
AP 2nd Quarter Long Test
Quiz by Calx
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ano tawag sa kabihasnan ng Gresya na kung saan dito unang sumibol ang pinakamalaking pulo ng Crete?
Ang kabihasnang sumalakay sa Crete na nagmula sa mga kapatagan ng Eurasia at nanirahan sa Peloponnesus, Greece noon 2000 BCE.
Ang mga Minoan ay nagpakita ng kahusayan sa larangan ng Sining. Ang kanilang sining ay nagpokus sa kalikasan at palakasan at nagtayo rin sila ng mga palasyo. Isa sa mga halimbawa ng palasyo na itinatag ni haring Minos ay _________
Ano ang pinakamahalagang ambag ng Athens sa daigdig, kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan?
Ano ang naging simula ng Digmaang Peloponnesian noong 431 BCE?
Sinalakay ng magkasanib na pwersa ng Athens at ng Thebes ang Macedonia noon 338 BCE., ngunit madaling natalo ang hukbo ng dalawang lungsod-estado. Sino ang tanyag na pinuno ng Macedonia na tumalo sa dalawang lungsod-estado ng Athens at Thebes?
Ang dalawampu't pitong taong Digmaang Peloponnesian ay isang malaking trahedya para sa Greeece. Ano ang naging epekto nito?
Bakit nagdesisyon ang mga Spartan na palakasin ang kanilang hukbong militar at magtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma?
Naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng kalalakihanat kababaihan walang kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan. Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, tutularan nyo ba ang ganitong pamamalakad ng pamahalaang Sparta na kahit babae ay sinasanay sa pakikidigma para sa bayan.
Bakit naging tanyag na pinuno si Alexander the Great ng Macedonia?
Ang pinuno na tinawag na "tyrant" sa sinaunang Greece ay nangangahulugang ______.
Ito ang kauna-unahang nasusulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas Roman na siyang naging daan para mapagkalooban ang mga Plebeian ng karapatan at nabawasan ang panlilinlang sa kanila.
Sa gitna ng kaguluhan sa Roma sa ilalim ng Republika, nagpatuloy ang paghahangad ng mga pinuno militar na mamuno sa pamahalaansa pamamagitan ng paggamit ng kanilang hukbo. Sino ang mga bumubuo ng Unang Triumbirata o alyansa ng tatlong katao.
Sa mg isinulong na pamamahala ni Augustus Caesar matapos na siya ay hirangin bilang emperador, alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nagawa niya.
Ang mga Plebeian ay naghimagsik noong 494 BCE upang makamit ang pantay na karapatan sa mga Patrician. Kung ikaw ay katulad din ng mga Plebeian, maghihimagsik ka ba para sa iyong kalayaan at karapatan?
Alin mahalagang pangyayari sa Imperyong Romano ang naganap mula 27 BC hanggang CE na itinuring na panahon ng katahimikan at kapayapaan sa buong Imperyong Romano?
Ang mga sumusunod ay mga salik sa paghina at pagbagsak ng Imperyong Romano, MALIBAN sa:
Siya ang hari ng Songhai na tinanggap ang Islam at hinikayat ang mga mamamayan ng Songhai na tanggapin ito.
Naging maunlad at makapangyarihan ang imperyong Ghana, Mali at Songhai sa Africa dahil sa pakikipagkalakalan. Alin sa mga sumusunod ang kanilang pangunahing produkto?
Ano ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa na kung saan sumibol ang isang malakas na estado sa relihiyon ito dulot ng lokasyon sa timog na dulo ng kalakihang Trans-Sahara.
Ang Imperyong Mali ay yumaman sa pamamahitan ng kalakalan, higit pang napalawak ang teritoryo ng imperyo, sa mga malalaking lungsod pangkalakalan niya pinilit ang mamamayan na tanggapin ang Islam bilang relihiyon?
