
Ang Ama
Quiz by Mel Kathlyn Basilio
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
​Pamagat ng maikling kwentong tinalakay na mula sa bansang Singapore
If We Dream So Long
Letters From Burma
Ang Ama
Ang Anak
​Sino-sino ang dalawang pangunahing tauhan mula sa kwentong ito?
Ang buong pamilya
Ang ama at mga anak
Ang ama at ina
Ang ama at si Mui-mui
Pamagat ng maikling kwentong tinalakay na mula sa bansang Singapore
Sino-sino ang dalawang pangunahing tauhan mula sa kwentong ito?
Alin sa mga sumusunod ang kalagayang panlipunan na ipinakita sa kuwento?
Alin sa mga sumusunod ang kulturang Singapore ang nasalamin mula sa akda?
Piliin ang kulturang nasalamin mula sa akdang tinalakay buhat sa Singapore
ANG AMA (PAUNANG PAGSUBOK)
Pagtataya (Ang Ama)
Pamilya ang pinakamaliit nay unit ng samahan sa isang bansa. Lahat tayo ay kasapi ng pamilya. Kung walang pamilyang magbubuklod ay walang bansang magtatagumpay. Pangunahing tungkulin ng pamilya ang hubugin ng mabuti ang kaisipan at pag-uugali ng bawat kasapi nito. Ang ama ang naghahanapbuhay para sa pamilya. Siya ay tinaguriang “haligi ng tahanan”. Ang ina naman ang tagapamahala ng tahanan. Tinagurian siyang “ilaw ng tahanan”. Ang mga anak ay tumutulong sa pag-unlad ng pamilya. PAARALAN Dito natuto ng maraming bagay ang bata. Ito ang institusyong may tungkuling linangin ang kakayahan 6 ng bawat bata. Dito ay binibigyan sila ng pagkakataon na mapabuti ang kanilang kakayahan, bukod sa pagsusulat, pagbabasa at pagbibilang. Ang punong-guro ang namamahala sa paaralan kasama ang mga guro na nagtuturo ng mga kasanayan at kaalamang dapat matutunan ng mag-aaral. Tungkulin din ng iba pang kasapi ng paaralan ang registrar, guidance counselor, kalihim, gwardiya, janitor ang magpatakbo ng paaralan. SIMBAHAN Ito ang samahang tumutulong sa mamamayan na ituro ang nararapat na pagsamba at pagsunod sa Diyos, pagmamahal sa sarili at sa kapwa maging anuman ang relihiyong kanilang kinabibilangan. Ang simbahang katoliko ang may pinakamaraming kasapi sa mga relihiyon sa Pilipinas. Ang Papa sa Vatican (Rome) ang pinakamataas na pinuno nito. Kasama niya ang mga kardinal at obispo bilang kanyang kinatawan sa buong mundo at mga pari sa kani-kanilang parokya. PAMAHALAAN Ang pamahalaan ang nagpapatupad ng mga layunin ng bansa. Nagbibigay ito ng iba’t ibang paglilingkod tulad ng programang pang 7 edukasyon, pangkalusugan, pangkatahimikan sa pangunguna ng Pangulo, bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Ang pag-uugnayan ng mahahalagang samahan ng estado gaya ng pamilya, simbahan, paaralan at ng pamahalaan ay nagdadala sa isang bansa sa daan tungo sa pagsulong at pag-unlad. Pamayanang aking nais Malinis, payapa at tahimik. Mga bata’y masisigla Bawa’t pamilya’y magkakakilala
_____1. Ano ang pinakamabisang paraan upang masolusyunan ang anumang pagsubok na dumating sa buhay? a. paglalaro c. pagtakas b. pagdarasal d. pagtatago _____2. Kung ikaw ay may takot sa Diyos, alin sa mga ito ang gagawin mo? a. maglaro sa simbahan b. kumuha ng gamit ng kamag-aral c. pagtawanan ang paniniwala ng iba d. mahalin at igalang ang magulang at kapwa _____3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba? a. pagdalo sa kanilang pagtitipon b. pagsang-ayon na may iisang Diyos c. pag-iingay sa oras ng kanilang pagsamba d. pakikinig sa kanilang aral _____4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa Diyos? a. pagsuway sa utos ng magulang b. pagmamalupit sa mga hayop c. pagkakalat ng basura d. pagbibigay ng limos sa mga nangangailangan _____5. Ano ang gagawin mo kung may isinasagawang pag-aaral ng salita ng Diyos sa bahay ng iyong kapitbahay? a. hindi papansinin ang nangyayari b. tumahimik at igalang ang kanilang pagsamba c. manonood ng telebisyon d. magpapatugtog ng radio _____6.Masarap sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa. Makikita ito sa pagtutulungang ginagawa ng ating mga kababayan. