Loading...

Ang Mabuting Asal ni Juan
Quiz by beya
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
A. Pakikiisa sa tahanan o bahay Sa loob ng pamilya nagsisimula ang kagandahang-asal na ibinibigay ng magulang sa anak. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may mga tungkulin na dapat gampanan. Anu-ano nga ba ang mga ito? Ginagampanan ng ating mga magulang na itaguyod an gating pagaaral para sa maganda nating kinabukasan. Inaasikaso ni nanay ang pangunahing pangangailangan ng ating pamilya katulad ng pagluluto ng pagkain, paglilinis ng bahay, pagsubaybay sa ating Gawain at iba pa. ang tatay naman ang siyang nagtatrabaho upang maibigay ang pangangailangan ng pamilya. Siya ang nagtatanggol sa pamilya sa oras ng kagipitan. Sa iyo bilang anak, tungkulin mong igalang at mahalin ang iyong magulang. Tumulong sa mga gawaing bahay, sumunod sa pangaral nila at mag-aral ng mabuti. Ikaw bilang isang masunuring anak, ginagawa mo ba ang lahat ng ito? B. Pakikiisa sa paaralan Ikaw ba ay isang mabuting mag-aaral? Anu-ano na ang mga 30 bagay na naitulong mo na sa iyong paaralan? Sumunod sa mga tuntunin ng paaralan tulad ng pagsusuot ng I.D at tamang uniporme ay ang ilan lamang sa mga dapat mong ginagawa sa tuwing ikaw ay nasa loob nito. Nakikinig ka rin dapat sa iyong guro habang itinuturo niya ang inyong leksyon. Pagpapanatili sa maayos at malinis na silid-aralan ang iba pa sa iyong mga Gawain. Dapat ay aktibo ka rin sa pakikiisa sa mga programa ng inyong paaralan. Alam mo ba na ang guro ay kasama natin sa pakikiisa sa paaralan? Naibabahagi niya ang ilan mga impormasyon na kailangang malaman ng mga mag-aaral. Tungkulin niya rin ang alamin ang mga problema t pangangailangan ng mga mag-aaral at tulungan ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya. Higit sa lahat, ang isang guro ay kinakailangan na maging isang modelo sa kanyang mga magaaral. C. Pakikiisa sa simbahan Mahalaga na sa isang simbahan, magtulongtulungan ang mga kasapi para sa ikabubuti ng kaluluwa ng bawat isa. Kaya nga dapat, ikaw bilang isang bata ay maging isang aktibo para sa gawaing 31 pansimbahan. Maipapakita mo ito sa pamamagitan ng pakikinig habang nagmimisa ang pari, pagiging tahimik sa loob ng simbahan at pagdarasal hindi lamang para sa iyong sarili kundi maging para sa ikabubuti ng ibang tao na nangangailangan din ng panalangin. Nagdarasal ka ba araw-araw? Anu-ano ang mga hinihiling mo sa Diyos? D. Pakikiisa sa pamahalaan Sa isang batang mag-aaral na katulad mo, paano mo ba maipapakita ang iyong pakikiisa at pakikipagtulungan sa inyong barangay o pamayanan? Tayo bilang mamamayan, maipapakita natin ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin at batas ng ating pamayanan. Kapag nagawa natin ang mga bagay na ito, tiyak ang pagkakaroon ng kapayapaan at katahimikan sa ating lugar. Dapat din natayo ay nakikiisa at sumasali sa mga programa at proyekto ng pamahalaan gaya ng programa sa wastong pagtatapon ng basura, paghihiwalay ng mga ito sa nabubulok at di nabubulok, pagtatanim ng mga halaman at puno sa mga bundok, pagsunod sa mga batas trapiko at pagsugpo sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot
Ang Mabuting Samaritano (Katotohanan o Opinyon)
Ang Mabuting Samaritano (Pag-unawa sa Binasa)
Ang Mabuting Samaritano (Talasalitaan)
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Ang Mabuting Pagpapasya
8 Filipino Yunit 1 Aralin 4 Palagiang Inspirasyon ang Mabuting Lider
Modyul 3: Pakikipagkaibigan MGA URI NG PAGKAKAIBIGAN AYON KAY ARISTOTLE Pagkakaibigang Nakabatay sa Pangangailangan (Friendship of Utility) Nabubuo dahil sa kapakinabangan na nakukuha ng bawat isa Nagtatapos kapag nawala ang pakinabang Pagkakaibigang Nakabatay sa Pansariling Kasiyahan (Friendship of Pleasure) Nabubuo dahil sa kasiyahan o saya kapag magkasama Karaniwan sa magkakaedad o may parehong interesPagkakaibigang Nakabatay sa Kabutihan (Friendship of the Good) Pinakamataas na uri ng pagkakaibigan Nakabatay sa kabutihan, pagpapahalaga, at moral na pag-unlad May tiwala at pagtutulungan Mas matatag at pangmatagalan MGA POSITIBONG DULOT NG MABUTING PAKIKIPAGKAIBIGAN Ayon kay Joy Carol, “The Fabric of Friendship,” 2008) Limang Dulot ng Pakikipagkaibigan sa Pagpapaunlad ng Pagkatao Mabuting Pananaw sa Sarili Kasanayan sa Pagiging Mabuting Tagapakinig Natutukoy ang Tunay na Kaibigan Pagtitibay ng Ugnayan sa Kabila ng Suliranin Pagbubukas sa Bagong Pananaw PAKIKIPAGKAIBIGAN AT PAKIKIPAGKAPUWA Ang pakikipagkaibigan ay daan tungo sa mas malalim na pakikipagkapuwa. Hindi lamang ito para sa pansariling pag-unlad kundi pati sa pagbibigay at pagtanggap Ayon kay Sto. Tomas de Aquino: Ang pagkakaibigan ay isang birtud. Nakabatay sa katarungan at pagbabahagi ng sarili sa kapuwa IMPLIKASYON NG MABUTING PAKIKIPAGKAIBIGAN SA UTAK NG TAO Ayon kay Dr. Dan Siegel Eksperto sa mental health at interpersonal neurobiology (IPNB) Ipinapakita ng IPNB ang ugnayan ng utak, isipan, emosyon, at katawan Ang mabuting pakikipag-ugnayan ay nakatutulong sa malusog na pag-unlad ng isip at emosyon TUNAY NA PAGKAKAIBIGAN (Hango sa aklat nina James at Savary, “The Heart of Friendship,” 1976) Presensiya Regular na pagkikita at personal na oras para sa isa’t isa Paggawa ng Bagay Nang Magkasama Pagkakaroon ng komon na interes at aktibidad Pag-aalaga Tapat na suporta sa pag-unlad ng kaibigan Katapatan Matapat na komunikasyon Pag-aalaga ng Lihim at Katapatan Pagiging mapagkakatiwalaan at loyal Pag-unawa Masusing pakikinig at MGA PAALAALA Ang pag-unawa ang nagbubuklod ng mas malalim na ugnayan Ang pagbuo ng pagkakaibigan ay may kasamang pagsubok Hindi madali ang pagpapanatili ng matibay na pagkakaibigan, ngunit ito ay mahalagamalasakit
Panuto: Basahin at unawaing mabuting ang mga sumusunod na tanong. Pliin ang letra ng tamang sagot .