
VAL ED 8 SSC
Quiz by Felix Famarin
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.
Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan?
Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving). Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
“Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito?
Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)?
Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang samasama higit sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
“Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao”. Ano ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kanyang isasabuhay?
Ang karapatan para sa _____________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito ay___________________.
Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak?
Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga maliban sa:
Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:
Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing ispiritwal maliban sa:
Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya?
______________ Kailangan ni Daniel na maibenta ang kaniyang lumang kotse dahil nais niyang makabili ng bago. Nagtungo siya sa kaniyang kumpare upang kumbinsihin itong bilhin ang kaniyang lumang kotse. Nakumbinsi naman niya ito dahil sila’y nagkasundo sa halaga nito.
______________ May suliranin si Jane sa kaniyang pamilya. Kailangan niya ng mapaghihingahan ng kaniyang sama ng loob. Pumunta siya sa kanilang gurong tagapayo. Mahusay na tagapakinig ang kanilang gurong tagapayo. Alam ni Jane na bibigyan siya nito ng panahon at hindi siya nito huhusgahan.
______________ Maganda ang samahan nina John at kaniyang ama. Pinakikinggan nito ang kaniyang mga opinyon sa tuwing sila’y nagkakausap. Bagama’t hindi siya nito laging pinagbibigyan sa kaniyang mga gustong gawin, alam ni John na ito’y para sa kaniyang ikabubuti.
_______________ Malapit na ang semestral break. Niyaya si Josie ng kaniyang kaibigan na magbakasyon sa isang kilalang resort. Nag-isip si Josie ng paraan upang makumbinsi ang kaniyang mga magulang na siya’y payagan. Sa kanilang pag-uusap ay hindi rin niya ito napapayag. Masamang-masama ang loob ni Josie sa mga ito.
_______________ Madalas nagkakagalit ang magkapatid na Wally at Jose. Hindi nila pinakikinggan ang sinasabi ng bawat isa. Kapwa ayaw magpatalo sa argumento ang dalawa.
_______________ Gandang ganda si Juan kay Mila. Matagal niya na itong crush. Hindi siya magkalakas ng loob na lapitan ito at kausapin. Nang minsang magkita sila at nagkausap, masayang masaya si Juan. Wari ba’y si Mila at siya lang ang nasa silid, hindi nila kapwa napapansin at naririnig ang ibang tao.
_______________ Nagkaroon ng pagpupulong ang samahang Kabataan –Pambansang Samahan sa Edukasyon sa Pagpapahalaga (K-PSEP) sa paaralan ni Joan. Si Wency, ang pangulo nito, ay mahusay magsalita. Palagi itong kampeon sa pagtatalumpati sa kanilang paaralan. Nais ni Joan na imungkahi sa samahan ang isang proyekto para sa nalalapit na “Boys and Girls Week,” ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataon. Si Wency ang nasunod sa lahat ng proyekto.
_______________ Pinagagalitan ni Aling Juana si Milet dahil sa ginawa nitong pag-alis nang walang paalam. Walang magawa si Milet kundi ang umiyak. Lubos siyang nagsisisi sa pagsuway sa kaniyang ina.
_______________ Malapit na ang ika-13 kaarawan ni Jules. Kinausap siyang kaniyang mga magulang tungkol sa kung ano ang nais niya sa kaniyangkaarawan. Sinabi ni Jules na nais niya ang isang party upang maimbita ang kaniyang mga kaibigan. Iminungkahi naman ng kaniyang mga magulang na sila’y kumain na lamang sa labas at ang gagastusin sana sa party ay ibili na lamang ng mga damit para sa mga bata sa ampunan. Sa huli’y pumayag si Jules sa mungkahi ng magulang. Nais nitong maging mas makabuluhan ang kaniyangkaarawan.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagbabantay sa karapatan ng pamilya?