
2nd periodic test-12-7-2024
Quiz by Estela Macaspac
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang mga mag-aaral sa Ikatlong Baitang ay binigyan ng takdang aralin tungkol sa pangangalaga ng mata. Alin sa sumusunod ang wastong pangangalaga nito?
Paano inilarawan ni Marion ang ilan sa mga bahagi at gamit ng tainga?
Naisipan ni Belen na mamasyal sa Riverbanks ngunit matindi ang sikat ng araw. Paano niya mapangangalagaan ang mata habang namamasyal dito?
Tinuruan ni Ana ang nakababatang kapatid sa paglilinis ng ilong. Alin sa sumusunod ang mga wastong hakbang na dapat sundin?
Si Jose ay nag-iisip ng wastong paraan sa paglilinis ng tainga. Alin sa sumusunod na mga gawain ang nararapat niyang gawin?
Ang ating balat ay nagsisilbing pinakabalot ng ating katawan. Paano natin mapangangalagaan ang ating balat?
Ang mga hayop ay kailangan ng pagkain at maayos na kapaligiran. Alin ang angkop na kapaligiran upang mabuhay ang mga ito?
Alin ang naglalarawan sa mga hayop na makikita sa bukid o farm gaya ng baka, kambing at kalabaw?
Bakit sa tubig naninirahan ang mga isda?
Ang mga hayop ay may iba’t ibang uri ng pantakip sa katawan. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa kahalagahan nito?
Ang aso ay nauuri sa mga hayop na mahalaga sa tahanan at komunidad. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang tumutukoy sa kahalagahan nito sa naturang kapaligiran?
Ang mga hayop ay nakatutulong sa ating pamayanan. Alin ang naglalarawan sa kahalagahan ng hayop sa mga tao?
Mahalaga na ating pangalagaan ang mga hayop na matatagpuan sa tahanan, paaralan, at komunidad. Sa mga sumusunod na pangungusap, alin ang tumutukoy sa wastong pangangalaga sa mga hayop?
Si Hanna ay nasa ikatlong baitang, sa kanilang pagbabalik-aral sa Agham, tinawag siya ng kanilang guro upang ilarawan ang dahon ng malunggay at oregano. Paano niya ito ilalarawan?
Si Mang Tonyo ay may mga tanim na ampalaya at kalabasa sa kanilang hardin. Paano niya ilalarawan ang pagkakatulad ng mga tangkay ng mga ito?
Si Jenna ay may takdang aralin tungkol sa paglalarawan ng iba’t-ibang gamit ng halaman. Alin sa mga pangungusap ang may pinaka wastong paglalarawan ng iba’t ibang gamit ng halaman?
Si Aling Pining ay isang plantita, mahilig siya sa mga halamang namumulaklak tulad ng ilang-ilang, rosas at sampaguita. Paano ilalarawan ni Aling Pining ang pagkakatulad ng mga ito?
Nakatanggap si Rosa ng halaman mula sa kaniyang ninang. Alin sa sumusunod na mga gawain ang nararapat niyang gawin upang lumago ang halaman?
Nais ilarawan ni Helen ang mga katangian ng bagay na may buhay na nakikita niya sa kaniyang kapaligiran. Paano niya ito ilalarawan?
Alin ang wastong paghahambing ng katangian ng bagay na may buhay sa bagay na walang buhay?
Alin ang kadalasang naipamamana ng magulang sa kanilang anak?
Alin ang mga pangunahing pangangailangan ng mga bagay na may buhay?
Bakit mahalagang matukoy o malaman kung kanino natin namana ang mga pisikal nating katangian?
Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng pangunahing pangangailangan ng mga tao?
Umuwi ang pamilya ni Mang Rohel sa kanilang probinsiya. Napansin niya ang mga binahang lugar sa kanilang bayan. Ano ang dahilan ng pagbaha sa kanilang lugar?
Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagpapakita ng pangangalaga sa ating kapaligiran?
Bakit mahalagang bahagi ng katawan sa insekto (bubuyog, paruparo) ang antennai o sungot o proboscis?
Paano ginagamit ng isda ang kanilang gills o hasang?
Ano ang kailangan ng baka, kambing at kalabaw upang mabuhay at lumusog?
Alin sa mga bahagi ng katawan ng halaman ang sumisipsip ng tubig mula sa lupa?
Kung ang bunga ang kadalasang nakakaing bahagi ng halaman, alin naman ang bahaging gumagawa ng pagkain ng halaman gamit ang liwanag ng araw sa prosesong Photosynthesis?
Ano ang maaaring mangyari sa mga living things tulad ng tao pagdating ng panahon na nasa tamang gulang na sila?
Anong bahagi ng katawan ng ibon ang ginagamit nila upang makalipad?
Alin sa mga sumusunod ang panlabas na bahagi ng katawan ang bumabalot sa atin at nagproprotekta?
Anong pandama ang maaaring gamitin upang makita ang kagandahan ng paligid?
Alin sa mga sumusunod na hayop ang karaniwang makikita sa bukid?
Alin sa sumusunod na pahayag ang TAMA tungkol sa katangian ng mga hayop at paraan ng pagkain nito?
Ang dila ay bahagi ng pandama na ginagamit sa panlasa ng pagkain. Paano mo ito mapangangalagaan?
Masayang ikinuwento ni Rafael ang mga hayop na nakita niya sa kanilang probinsya. Napansin niya na nahihirapan ang bibe sa pagkuha ng pagkain. Ano ang iyong konklusyon tungkol dito?
Alin sa mga sumusunod na buhay na organismo ang may kakayahang makagawa ng sariling pagkain mula sa sinag ng araw, tubig, at iba pa?