Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
Q 1/24
Score 0
Ito ay isang pangunahing prinsipyo na dapat igalang at pahalagahan ng lahat. Ito ay likas na taglay ng bawat tao mula sa kanyang kapanganakan hanggang sa kamatayan.
30
Users enter free text
Q 2/24
Score 0
Ito ay mahalaga sa pagtalakay ng karapatang pantao dahil ipinapahiwatig nito ang pagtrato sa ating kapuwa nang may paggalang pagpaparaya, at pag-unawa.
30
Users enter free text
24 questions
Q.
Ito ay isang pangunahing prinsipyo na dapat igalang at pahalagahan ng lahat. Ito ay likas na taglay ng bawat tao mula sa kanyang kapanganakan hanggang sa kamatayan.
1
30 sec
Q.
Ito ay mahalaga sa pagtalakay ng karapatang pantao dahil ipinapahiwatig nito ang pagtrato sa ating kapuwa nang may paggalang pagpaparaya, at pag-unawa.
2
30 sec
Q.
Nilalaman nito ang iba't ibang karapatan, pribilehiyo, at responsabilidad ng mga mamamayan ng Imperyong Romano.
3
30 sec
Q.
Nililimitahan nito ang kapangyarihan ng hari ng Inglatera at ang pagpapalawak ng kapangyarihan ng mga aristokratang panginoon.
4
30 sec
Q.
Ipinahahayag dito ang pagpapalawig sa mga karapatang nakasaad sa Magna Carta.
5
30 sec
Q.
Ang mga karapatang pantao na inilatag sa dito ay binubuo ng unang sampung emyenda o pagbabago sa orihinal na teksto ng dokumento. Isinasad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at kung paano bibigyan-proteksiyon ang mga ito.
6
30 sec
Q.
Ito ay nagsasaad ng mga karapatan ng mga mamamayan at hango sa mga prinsipyong ipinaglaban sa Rebolusyong Pranses.
7
30 sec
Q.
Ito ay kung saan napagkasunduan ang makataong pagsasaalang-alang at paggamot ng mga sugatan at nahuling sundalo at sibilyan sa panahon ng digmaan
8
30 sec
Q.
Sila ang siyang dapat na nangangalaga, nagtataguyod, at nagbibigay ng proteksiyon sa mga karapatan ng bawat mamamayan nito.
9
30 sec
Q.
Ito ay mga karapatan na tumutukoy sa buhay, kalayaan, at seguridad ng bawat tao. Ang mga karapatang ito ay nagbibigay-proteksiyon sa mga tao laban sa pagkitil ng buhay, paglimita ng kalayaan, hindi pantay na pagkilala, at iba pa.
10
30 sec
Q.
Ito ay mga karapatan ng tao na makibahagi sa gawaing pampolitika tulad ng pagboto, pamamahayag, malayang pagsasalita, at pagtitipon-tipon.
11
30 sec
Q.
Ito ay mga karapatan na nagbibigay-daan sa pagpapaunlad ng buhay, pamumuhay, at kabuhayan ng mga tao.
12
30 sec
Q.
Ano-ano ang tatlong uri ng karapatan?
13
30 sec
Q.
Ayon sa prinsipyong ito, ang mga karapatang pantao ay panglahat at hindi maaaring mawala o mabawasan kahit na saan o sa ilalim ng anumang sitwasyon.
14
30 sec
Q.
Ayon sa prinsipyong ito, ang lahat ng karapatang pantao ay may pantay na katayuan at hindi lubos na matatamasa ang isa nang wala ang iba.
15
30 sec
Q.
Ayon sa prinsipyong ito, ang bawat karapatan ay nag-aambag sa pagpapanatili at pagsusulong ng dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng pagkakataon upang makamit ang kanyang pisikal, sikolohikal, at espiritwal na mga pangangailangan.
16
30 sec
Q.
Ayon sa prinsipyong ito, ang lahat ng mga indibidwal ay pantay-pantay bilang tao at may pantay-pantay rin na karapatan.
17
30 sec
Q.
Ayon sa prinsipyong ito, ang lahat ng tao ay may karapatang lumahok at makakuha ng mga impormasyon na may kinalaman sa paggawa ng desisyon na nakaaapekto sa kanyang buhay at proseso ng pangkalahatang kagalingan.
18
30 sec
Q.
Ayon sa prinsipyong ito, pananagutan ng estado at mga namumuno nito ang pagtatanggol sa karapatang pantao ng mga mamamayan.
19
30 sec
Q.
Sila ay ang pangunahing instrumento na kumikilala at nagsusulong sa mga karapatang pantao.
20
30 sec
Q.
Ito ay nakabisa noong ika-3 ng Enero 1976. Sinisigurado ng nito na mapatibay at maisulong ang mga karapatang pang-ekonomiya at panlipunan na nakasaad sa UDHR.
21
30 sec
Q.
Ito ang nagsusulong sa mga karapatang sibil at politikal. Ito ay nagkabisa noong ika-23 ng Marso 1976, Sinususugan nito ang mga deklarasyon na nauna nang nabanggit sa UDHR.
22
30 sec
Q.
Isinusulong nito na maging kalakip sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay ng kalalakihan ang pantay na pagtingin sa kababaihan sa mga batas ng bawat bansa.
23
30 sec
Q.
Ito ay isang batas na nagbibigay-proteksiyon laban sa hindi makatarungang pagpipiit sa isang indibidwal