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagiging mabuting tao sa oras ng pangangailangan? a. Nag-ambagan ang magkakaibigan para tulungan ang pamilya ng batang nag-viral dahil sa kabaitang ipinakita sa kanila. b. Ang pamilya ay nagbigay ng bisikleta sa matandang lalaki. c. Ang lalaki ay naging frontliner sa pagbili ng mga pangangailangan ng kaniyang mga kabarangay. d. Mga taong nagkakagulo sa pila na umaasa na mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan. _____7. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng positibong pananaw sa buhay? a. Si Kim na naputulan ng mga paa na ayaw ng makipaglaro sa mga kaibigan. b. Si Ana na namatayan ng magulang dahil sa COVID at nawalan na ng ganang mag- aral. b. Si Dave na matapos masunugan ay itinuloy ang buhay upang maibangon ang pamilya. c. Si Dona na walang tigil ang pag-inom ng alak dahil sa pag-aakalang ito ang solusyon sa mga problema. _____8. Nagkasakit ng malubha ang ama ng iyong kaibigan kaya mahihinto siya sa pag aaral. Malapit na ang inyong pagtatapos. Ano ang maaari mong maitulong sa kaibigan mo? a.Kausapin ang mga magulang ng kaibigan na huwag pahintuin sa pag aaral ang kaibigan. b.Kausapin ang magulang mo na tulungan ang kaibigan na matapos ang pag-aaral. c.Kausapin ang mga magulang ng kaibigan at sisihin sa nangyari sa kanila. d.Kausapin ang kaibigan mo na tanggapin ang desisyon ng magulang. _____9. Marami ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya. Lubos na naapektuhan ang pamilya mo kaya nagdesisyon ang magulang mo na pahintuin kayong magkakapatid sa pag-aaral. Paano ninyo tatanggapin ito? a. Magalit sa mga magulang dahil sa kanilang naging desisyon. b. Ipaliwanag sa magulang ang nais na makapagtapos ng pag-aaral. c. Tanggapin ng maluwag sa kalooban ang desisyon ng magulang. d. Tanggapin ang desisyon ng magulang ng may galit sa puso. _____10 .Hindi matanggap ni Cory ang pagkawala ng kaniyang lola. Sinisi niya ang sarili dahil hindi man lang niya naalagaan dahil sa pagiging abala sa pag- aaral. Ano ang maaari mong maitulong sa kanya? a. Paliwanagan ang kaibigan na huwag sisihin ang sarili. b. Sisihin ang kaibigan dahil sa hindi pag-aalaga sa lola. c.Unawain ang kaibigan at makiisa sa pagsisisi. d.Tulungan ang kaibigan na bumawi sa lola.
Filipino ang tawag sa ating Pambansang wika. Alam mo bang si dating Presidente Manuel L. Quezon ang nagpatibay ng ating paggamit dito bilang pambansang wika ng buong Pilipinas. Kaya naman bilang parangal sa kanya, siya rin ang ating tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Mayroon ba kayong mga halaman sa inyong bakuran? Anu-ano ang mga bulaklak na makikita roon? Nasa bakuran niyo kaya ang halaman na nasa larawan? Ito ang sampaguita, ang ating Pambansang bulaklak. Maliit lamang ang bulaklak na ito ngunit humahalimuyak ito sa bango. Maaari itong ilagay sa altar, ibigay sa isang kaibigan o may kaarawan at isinusuot ng mga kabataan sa kanilang pagtatapos
Ang Aking Pamilya o Konsepto ng Pamilya: Pag-unawa sa iba't ibang uri nito gaya ng two-parent, solo parent, at extended family. o Mga Kasapi ng Pamilya: Pagkilala sa papel at gampanin ng bawat miyembro (hal. ama, ina, anak). o Tungkulin ng mga Kasapi: Pagpapaliwanag sa mga gawain at responsibilidad sa loob ng tahanan. o Pagpapahalaga sa Gampanin: Epekto ng pagpapakita ng pagmamahal at pagtupad sa tungkulin sa pamilya.