Bagama't hinikayat ni Dia Kossoi Ang mga Songhai na tanggapin ang Islam, tultularan mo ba ang ginawa Niya kung Ikaw ay magiging isang pinuno na Hindi Niya pinilit ang mamamayan na tanggapin ang Islam bilang relihiyon
Bunga ng pakikipagkalakalan, tinatanggap ng kaharian mg Axum ang kristiyanismo samantalang tinanggap Rin ng Mali at Songhai ang Islam na parehong relihiyong umusbong sa labas ng Africa. Ano ang iyong mahinuha ukol Dito?
Unang sumibol ang kabihasnang, Olmec sa Mesoamerica. Ang mga sumusumod ay panibagong kabihasnang maliban sa
Bakit isinalarawan ang marahas na kabihsnan na sumibol sa Mexico?
Ang mga Aztec ay mahuhusay na inheryo at tagapagtayo ng mga estruktura tulad ng mga kanal o aqueduct kung saan kakikitaan ng ganitong estruktura ang ating bansa. Sa panahon ng tag-ulan, karaniwan nang magkakaroon ng pagbaha sa halod lahat ng lugar sa ating bansa. Bilang mag-aaral, alin ang HINDI mo dapat gawin upang masolusyonan ang ganitong problema?
Hindi sapat ang lawak ng mga lupain ng mga Aztec upaang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Ano kaya ang hamon sa mga Aztec upang matugunan ang pangangailangang pang-agrikultura ng mga mamamayan?
Sa pagbagsak ng Imperyong Romano, aling institusyong panlipunan ang nanatiling matatag na hindi pinakialam ng mga barbaro kung kaya't nagsilbi itong kanlungan na nangangalaga sa pangangailangan ng mga tao?
Bakit naging mahalaga ang gampanin ng simbahan at kapapahan sa Europa?
Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o mana. Ano ang kahulugan ng mana na nagmula sa Polynesia?
Isa sa mahalagang ambag ng mga Griyego sa larangan ng palakasan ay ang Olympia. Sa kasalukuyan, bakit patuloy pa rin itong tinatangkilik?
Ito ay isang seremonya kung saan ang isang pinunong sekular katulad ng hari na pinagkalooban ng mga simbolo sa pamumuno katulad ng singsing sa obispo nakanyang hinihirang bilang maging pinuno ng simbahan.
Ito ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II na naglalayong mabawiang Jerusalem na sinakop ng mga Turkong Muslim.
Bakit binansagang Holy Roman Empire ang imperyo ni Charlemagne?
Sino ang humirang kay Charlemagne bilang " Emperor of the Holy Roman Empire"?
Sa Panahong Medieval, unti-unting namayagang ang simbahang katoliko. Ano ang naging resulta nito?
37. Ang paglakas ng simbahang katoliko ay isang mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval. Isang bahagi rito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahano Papacy. Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan o sa Papacy?
38. Si Pepin the Short ang unang hinirang na hari ng France. Sa halip na mayor ng palasyo noong 768 humalili sa kanya ang kanyang anak na si
39. Ano ang naging bunga ng pagbagsak ng "Holy Roman Empire"?
40. Ano ang resulta ng Krusada ng mga Bata noong 1212?
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang maituturing ng magandang naidulot ng krusada?
Sino ang mga bagong pangkat ng taong lumitaw sa Europa na ang pangunahing layunin ay pakikipagkalakalan?
Ang sistemang Manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito, kung saan ang mga naninirahan ay pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay sa Manor. Saan maaring maihahalintulad ang sistemand manor?
Bakit umiral ang sistemang piudalismo noong gitnang panahon?
Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahati sa tatlong pangkat; pari, kabalyero at serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf?
Paano nagsimula ang pagbabangko?
Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng mga Craft Guild sa Piyudalismo?
Ang Renaissance ay panahon sa Europe mula ika-14 hanggang ika-16 na daan taon na nangangahulugang _________.
Nagkaroon ng mga bayan at lungsod dahil sa pag-unlad ng kalakalan. Ngunit nagdulot rin ito ng polusyon at pagkasira ng kalikasan. Bilang mag-aaral, ano ang magagawa mo sa problemang ito?
Kaakibat ng sistemang merkantilismo ang bullionism na kung saan sa doktrinang ito ang tagumpay ng isang bansa ay nasusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito. Ano ang kahuligan nito?