
2. Konsepto ng Kasarian
Quiz by rodora de guzman
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang magkaibang katangian ng kalalakihan at kababaihan sa kanilang pisikal na pangangatawan tulad nang buwanang dalaw para sa mga babae at pagkakaroon ng testicle sa mga lalaki ay isang pagpapaliwanag sa kahulugan ng anong konsepto ng kasarian?
Tumutukot ito sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong apeksyonal, emosyonal, sekswal at pakikipagrelasyon sa taong kapareho o kasalungat na kasarian.
Mula sa nobelang Noli Me Tangere, malinaw na isinasaad dito ang tungkulin ng kababaihan na pag-aralan ang kagandahang asal, pag-aralan ang mga gawaing bahay at ihanda ang kanilang sarili na magsilbi sa kanilang mapapangasawa. Anong konsepto ng kasarian ang nais ipahiwatig sa sitwasyon?
Mula sa naunang katanungan, sino ang may tungkulin na pag-aralan ang kagandahang asal, pag-aralan ang gawain bahay at ihanda ang sarili sa pagsisilbi sa kanilang mapapangasawa?
Si Samantha ay ipinanganak na lalaki, sa edad na apat na taong gulang, naramdaman niyang siya ay nagkakagusto sa kapwa niya lalaki. Ito ay kaniyang nilabanan dahil sa takot na mahusgahan ng mga tao. Pilinit niyang kumilos at manamit na isang tunay na lalaki. Ngunit sa edad na labing dalawa, nararamdaman niyang siya ay nabubuhay sa maling katawan. Nagsumikap siya sa buhay, nagtapos ng pag aaral, naging matagumpay na negosyante at ngayon ay nakikilala na siya bilang isang babae. Anong konsepto ng kasarian ang nararamdaman ni Samantha sa edad na labing dalawa?