Narito ang **10 multiple choice questions** (may kasamang *analogy* o paghahambing) tungkol sa *Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas*, na angkop sa **AP (Araling Panlipunan) Grade 6** level: --- ### 📝 **Deklarasyon ng Kalayaan - Multiple Choice (Tagalog)** #### 1. Kailan ipinahayag ang Kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Espanyol? A. Hunyo 12, 1896 B. Hunyo 12, 1898 C. Hulyo 4, 1946 D. Agosto 30, 1896 👉 **Tamang sagot: B** --- #### 2. Sino ang nagbasa ng Deklarasyon ng Kalayaan sa Kawit, Cavite? A. Andres Bonifacio B. Emilio Jacinto C. Apolinario Mabini D. Ambrosio Rianzares Bautista 👉 **Tamang sagot: D** --- #### 3. Saan unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas? A. Barasoain Church B. Kawit, Cavite C. Luneta Park D. Malacañang 👉 **Tamang sagot: B** --- #### 4. Sino ang itinuturing na unang Pangulo ng Pilipinas na naroroon sa proklamasyon ng kalayaan? A. Manuel L. Quezon B. Emilio Aguinaldo C. Jose Rizal D. Ferdinand Marcos 👉 **Tamang sagot: B** --- #### 5. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling watawat at pambansang awit? A. Para masabing may sariling bansa B. Para ipakita ang yaman ng bansa C. Simbolo ito ng kalayaan at pagkakakilanlan D. Para makipagpaligsahan sa ibang bansa 👉 **Tamang sagot: C** --- ### 📚 **Analogy Questions (Paghahambing)** #### 6. Emilio Aguinaldo : Pangulo :: Ambrosio Rianzares Bautista : \_\_\_\_\_\_\_ A. Sundalo B. Manunulat C. Tagapagbasa ng deklarasyon D. Tagapagtanggol 👉 **Tamang sagot: C** --- #### 7. Watawat : Kalayaan :: Lupang Hinirang : \_\_\_\_\_\_\_ A. Pagkain B. Awitin C. Pambansang Awit D. Pambansang Bayani 👉 **Tamang sagot: C** --- #### 8. Hunyo 12 : Deklarasyon ng Kalayaan :: Hulyo 4 : \_\_\_\_\_\_\_ A. Araw ng Paggawa B. Araw ng mga Bayani C. Kalayaan mula sa Amerika D. Simula ng Digmaan 👉 **Tamang sagot: C** --- #### 9. Apolinario Mabini : Utak ng Rebolusyon :: Andres Bonifacio : \_\_\_\_\_\_\_ A. Ama ng Katipunan B. Ama ng Wika C. Ama ng Batas D. Ama ng Kalikasan 👉 **Tamang sagot: A** --- #### 10. Deklarasyon : Kalayaan :: Pananakop : \_\_\_\_\_\_\_ A. Pagkakaibigan B. Kalungkutan C. Pag-aalipin D. Pagpapalaya 👉 **Tamang sagot: C** --- Kung kailangan mo ito sa format ng worksheet o may sagot na naka-hiwalay, sabihin mo lang at gagawan kita.
