
AP Q3 W3
Quiz by Jessie Ann De Guzman
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Diskriminasyon laban sa kalalakihan
Galit (= hate) sa mga lalaki
Hanay (= set) ng ilang pag-uugali ng mga lalaki na nakapipinsala salipunan, kahit sa mga lalaki mismo. Hal. Pagno-normalize ng karahasansa mga batang lalaki at emotional repression
Pagdukot sa mga eligible bachelor (= mga lalaking may matataas napinag-aralan at/o mayayaman) na ginagawa ng pamilya ng babaeupang puwersahang ipakasal ito sa kanilang anak na babae
o “spermjacking” at “spurgling”; nangyayari kapag ang semilya ngisang lalaki ay ginagamit nang labag sa kanyang kalooban, hindiniya alam, o nang walang pahintulot upang makabuntis ng babae
nangyayari kapag ang semilya ng lalaki ay palihim nakinukuha, halimbawa sa itinapon na condom, para gamitin at makabuntis ngbabae
kapag angfrozen sperm sample ng isang lalaki ay ginamit nang walang pahintulot niyaupang i-fertilize ang egg cell sa pamamagitan ng in vitro fertilization o ibapang artipisyal na pamamaraan
sapilitang pagtanggal sa foreskin o balat na tumatakip sa dulo ng ari nglalaki dahil sa panrelihiyon o kultural na dahilan
anggagahasa na nagaganap sa pagitan ng mga inmate (= bilanggo)
Kaugalian sa Afghanistan kung saan sekswal na inaabuso ngmatatandang lalaki ang mga batang lalaki at binatilyo sa paraan nggroping at sodomy (= anal sex)
Nangyayari kapag ang mga magkakatulad na criminal case ay HINDIpinapatawan ng magkakatulad na parusa o kapag ang mga dimagkakatulad na kaso ay HINDI pinapatawan ng magkakaibang parusa.Hal. Natuklasan na, on average, ang mga lalaki ay dalawang beses nabinibigyan ng mas mabibigat na sentensiya at 63% na mas mahabang jailtime kaysa sa mga babaeng may katulad na kaso.
Sistematikong pagpatay sa mga lalaki, bata man o matanda. Sa buongmundo, mga lalaki ang biktima ng 79% ng mga pagpaslang na walangkinalaman sa digmaan.
Diskriminasyon laban sa mga taong LGBTQIA+ o queer
Paghamak, hindi patas na pagtrato, at pag-ayaw sa mga homosexual dala ng hindimakatuwirang takot at paniniwalang panrelihiyon tungkol sa kanila
Paghamak, hindi patas na pagtrato, at pag-ayaw sa mga bisexual dalang hindi makatuwirang takot at paniniwalang panrelihiyon tungkol sakanila
Paghamak, hindi patas na pagtrato, at pag-ayaw sa mga transgenderdala ng hindi makatuwirang takot at paniniwalang panrelihiyontungkol sa kanila
Paghamak, hindi patas na pagtrato, at pag-ayaw ng mga taongLGBTQIA+ sa kapwa nila LGBTQIA+ dala ng hindi makatuwirang takotat paniniwalang panrelihiyon na naitanim ng lipunan sa kanila
Pagsisiwalat ng SOGIE ng isang taong LGBTQIA+ nang walangpahintulot ng taong ito
Mga nakasulat, catchphrases, at slogan na ginagamit laban sa mgataong LGBTQIA+ na may layuning hamakin o alipustahin sila
Paglalarawan sa mga LGBTQIA+ na karakter sa fiction (= palabas,pelikula, nobela, atbp.) bilang heterosexual o pagbabago ngimpormasyon tungkol sa historical figures upang masunod angheteronormativity
Anomang anyo ng karahasan na pinahihintulutan ng pamahalaan naginagamit bilang parusa sa mga taong LGBTQIA+
Panggagahasa sa mga lesbian at trans man sa paniniwalang mababagonito ang kanilang SOGIE patungong heterosexual at cisgender
Legal na diskarte na ginagamit ng ilang akusado upang mapagaan angkanilang parusa para sa pag-atake o pagpatay sa isang biktimangLGBTQIA+. Dito, iginigiit ng akusado na pansamantala siyang nawala sawastong pagiisip nang gawan siya ng sexual advances ng biktima dahillubos siyang na-offend at natakot sa same-sex na pananamantala ngbiktima
Panukalang batas ni evangelical pastor Cong. Bienvenido Abante Jr.(Manila, 6th District) na kumikilala at pumoprotekta sa mga karapatan ngmga heterosexual at nagpapahintulot sa kanila na ipahayag sa publiko angkanilang maka-Bibliyang pananaw tungkol sa LGBTQIA+ community
Karaniwang tawag sa isang batas na naglilimita sa paggamit ng comfortroom ng mga taong transgender, non-binary, atbp.
Paniniwala na hindi dapat pahintulutan ang mga single na LGBTQIA+ atsame-sex couples na magpalaki ng mga anak batay sa palagay (=assumption) na may masamang maidudulot ito sa mga bata
Maling pag-aakusa sa mga taong LGBTQIA+, kanilang allies, at mgapolitikong progresibo (= nagsusulong ng panlipunang pagbabago) nanagsusulong ng LGBTQIA+ positive education at campaigns na angginagawa nila ay grooming at pag-engganyo sa mga bata na magingLGBTQIA+ din