Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
36 questions
Show answers
  • Q1

    Paraan ng pagsasalin kung saan ito ay naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan  ng bibig ng tao. Ito ang paraan ng  pagsasalin ng panitikan noong unang panahon. Ang mga halimbawa nito ay ang mga epiko, awiting bayan, alamat, salawikain, kasabihan, bugtong, at maging mga palaisipan na isinalin ng mga ninuno sa mg nakbabatang henerasyon. 

    Pasulat

    Pasalin-dila

    30s
  • Q2

    Paraan ng pagsalin kung saan isinasatitik na ang mga dating panitikang inaawit, ikinukuwento, tinutula, o binibigkas lamang.

    Pasalin-dila

    Pasulat

    30s
  • Q3

    Anyo ng panitikan kung saan ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan.

    Tuluyan

    Patula

    30s
  • Q4

    Anyo ng panitikan kung saan ang panitikan ay nakasulat sa taludturan at saknungan. Ang mga taludtod ay maaring may sukat at tugmaan o malayang taludturan na nangangahulugang walang sukat at tugma. 

    Patula

    Prosa

    Tuluyan

    30s
  • Q5

    Ito ay isang  mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na mga pangyayari na naganap sa mahabang  saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.

    Maikling katha

    Dula

    Alamat

    Nobela

    30s
  • Q6

    Uri ng nobela kung saan ang binibigyan-diin ay ang mga pangyayari tulad ng lukasang tagumpay ni Teofilo Sauco. 

    Nobela ng tauhan

    Nobela ng pangyayari

    Nobela ng kasaysayan 

    Nobela ng romansa

    30s
  • Q7

    Uri ng nobla na ang binibigyang-diin ay ang mga tauhan o personalidad ng pangunahing tauhan tuad ng Nena at  Neneng ni Valeriano H. Peña.

    Nobela ng tauhan

    Nobela ng kasaysayan 

    Nobela ng pangyayari

    Nobela ng romansa

    30s
  • Q8

    Uri ng nobela na nakatuon sa pag-iibigan tulad ng Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos. 

    Nobela ng romansa

    Nobela ng kasaysayan

    Nobela ng  tauhan

    Nobela ng pangyayari

    30s
  • Q9

    Uri ng nobela na ang diin ng akda ay ang paghahangad ng may-akda  ng pagbabago sa lipunan at pamahalaan tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal.

    Nobela ng kasaysayan

    Nobela ng pangyayari

    Nobela ng nakaraan

    Nobla ng pagbabago

    30s
  • Q10

    Uri ng  nobela na nag  sasalaysay ng mga panyayaring kaugnay ng kasaysayang ng isang bayan tulad ng Paghihimagsik ng Masa ni Teodora Agoncillo. 

    Nobela ng pangyayari

    Nobela ng kasaysayan

    Nobela ng nakaraan

    Nobela ng pagbabago

    30s
  • Q11

    Isang salaysay ng isang mahalagang  pangyayaring kinasasangkutan ng  isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon. 

    Alamat

    Nobela

    Dula

    Maikling kwento

    30s
  • Q12

    Uri ng maikling kwento kung saan binibigyan-diin ang  katauhan o personalida ng tauhan tulad ng  Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute.

    Makabanghay 

    Pangkapaligiran 

    Pangkaisipan 

    Pangakatauhan

    30s
  • Q13

    Uri ng maikling kwento na binibigyang-diin ay ang pangkakawing-kawing ng mga pangyayari sa katha tulad ng  Bahay na Bato ni B.L. Rosales.

    Makabanghay

    Pangkapaligiran

    Pangakatauhan

    Pangkaisipan

    30s
  • Q14

    Uri ng maikling kwento kung saan ang kwento ay  nakatuon sa tagpuan at atmospera ng  akda tulad ng Yumayapos ang Takipsilim ni Genoveva Edroza-Matute.

    Pangkatauhan

    Pangkapaligiran

    Pangkaisipan 

    Pangkatutubong-kulay

    30s
  • Q15

    Uri ng maikling kwento kung ang akda ay nakatuon sa paligid, kaayusang panlabas at kakanyang pampook ng isang lugar o komunidad tulad ng Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda. 

    Pangkatutubong-Kulay

    Pangkapaligiran

    Pangkatauhan

    Sikolohikal

    30s

Teachers give this quiz to your class