
AP5-Q3-Aralin 4
Quiz by Julie Nombrado
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Kalakalang ________ ang dahilan kung bakit maraming dayuhan ang nakarating sa Pilipinas at maraming Filipino ang nakarating sa ibang bansa.
Ang kaisipang ______ ay nangangahulugang malayang pagkilos at pananalita.
Ang pang-______ uri ng lipunan ay binubuo ng mga Filipinong nakapag-kolehiyo o nakapag-aral sa ibang bansa.
Si Carlos Maria Dela Torre ang pinunong Espanyol na nagpakita ng pantay-pantayang pagtingin sa mga Espanyol at mga Pilipino.
Sa __________ naganap ang protesta ng halos 200 sundalo at manggagawa laban sa hindi makatarungang pagpapataw ng buwis at polo y servicio.
Dalawa ang uri ng mga pari noong panahon ng Espanyol: regular at _______.
Ang tatlong paring ______ na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora (ngayon ay kilala bilang GomBurZa) ay hindi nabigyan ng tamang paglilitis.
Ang GumBurZa ay pinatawan ng kamatayan sa pamamagitan ng _____.
Ang pagbitay sa GomBurza ay naging inspirasyon ng ating pambansang bayaning si Jose Rizal sa pagsulat niya ng nobelang El ___________.
Ang mga makasaysayang kaganapang pinag-aralan sa araw na ito ang gumising sa damdaming _________ ng mga Pilipino. Ang mga ito ang naging simula ng pagkamulat at ng paglaban ng mga Pilipino para sa ganap na kalayaan ng bansa mula sa mga Espanyol.