Loading...
Filipino ang tawag sa ating Pambansang wika. Alam mo bang si dating Presidente Manuel L. Quezon ang nagpatibay ng ating paggamit dito bilang pambansang wika ng buong Pilipinas. Kaya naman bilang parangal sa kanya, siya rin ang ating tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Mayroon ba kayong mga halaman sa inyong bakuran? Anu-ano ang mga bulaklak na makikita roon? Nasa bakuran niyo kaya ang halaman na nasa larawan? Ito ang sampaguita, ang ating Pambansang bulaklak. Maliit lamang ang bulaklak na ito ngunit humahalimuyak ito sa bango. Maaari itong ilagay sa altar, ibigay sa isang kaibigan o may kaarawan at isinusuot ng mga kabataan sa kanilang pagtatapos | Quizalize