20. Ang unang yugto sa pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction Management (CBDRRM) Plan ay tinatawag na ________. A. pagtugon sa sakuna B. paghahanda sa pagtugon C. pagsasaayos at pagbangon D. pagtataya ng panganib at paghahanda ANSWER: D 21. Ang gawaing ito ay isinasagawa upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala nito sa pamamagitan ng aktibong pakikibahagi ng mamamayan. Ito ay nakapaloob sa _______. A. Philippine Disaster Risk Management B. Philippine Disaster Risk Reduction Management Council C. Community Preparedness and Risk Management Approach D. Community-Based Disaster Risk Reduction Management Approach ANSWER: D 22. Bahagi ng rehabilitasyon at pagbawi mula sa kalamidad ang mga hakbang at gawain na nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at estruktura. Ano ang pangunahing gampanin ng yugtong ito? A. Mabigyan ng sapat na proteksiyon ang mga nasalanta ng kalamidad. B. Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga nasalantang komunidad. C. Makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at paglilingkod sa pamahalaan. D. Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing pangangailangan at gamot. ANSWER: B 23. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng Top-Down Approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan? A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non-Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad. B. Ipinatawag ni Kapitan Capin ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo. C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan. D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang kalamidad. ANSWER: B 24. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng community engagement o kolaborasyon sa pamayanan at iba pang katuwang na sektor? A. Makatutulong ito upang makalikom ng mas maraming pondo. B. Magiging makabuluhan ang plano kung ang gagawa nito ay ang mamamayan. C. Malaki ang posibilidad na maging matagumpay ang proyekto kapag pinagplanuhan. D. Mas magiging komprehensibo at matagumpay ang plano kung binubuo ito ng iba’t ibang sektor. ANSWER: D 25. Sa pagbuo ng CBDRRM Plan, ano ang PINAKAMABISA mong nararapat gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang maging handa sa pagdating ng iba’t ibang panganib at kalamidad? A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan. B. Makibahagi sa gawaing panrehabilitasyon at tulungan ang mga naapektuhan. C. Magsagawa ng personal plan para matugunan ang pangangailangan ng lipunan. D. Magkaroon ng planong pampinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao. ANSWER: A 26. Ang pinuno ng mga bansang kasapi ng organisasyon ay nagpupulong-pulong upang magtulungan para sa kapakanan ng kanilang pangangailangan. Anong anyo ng globalisasyon ang tinutukoy nito? A. ekonomiko B. kultural C. politikal D. teknolohikal ANSWER: C 27. Alin sa sumusunod ang buhay na manipestasyon ng globalisasyon? A. ekonomiko B. OFWs C. sosyo-kultural D. teknolohikal ANSWER: B 28. Ang brain drain ay tumutukoy sa mga propesyonal na manggagawa, samantalang ang brawn drain ay tumutukoy sa ___________. A. construction workers B. domestic workers C. overseas workers D. skilled workers ANSWER: A 29. Alin sa sumusunod ang negatibong epekto ng paglitaw ng maraming multinational companies at transnational companies? A. pagkakaloob ng hanapbuhay B. pagbaba ng presyo ng produkto C. pagdami ng produkto at serbisyo D. pagkalugi ng multinational companies at transnational companies ANSWER: D 30. “Ang globalisasyon ay laganap na noon pa man at naging mas malawak sa kasalukuyang panahon.” Ang mahihinuha natin sa pahayag na ito ay _______. A. ugnayan ng mga bansa sa daigdig na walang pagitan o hadlang B. suliraning panlipunan na pumipigil sa kaunlaran ng mga bansa sa daigdig C. bagong anyo ng malayang kalakalan, pagpapalitan ng produkto, impormasyon at tao, dahil sa pag-unlad ng teknolohiya sa komunikasyon at transportasyon D. isyung panlipunan na tumatalakay sa pamahalaan, ekonomiya, relihiyon, teknolohiya, kapaligiran, komunikasyon at kultura ng mga bansa sa daigdig ANSWER: C 31. Alin sa dalawang pahayag ang nagsasaad ng PINAKAANGKOP na konsepto ng globalisasyon? I. