
AP Q3 GR10
Quiz by Academic Helper
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang konsepto ng sex at gender ay magkaiba. Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian ng tao na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae at lalaki. Ano naman ang gender?
Alin sa mga sumusunod ang angkop na paliwanag sa konsepto ng sex?
May iba’t ibang uri ng sexuality. Alin sa mga sumusunod ang sekswalidad na mayroong atraksyon sa ibang uri ng kasarian?
Ano ang Gender Expression?
Alin sa mga sumusunod ang angkop na paliwanag ukol sa Pagkakakilanlang Pangkasarian (Gender Identity)?
Kung ang Heterosexual bilang uri ng oryentasyong seksuwal ay tumutukoy sa mga taong may seksuwal na atraksyon sa kasalungat na kasarian, ano naman ang Homosexual?
Ano ang tumutukoy sa mga katangiang biyolohikal at pisyolohikal ng isang tao?
Alin sa mga sumusunod ang angkop na paliwanag sa Gender Role?
Ayon sa ulat ng World Health Organization, tinatayang mahigit sa 200 milyong kababaihan sa ilang bansa sa Aprika at Gitnang Silangang Asya ang nakaranas ng Female Genital Mutilation o FGM kung saan tinatanggal ang bahagi o kabuuan ng labas na bahagi ng genitalia ng babae. Ano ang pangunahing dahilan ng pagsasagawa nito?
Ang babae ang kadalasang nangangasiwa sa loob ng tahanan samantalang ang kalalakihan ang karaniwang naghahanapbuhay para sa pamilya. Ano ang tawag dito?
Bakit tutol ang simbahan sa sex education para sa mga kabataan?
Saan unang nahuhubog ang kasarian ng isang bata?
Bukod sa pagiging isyung politikal, ano pa ang same-sex marriage?
Bakit tutol ang simbahan sa Reproductive Health Law?
Sa kasalukuyan, maituturing ba na ang pag-aalaga at pagpapalaki sa mga anak ay tungkulin lang ng isang ina?
Alin sa mga sumusunod ang HINDI angkop na paglalarawan sa kalagayan ng mga kababaihan noon?
Noong panahon ng ating mga ninuno, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawa laban sa batas kapag nakita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Mas malaki ang karapatang matamasa ng lalaki noong sinaunang panahon. Kapag ang lalaki ang makipaghiwalay, maaari niyang bawiin ang kanyang mga ari-arian, samantalang kapag ang babae ang hihiwalay, wala siyang makukuha. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Ang diskriminasyon ay anumang restriksyon batay sa kasarian, anyong pisikal, relihiyon na nagiging sanhi ng paglabag sa karapatan ng isang tao. Alin sa sumusunod ang nagpapakita nito?
Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba't ibang kultura gaya ng foot binding sa China at purdah sa mga Muslim. Bakit isinasagawa ito?
Sa pagsakop ng mga Amerikano sa Pilipinas, naging bukas ang mga paaralan para sa lahat. Anong konklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na ito?
Nahalal noong 2016 si Geraldine Roman, ang kauna-unahang transgender na kinatawan sa Kongreso. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na ito?
Lumaganap ang kaisipan tungkol sa LGBT sa Pilipinas dahil sa mga akdang tumatalakay sa homosekswalidad. Ano ang naging epekto nito?
Paano nakatulong ang mga grupo tulad ng ANG LADLAD sa pakikipaglaban ng mga LGBT para sa kanilang karapatan?
Sa panahon ngayon, laganap ang prostitusyon. Bakit ito nagaganap sa makabagong panahon?
Ayon sa pag-aaral ng The Jamal Gay and Lesbian Rights Commission, ang dalawang pinakamalaking isyung kinakaharap ng mga LGBT sa buong mundo ay diskriminasyon at karahasan. Bakit nagkakaroon ng ganitong isyu?
Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones, maraming kababaihang Pilipino ang naging comfort women. Ano ang ipinapakita nito?
Bakit isinasagawa ang Female Genital Mutilation (FGM) sa ilang bahagi ng Africa?
Paano nakatulong ang media sa pagtanggap ng lipunan sa mga LGBT?
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng diskriminasyon?
Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng human trafficking?
Alin sa sumusunod ang kaisipan na nagpapakita ng pantay-pantay na karapatan ng tao?
Noong panahon ng mga Kastila, ang mga kababaihan ay halos hindi pinapayagang makilahok sa pampublikong usapin. Ano ang ipinapakita nito?
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng diskriminasyon?
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng diskriminasyon sa kababaihan?
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (2018), mas maraming kababaihan ang nakakatapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo kaysa sa mga kalalakihan. Ano ang ipinapakita nito?
Ayon sa dating UN General Secretary Ban Ki-moon, "LGBT rights are human rights." Ano ang nais niyang ipahiwatig?
Anong batas ang ipinatupad ng pamahalaan upang pahalagahan at pangalagaan ang karapatan ng mga kababaihan?
Sa larangan ng palakasan, nagbigay ng karangalan sa bansa sina Hidilyn Diaz, Margielyn Didal, at Yuka Saso. Ano ang ipinapakita nito?
Ano ang kahalagahan ng pagkakatatag ng mga samahang pangkababaihan tulad ng GABRIELA?
Ang Magna Carta for Women, CEDAW, at Yogyakarta Principles ay mga tugon ng pamahalaan sa isyu ng karahasan at diskriminasyon. Bilang mamamayan, paano mo ito mapapahalagahan?
Si Leny ay biktima ng sexual harassment sa kanilang lugar. Anong hakbang ang dapat niyang gawin?
Mahalaga na malaman ng bawat tao ang kanilang karapatang pantao. Paano mo ito magagawa?
Alin sa mga sumusunod ang HINDI hakbang upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng kasarian?
Patuloy ang pagtaas ng paglabag sa karapatang pantao. Anong hakbang ang dapat gawin ng pamahalaan?
Si Katrina ay biktima ng domestic violence. Ano ang tamang payo na maaaring ibigay sa kanya?
Alin sa mga sumusunod ang HINDI mungkahing paraan sa pangangalaga ng karapatang pantao?
Patuloy ang pagtaas ng sextortion frauds o pananakot gamit ang sensitibong larawan o video. Anong dapat gawin ng mga awtoridad?
Kung ikaw ay nakaranas ng diskriminasyon sa paaralan, ano ang pinakamainam na gawin?
Mahalaga ang pagtanggap at paggalang sa kasarian dahil ito ay seryosong usapin. Ano ang dapat pairalin?