisipang “ang tunay na pag-ibig ayhindi sumusuko sa mga pagsubok.” Alin sa mga sumusunod na pangungusap angmaiuugnay mo sa mahalagang kaisipang ito?

     Nagsikap sa pag-aaral si Norman upangmakatapos ng pag-aaral.

    Nagtungo sila sa Mindanao upang tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.

     Ibinigay ng Diyos ang kanyang Bugtong na anakpara sa Sanlibutan.

     

    Patuloy na inaalagaan ng nanay ang aking amang tatlong taon nangnakaratay sa higaan.

    30s
  • Q3

     “Nang malaman ni Venus kung ano ang nangyarikay Cupid, lalo itong nasuklam kay Psyche at siya ay pinahirapan nanghusto.” Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa kayarian nito?

    Nagalit

    Nainis

    Namuhi

    Naasar

    30s
  • Q4

    Nangulila siPsyche sa kaniyang mga kapatid kung kaya’t humiling siya sa kaniyang asawa na sana’y makita niya ang mga ito.” Ano ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito?

    Nagalit

    Nalungkot

    Nagtampo

    Nasabik

    30s
  • Q5

    Nagtungo si Psyche sa tahanan ng mga diyos.  Anong pokus ng pandiwa ang ginamit sa pangungusap?

    Layon

    Tagaganap

    Kagamitan

    Tagatanggap

    30s
  • Q6

    Ang mga sumusunod ay bahagi ng parabulang “Tusong Katiwala,” alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal?

    Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din samalaking bagay.

    Walang aliping maaaringmaglingkod sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibiginang ikalawa, paglilingkuran ng tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa.

    Pinuri ng amo angmadayang katiwala, dahil sa katusuhang ipinamalas nito, sapagkat angmakasanlibutan ay mas tuso kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay samundong ito.

    Kaya’t sinabi niya sakanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyosang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mgatao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.”

    30s
  • Q7

     Ang mga sumusunod ay naglalamanng mga elemento at kakanyahan ng mitolohiyang Cupid at Psyche. Anong teoryangpampanitikan ang masasalamin sa mga ito?

       I.  SiPsyche ay napakagandang babae kaya marami ang humahanga sa kanya na ikinagalitni Venus.

           II. Inutusan ni Venus ang kanyang anakna si Cupid na paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang.

           III. Hindi umibig si Psyche sa isangnakatatakot na nilalang ngunit wala ring nagtangkang umibig sa kaniya.

             IV. Umibig si Psyche sa kanyang asawakahit hindi niya nasisilayan ang mukha nito.

    Romantisismo

    Feminismo

    Eksistensiyalismo

    Humanismo

    30s
  • Q8

    Nagtungo ang katiwala  ___  mga may pagkakautang sa kaniyang amo _______ palitan ang kasulatan ng kanilang pagkakautang. Ano ang mga angkop na gamiting pang-ugnay upang makompleto ang pangungusap?

    na, sa halip

    sa , upang

    o, sa

    -ng,kung hindi

    30s
  • Q9

    Ang mga sumusunod na pahayag ay mga kaisipan at ideya mula sa “Alegoryang Yungib,” alin sa mga ito ang nagtataglay ng di-makatotohanang pangyayari?

     Nakakadena ang kanilang mga bintiat leeg.

    Nalilimitahan ang kanilang kaalaman.

    Nakakulong sila sa loob ng yungib.

    Hindi sila maaaring lumabas ng yungib.

    30s
  • Q10

    “At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mgadingding na may dala-dalang mga monumento at larawan ng mga hayop na likha sakahoy at bato? Ang iba sa kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakitamo sa akin ang kakaiba nilang imahen. Sila nga ay kakaibang mga bilanggo.”Tukuyin ang mga salitang magkapareho o magkaugnay ang kahulugan sa mga pagpipiliansa ibaba.

    Tao at bilanggo

    Monumento at bato

    Monumento at larawan

    Larawan at imahen

    30s
  • Q11

    Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa ating daigdig dulot ng pandemyanghatid ng COVID-19 maliban sa isa, alin ito?

     Tumaas ang presyo ng mga bilihintulad ng pagkain at gasolina.

    Nagsarado ang mga pampubliko at pribadong pook libangan.

    Nalimitahan ang bilang ng pasahero sa mga sasakyan.

    Ipinatupad ang pagsusuot ng face shield at face mask.

    30s
  • Q12

    Alin sa mga mgasumusunod na pangungusap ang gumamit ng ekspresyong nagbibigay ng sarilingpananaw? 

    Alinsunod sa itinakda ng batas, ang lahat ng kabataan ay may karapatansa libreng edukasyon.

    Sa tingin ng maraming guro, ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nangangailangan ng tulong at suporta ng mga magulang.

    Ayon sa tauhang si Simoun ng El Filibusterismo, “ Habang may sarilingwika ang isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”

    Batay sa Konstitusyon1987: Artikulo XIV, Seksiyon 6, ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

    30s
  • Q13

    Nanalangin ang mganasasakupan ni Gilgamesh na nawa ay makalaya na sila sa kanya. Ano angmahihinuha mong katangian ni Gilgamesh batay sa kilos ng kanyang nasasakupan?

    Makapangyarihan

    Mapang-abuso

    Makapangyarihan

    Matapang

    30s
  • Q14

     Binigyan diin sa mga epikong Pilipino angmatibay na bigkis sa relasyon, palitan at pagtutulungan, isang malalim nakahulugan ng komunidad, etnikong pagpapahalaga at pagmamahal sa kalayaan. Alinsa mga sumusunod ang nagbibigay katuwiran sa kahalagahang ito ng epiko?

    Patuloy na pagtangkilik at pag-unlad ng epikong Pilipino

    Pagpapahalaga ng mga Pilipino sa tinatamasang kalayaan

    Pagkakatulad ng  mga kuwento ng epikong Pilipino

    Pagtataglay ng mga katangiang masasalamin ang kulturang Pilipino

    30s
  • Q15

    May taglay na anting-anting si Amaya na nagbibigay sa kaniya ng kakaibang kapangyarihan sa pakikipaglaban kaya iniilagan siya ng kaniyang mga tagasunod. Anong uri ng panandang pandiskurso ang may salungguhit?

    Pagbabagong-lahad

    Nagsasaad ng Kinalabasan o Kinahinatnan

    Nagsasaad ng Kondisyon o Pasubali

    Pagtitiyak oPagpapasidhi

    30s

Teachers give this quiz to your class