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. II. Ang globalisasyon ay may iba’t ibang pagkakakilanlan tulad ng ekonomiko, teknolohikal, sosyo-kultural at politikal. A. Mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag. B. Tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag. C. Tama ang nilalaman ng una at mali ang ikalawang pahayag. D. Mali ang nilalaman ng una at tama ang ikalawang pahayag. ANSWER: B 32. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagsasaad ng dahilan sa pag-usbong ng globalisasyon? A. pagbuti ng mga lokal na kompanya sa presyo at kalidad ng serbisyo at produkto upang maging kompetitibo laban sa mga banyagang kompanya B. pagpapalitan ng impormasyon at teknolohiya at paggalaw ng mga tao dulot ng migrasyon C. pagbaba ng sahod ng mga manggagawa at pagdami ng mga taong walang trabaho dahil nalulugi ang maliliit na negosyo D. paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ng impormasyon sa iba’t ibang panig ng mundo at pagdami ng pamilihan ng materyales na ginagamit dito ANSWER: B 33. Alin sa mga sektor ng manggagawa ang madalas nakararanas ng pang-aabuso at hindi pantay na oportunidad sa pagtratrabaho? A. agrikultura B. industriya C. pamahalaan D. serbisyo ANSWER: A 34. Ano ang tawag sa anyo ng subcontracting kung saan ang mga subcontractor ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho ng mga manggagawang ipinasok nila? A. iskemang subcontractor B. job mismatch C. job contracting D. labor-only contracting ANSWER: C 35. Bakit hindi maitaas ang pasahod, maipagkaloob ang kasiguraduhan sa trabaho, at madagdagan ang benepisyo ng mga manggagawa sa bansa? Ito ay dahil_____ A. sa sistema ng kontraktuwalisasyon. B. puro regular na ang mga manggagawa. C. mataas na ang pasahod sa ating manggagawa. D. marami ang benepisyong natatanggap ng ating manggagawa. ANSWER: A 36. Bilang tugon sa suliraning nararanasan ng mga manggagawa, mayroon silang karapatang hindi dapat malabag upang masabi na sila ay may disente at marangal na hanapbuhay. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga karapatan ng manggagawa? A. Karapatan sa pantay na suweldo para sa parehong trabaho. B. Karapatang sumali sa marahas at mapanganib na uri ng unyon. C. Karapatang maging ligtas at malayo sa panganib ang kalagayan ng pagtatrabaho. D. Karapatan na makatanggap ng sapat at karapat-dapat na suweldo para sa makataong pamumuhay. ANSWER: B 37. Halos mapudpod na ang sapatos ni Justin sa paghahanap ng trabaho ngunit hindi pa rin siya natatanggap. Maraming job fairs na rin ang kaniyang pinuntahan ngunit bigo siyang makakuha ng trabaho. Bakit kaya ito nangyayari kay Justin? A. Kulang pa ang kaniyang lakas ng loob. B. Kulang siya sa aspekto ng personal relations kaya hindi siya nagugustuhan. C. Hindi kaaya-aya ang kaniyang pisikal na kaanyuan kaya hindi siya natatanggap sa trabaho. D. Biktima si Justin ng job mismatch kung saan hindi tugma ang kaniyang kakayahan at kasanayan na hinahanap ng mga kompanya. ANSWER: D 38. Ayon sa tala ng Department of Labor and Employment (DOLE), maraming job fairs noong 2010 ngunit kakaunti lamang ang mga natanggap na kalipikadong aplikante mula sa maraming bilang ng mga nag-apply. Alin ang HINDI angkop na dahilan nito? A. Ang mga aplikante ay hindi interesado sa mga trabaho sa bansa. B. Kapansin-pansin ang patuloy na paglaki ng bilang ng job skills mismatch ng mga aplikante sa bansa. C. May patuloy na mismatch sa kasanayan at kakayahan mula sa tinapos na kurso at sa hinihinging kalipikasyon ng mga employer. D. Maraming kurso sa higher education institutions sa bansa ang hindi na tumutugon sa pangangailangan ng mga pribadong kompanya na nagtatakda ng mga pamantayan sa pagpili ng mga manggagawa. ANSWER: A 39. Alin ang angkop na salita na tumutukoy sa sitwasyon kung saan inaako na ng lalaki ang mga gawain sa tahanan dulot ng migrasyon? A. helper B. house boy C. house father D. house husband ANSWER: D 40. Ang sumusunod ay mga ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng migrante MALIBAN sa __________________. A. Commission of Filipino Overseas B. Philippine Overseas Labor Offices C. Department of Labor and Employment D. Department of Science and Technology ANSWER: D 41. Isang epekto ng migrasyon ay ang pagtanggap o pagpapadala ng mga lakas-paggawa sa ibang bansa. