
AP 6 LONG QUIZ #1
Quiz by Stephanie Mae C. Torres
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ito ay tumutukoy sa mga produktong pang-agrikultura na may halagang komersiyal at ibinebenta sa halip na gamitin ng mga nagtanim.
Siya ang nagtatag ng Royal Company of the Philippines para maglaan ng pondo sa pagtatanim ng mga komersiyal na ani.
Ito ay isang malaking kompanya na hanggang ngayon ay patuloy na nagnenegosyo at nagpapautang ng kapital sa Pilipinas.
Hinahayaan nilang rentahan ng dating may-ari ang lupain upang sakahan.
Ito ang mga nakaaangat o piling kasapi ng isang pangkat. Sila ay kinabibilangan ng mga dating datu.
Ito ay tumutukoy sa pagiging mulat ng mga tao sa kanilang pagiging bahaagi ng isang bansa.
Ito ay patakaran ng paghirang sa mga paring sekular o walang kinabibilangang orden.
Ito ay kinabibilangan ng mga peninsulares o ng mga Espanyol na isinilang sa Espanya.
Sino ang nagsilbing tagapanguna ng mga paring Pilipino nang mamatay si Padre Pelaez?
Anong taon nangyari ang pag-aalsa sa Cavite?
Ito ang tawag sa mga Pilipinong may mataas na pinag-aralan noong ika-19 na dantaon.
Saan nagmula ang salitang ilustrado?
Saan ipinadala ang mga ilustradong nasa Espanya na nasa ikalawang pangkat?
Ito ay ang parlamento ng Espanya na tagagawa ng mga batas.
Siya ay nakilala dahil sa kuwentong "Fray Botod" na tungkol sa isang mapang-abusa at sakim na prayle.
Siya ay namatay dahil sa tuberkulosis noong Hulyo 4, 1896 sa Barcelona.
Sino ang propagandistang ipinanganak sa Calamba, Laguna?
Anong nobela ni Dr. Jose Rizal ang nagtatanong kung ano ang nararapat gawin sa hinaharap?
Kailan itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina?
Para sa mga Katipunero ang Inang Bayan ay walang kakayahang gumawa ng kasamaan para sa kaniyang mga anak.
Ito ang pinakamataas na kapulungan ng Katipunan.
Ito ay napapailalim sa pamamahala ng sangguniang bayan.
Sino ang may akda ng "Pag-ibig sa Tinubuang Bayan"?
Anong hudyat ang ginagamit ng mga katipon?
Sino ang naghikayat na mag-imbestiga ang pamahalaan tungkol sa Katipunan?
Ito ang isang lugar kung saan maaaring umatras ang mga Katipunero at lugar na maaaring paglunsaran ng panibagong paglusob sa mga kalaban.
Ang ibig sabihin nito ay nasa ilalim ng mahigpit na kontrol ng mga sundalo sa isang lugar.
Siya ang napangasawa ni Andres Bonifacio.
Anong antas ang gumagamit ng hudyat na Rizal?
Ang lugar na ito ay nasa ilalim ng pamumuno ni Heneral Marianoi Llanera na may kuta sa Biak-na-Bato.