placeholder image to represent content

VE10 - Pansariling Gampanin sa mga Isyung Panlipunan

Quiz by Philippine Normal University

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
11 questions
Show answers
  • Q1

    1)  Alin sa sumusunod ang HINDI maaaring maging epekto ng pambubulas sa biktima?

    Pagkasira ng pagkatao 

    Pagtaas ng tiwala sa sarili

    Pagkawala ng tiwala sa sarili

    Pagkawalang gana sa pag-aaral

    60s
  • Q2

    2) Kung nangangamba kang masasaktan ka rin, ano ang pinakamainam na gagawin sa harap ng isyung pambubulas?

    Sabayan ang pambubulas sa biktima

    Labanan ang gumagawa pambubulas

    Isumbong sa kinauukulan ang insidente

    Pagalitan ang gumagawa ng pambubulas

    60s
  • Q3

    3) Alin sa mga sumusunod ang HINDI nakakabuti sa pagresolba ng mga isyung panlipunan?

    Pagtutol sa mga gumagawa ng masasamang gawain

    Paghihikayat sa iba na iwasan ang masasamang gawain

    Pagmumura o pambubusabos sa mga may kasalanan

    Pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa mga pinsala nito

    60s
  • Q4

    4) May nakita kang post sa social media na nang-iinsulto at naglalait sa isa mong kaklase. Ano ang gagawin mo?

    Magpo-post at iinsultuhin mo rin ang iyong kaklase

    Tatawanan lang ito at hahayaan ang ibang mag-react

    Babalewalain mo na lang dahil wala ka namang karapatan makialam

    Sasabihan mo ang may akda ng post na hindi tama ang kaniyang ginawa

    60s
  • Q5

    5) May kaibigan kang binubugbog ang kaniyang kaklase sa loob ng palikuran ng paaralan upang makuha ang assignment nito. Ano ang gagawin mo?

    Tatakbo ka at tatawag ng tulong sa mula sa mga guro.

    Tatawanan mo lamang sila at papanoorin habang ginagawa ito

    Tutulungan mo ang iyong kaibigan upang makuha ang assignment

    Pipigilan at pagsasabihan mo ang iyong kaibigan na huwag gawin ito

    60s
  • Q6

    6) Nagpo-post si Faye sa Facebook tungkol sa masamang epekto ng bisyo sa kalusugan ng tao at nagre-repost sa Tiktok ng mga bagong flavor ng vape sa isang kilalang tindahan malapit sa kanila.

    Answer Image
    Answer Image
    60s
  • Q7

    7) Nakita ni Alas na pinagtatawanan at tinatawag na “a man who can’t be moved” ng kaniyang mga kaklase ang isang batang naka-wheelchair kaya sinaway niya ang mga ito.

    Answer Image
    Answer Image
    60s
  • Q8

    8) Nabalitaan ni Kylie na binabantaan ng dating kasintahan ang kaibigan niya na ikakalat ang maseselang larawan kung hindi ito makipagbalikan, kaya tinulungan niya itong magsumbong sa principal.

    Answer Image
    Answer Image
    60s
  • Q9

    9) Nalaman mong nahuli sa pagsusulit ang iyong kaklase dahil sinabi ng isa niyo pang kaklase na alas otso pa ito magsisimula kaya sinuplong mo ito sa inyong guro.

    Answer Image
    Answer Image
    60s
  • Q10

    10) Niyaya ka ng iyong kaibigan na subukang manigarilyo dahil nakawawala raw ito ng stress kaya sinubukan mo. 

    Answer Image
    Answer Image
    60s
  • Q11

    Sa loob ng tatlo hanggang limang pangugusap, sagutin ang tanong na:

    Bakit mahalagang naisasakatuparan natin ang ating mga pansariling gampanin sa mga isyung nakaaapekto sa dignidad ng ating kapwa?

    Users enter free text
    Type an Answer
    300s

Teachers give this quiz to your class