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng magandang benepisyo ng brain gain? A. Malaki ang posibilidad ng promotion ng manggagawa. B. Gastusin ng kompanya ang pagpapadala ng manggagawa sa ibang bansa. C. Maaaring magtrabaho sa ibang bansa ang empleadong ipinadala upang matuto. D. Magiging asset ang migranteng manggagawa sa nagpapadala at tumatanggap na bansa kahit saan man sa mundo. ANSWER: B 42. Matagal na naghanapbuhay si Ginoong Pascual sa Australia, kaya sa kaniyang pag-uwi sa pamilya ay hindi siya pinansin ng kaniyang mga anak at nagtago ang mga ito sa kuwarto. Ano ang iyong mahihinuha rito? A. Malaki ang takot ng mga anak sa kanilang ama. B. Walang pasalubong si Ginoong Pascual sa mga anak. C. Hindi kilala si Ginoong Pascual ng kaniyang mga anak. D. Nagkakahiyaan ang mag-aama sa kanilang pagkikita. ANSWER: C 43. Paano nakaaapekto ang pangingibang-bansa sa estado ng ekonomiya ng bansa? A. Madaragdagan ang populasyon ng bansa. B. Mapananatiling matatag ang palitan ng piso at dolyar. C. Mahihirapan ang mga Pilipino na makisama sa mga dayuhan. D. Mas maraming papasok sa bansa na mga imported na produkto. ANSWER: B 44. Marami sa mga OFW na nasa Middle East ang napag-alamang nakararanas ng mga pang-aabuso mula sa kanilang mga amo tulad sa Saudi Arabia. Kung ikaw ang ambassador ng Pilipinas sa Saudi, alin ang pinakamabisa mong gagawin upang matulungan at maprotektahan sila? A. Pababayaan sila hanggang matapos ang kanilang kontrata. B. Maglulunsad ng rally sa embahada ng Saudi Arabia sa Pilipinas. C. Hihingi ng tulong pinansiyal at pauuwiin ang mga manggagawa sa Saudi. D. Maglilikom ng mga ebidensiya ng mga pang-aabuso at isusuplong ang mga amo sa kinauukulan. ANSWER: D 45. Alin sa sumusunod ang konseptong tumutukoy sa slavery? A. pang-aalipin B. sitwasyong payapa C. sapilitang pagtatrabaho D. pagpupuslit ng mga tao ANSWER: A 46. Kung ikaw ay opisyal ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW, alin sa sumusunod ang dapat mong gawin sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga Pilipino? A. Pauuwiin ang lahat ng OFW at bibigyan na lamang ng trabaho sa Pilipinas. B. Pababayaan na lamang ang mga OFW dahil isolated cases lang naman ang mga ito. C. Ipauubaya na lamang ang mga gagawing aksiyon sa pamahalaan ng bansa kung saan nagtatrabaho ang mga OFW. D. Magtatatag ng mga mekanismo upang ma-monitor ang kalagayan ng mga OFW at gagawa ng kaukulang hakbang kung may pang-aabuso. ANSWER: D 47. Bilang isang mag-aaral sa kasalukuyan, alin sa sumusunod ang maaari mong magawa upang masigurong makaaangkop ka sa pangangailangan ng ating bansa na umunlad sa kabila ng globalisasyon? A. Magpalipas ng panahon at umasa na lamang sa pamilya. B. Tumigil sa pag-aaral at magtrabaho na upang kumita ng pera. C. Magsumikap sa pag-aaral upang makatapos at magkatrabaho. D. Maging layunin ang makapagtrabaho sa ibang bansa upang yumaman. ANSWER: C 48. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang tumutukoy sa konsepto ng fair trade? A. Itinatakda ng mga bansa ang pamantayan ukol sa mga kakayahan ng mga manggagawa. B. Ang mayayamang bansa ay nagbibigay ng tulong sa pinakamahihirap na tao sa mundo lalo na sa Aprika at Asya. C. Sinisiguro ng mga bansa ang patas o pantay na kalakalan gaya ng pagbabantay sa tamang presyo ng mga produkto. D. Ang pamahalaan ay nakikialam sa kalakalang panlabas na may layong protektahan ang mga lokal na namumuhunan. ANSWER: C 49. Marami sa mga pamilya ng OFWs ay nakararanas ng pangungulila sa kanilang kaanak na humahantong sa pagkawasak nito. Paano kaya sila matutulungan? A. Makisimpatiya sa kanila. B. Bigyan sila ng sulat isa-isa. C. Bigyan sila ng load pantawag sa kanilang kaanak. D. Magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang gumabay sa kanila. ANSWER: D 50. Sa Pilipinas ay marami ang nangangarap na mangibang-bansa dulot ng kahirapan sa buhay. Nangangamba naman ang mga ekonomista dahil naaapektuhan ng brain drain at brawn drain ang ekonomiya. Bilang ekonomista, ano ang maaari mong gawin upang masolusyunan ang isyung ito? A. Pigilan ang mga nais mangibang-bansa. B. Hayaang umalis ang mga nais na magtrabaho sa ibang bansa. C. Bigyan ng suportang pinansiyal ang mamamayan na walang trabaho. D. Gumawa ng isang development plan na tutugon sa mga isyu ng migrasyon. ANSWER: D