Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
50 questions
Show answers
  • Q1
    Si Malakas at Si Maganda Malungkot ang bathala noon dahil mag-isa lamang siya. Dahil dito ay naisipan niyang buoin ang malawak na kalangitan at binuo rin ang makinang na araw kasama ng iba pang bituin na hindi mapigilan ang pagningning sa kalangitan. Ngunit hindi pa rin naging maligaya ang bathala kaya naman ikinumpas nito ang kaniyang kamay at nabuo ang daigdig. Sa loob ng pabilog na hugis nito ay nabuhay ang iba’t ibang nilalang tulad ng mga puno, halaman, isda at ang mga ibong malayang nakalilipad sa kalangitan. Mayroon ding mga anyong tubig tulad ng ilog at dagat ang walang patid sa pag-agos. Nalikha na nga ng bathala ang sanlibutan. Ang mga ibon ay walang ginawa kung hindi ang lumipad. Nang minsang mapadapo ang isang ibon sa kawayan, mayroon siyang kakaibang tinig na narinig sa loob nito. May tinig na nakikiusap na tuktukin ng ibon ang kawayan upang bumuka ito. Ginawa nga ng ibon at lumabas ang isang lalaki. Siya raw si Malakas. Muli siyang nakiusap sa ibon na tuktukin pa ang isa pang kawayan upang makalabas ang kasama niya sa loob. Ginawang muli ng ibon at lumabas ang isang dilag na ang ngalan ay Maganda. Isinikay ng ibon ang dalawa sa kaniyang likod at dinala sa isang pulo kung saan nila sisimulan ang kanilang lahing kayumanggi. Batay sa nabasa, alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang mito o mitolohiya?
    Nagsasalaysay ng mga pangyayaring may kaugnayan sa mga diyos at diyosa.
    Nagpapaliwanag ng pinagmulan ng buhay sa daigdig.
    Kadalasang sa sinaunang panahon naganap ang isang mito.
    Nagpapahayag ng opinyon hinggil sa isang paksa o isyu.
    60s
  • Q2
    Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga gamit ng isang mitolohiya noong unang panahon MALIBAN SA ISA.
    isinasalaysay ang gawaing panrelihiyon
    nagpapaliwanag ng puwersa ng kalikasan
    nagpapahayag ng matinding damdamin
    maipaliwanag ang kasaysayan
    30s
  • Q3
    “Isinikay ng ibon ang dalawa sa kaniyang likod at dinala sa isang pulo kung saan nila sisimulan ang kanilang lahing kayumanggi.” Ang mga tauhan sa bahaging ito ay tumutukoy sa anong lahi?
    Aprikano
    Pilipino / Malay
    Romano
    Tsino
    30s
  • Q4
    Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangian nina Malakas at Maganda sa kulturang Pilipino?
    Si Malakas ang nagrerepresenta ng pagiging malakas at masipag ng mga Pilipino sa kahit anomang aspeto samantalang si Maganda naman ang nagpapakita ng kagandahang panloob at panlabas ng mga Pilipina.
    Si Malakas ay nagpapakitang makisig ang mga Pilipino samantalang si Maganda naman ang nagpapakita ng ideal na katangian ng isang Pilipina.
    Si Malakas ang representasyon na ang mga Pilipino ay malalakas gaya ni Manny Pacquiao at iba pang mga atleta samantalang si Maganda ang nagpapakitang ang mga Pilipina ay palaban at laging nanalo sa mga Beauty Pageants.
    Si Malakas ang nagrerepresenta na ang mga Pilipino ay palaban sa hamon ng buhay samantalang si Maganda ang nagrerepresenta na sa kabila ng mapait na pagsubok, may magandang mga bagay na sasalo sa iyo.
    45s
  • Q5
    Ano ang kaugnayan ng pangkalahatang kaisipan sa mitong nabasa sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig?
    Nais nitong patunayang ang mga Pilipino ay may sarili ring bersyon ng mito at hindi lamang mga kanluranin ang may kakayahan sa pagbuo ng mga kuwento ng paglikha at pakikipagsapalaran.
    Ipinahahayag nito ang mayamang kulturang Pilipino na may kakayahang maibandera hindi lamang sa kapuluan kundi sa buong mundo.
    Isinalaysay nito ang pinanggalingan ng mga sinaunang Pilipino. Mula sa isang lalaki at babaeng bumuo ng pamilya’t lumago patungo sa isang nagkakaisang pamayanan at lipunan.
    Ipinakikita nito ang konsepto ng paglikha ng sanlibutan sa pamamagitan ng pagsasalaysay. Nais nitong ipaliwanag ang pinagmulan ng mga sinaunang tao tungo sa pagkabuo ng pamilya, pamayanan at lipunan sa malikhaing kaparaanan.
    30s
  • Q6
    Ipinangregalo ng GMA Kapuso Foundation ang mga natipong donasyon para sa nabiktama ng kalamidad.
    kagamitan
    tagatanggap
    layon
    tagaganap
    30s
  • Q7
    Ipinangregalo ng GMA Kapuso Foundation ang mga natipong donasyon para sa nabiktama ng kalamidad.
    tagaganap
    tagatanggap
    kagamitan
    layon
    30s
  • Q8
    Natukso si Psyche na buksan ang kahon ng kagandahan.
    tagatanggap
    kagamitan
    tagaganap
    layon
    30s
  • Q9
    Kinain ni Psyche ang Ambrosia.
    tagaganap
    kagamitan
    layon
    tagatanggap
    30s
  • Q10
    Ipinanghugas ko sa mga plato ang Joy Ultra.
    kagamitan
    tagatanggap
    layon
    tagaganap
    30s
  • Q11
    Maraming mga tao ang nagkalat na sa kalsada NANG maideklarang MGCQ na ang lungsod. Anong uri ito ng pang-unay.
    pangawing
    pang-angkop
    pangatnig
    pang-ukol
    30s
  • Q12
    AYON SA IATF, kinakailangan pa ring sumunod sa quarantine protocols at social distancing measures. Anong uri ng pang-ugnay ang AYON SA.
    PANGAWING
    PANGATNIG
    PANG-ANGKOP
    PANG-UKOL
    30s
  • Q13
    Marami buhay na ang nawala dahil sa mapaminsalaNG COVID-19 na iyan. Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
    pangatnig
    pang-ukol
    pangawing
    pang-angkop
    30s
  • Q14
    Nakikipagtulungan sa maykapangyarihan ang mamamayan UPANG masugpo ang banta ng COVID-19. Ano ang pang-ugnay na ginamit?
    pang-angkop
    pang-ukol
    pangatnig
    pangawing
    30s
  • Q15
    Nagbigay ng ayuda ang ating pamahalaan sa mga mahihirap NA mamamayan.
    PANG-ANGKOP
    PANG-UKOL
    PANGAWING
    PANGATNIG
    30s

Teachers give this quiz to your class