
AP 6 Long Quiz # 2 (Oct. 14, 2021)
Quiz by Reshelle C. Esteban
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ibigay ang kahulugan ng akronim na KKK.
Ito ang pinakamataas na kapulungan ng Katipunan na pinamumunuan ng kataas-taasang pangulo.
Siya ang napang-asawa ni Andres Bonifacio.
Ang ibig sabihin nito ay nasa ilalim ng mahigpit na kontrol ng mga sundalo ang isang lugar.
Ang literal na ibig sabihin nito ay kampo, kuta, o moog.
Ito ay tumutukoy samga korteng hindisumusunod  sa mga prinsipyo ng batas at hustiya.
Siya ang nahalal bilang pangulo ng Estados Unidos noong 1897.
Dito unang iwinagayaway ang watawat ng  Pilipinas.
Siya ang nagdisenyo ng watawat ng Pilipinas.
Ito ang unang titulong ating pambansang awit.
Siya ang kompositor ng ating pambansang awit.
Siya angnagsilbing kauna-unahang gobernador-Â militaryna Amerikano saPilipinas.
Ito ang petsa o araw kung kalian pinasinayaan ni Aguinaldo ang Kongreso ng Malolos.
Ibigay ang kahulugan ng akronim na IFI.
Ang literal na kahulugan nitoay ‘I forbid.’
Itoay ang ahensiyang nagging kinatawan ng mga  miyembro ng Kongreso ng Malolos kung ito ay walang  sesyon.
Ito ay tumutukoy sa mga teritoryo na kontrolado ng ibang estado.
Siya ang itinalaga ni Aguinaldo bilang Direktor ng Digmaan sa pagitan ng Pilipino at Amerikano.
Ito ang petsa kung kailan misteryosong sumabog ang barkong pandigma ng Estados Unidos na USS Maine.
Ito ang barkong sinakyan nina Aguinaldo at kaniyang mga kasama noong ika-19 ng Mayo.
Idineklara ang kalayaan ng Pilipinas noong ika- 12 ng Hunyo 1989.
Ito ang lugar kung saan inilipat ang pamahalaan noong Setyembre 14, 1898.
Siya ang nagtatag ng Iglesia Filipina Independiente at ang pinuno ng Union Obrera Democratica.
Si Padre Pelaez ang ginawang pinuno ng bagong tatag na simbahan, ayon narin sa mungkahi ni de los Reyes.
Ito ay tumutukoy sa mga produktong pang-agrikultura na may halagang komersiyal at ibinebenta sa halip na gamitin ng mga nagtanim.
Ito ang mga nakaaangat o piling kasapi ng isang pangkat. Sila ay kinabibilangan ng mga dating datu.
Ito ay tumutukoy sa pagiging mulat ng mga tao sa kanilang pagiging bahagi ng isang bansa.
Ito ay kinabibilangan ng mga peninsulares o ng mga Espanyol na isinilang sa Espanya.
Ito ay patakaran ng paghirang sa mga paring sekular o walang kinabibilangang orden.
Siya ay nakilala dahil sa kuwentong "Fray Botod" na tungkol sa isang mapang-abusa at sakim na prayle.