
AP7-Q2_ Quiz
Quiz by GINA PRINCIPE
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Anong mga bansang kanluranin ang nagbigay ng malaking papel sa Unang Yugto ng Imperyalismo sa Timog-Silangan Asya?Piliin ang lahat ng tama.
Ano ang mga pangunahing dahilan ng Unang Yugto ng Imperyalismo sa Asya?
Alin-alin sa mga kanluraning bansa ang nanakop sa mga bansa ng Timog-Silangang Asya noong Ikalawang Yugto ng Imperyalismo?
Ano ang mga pangunahing dahilan ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo sa Asya?
Alin sa mga sumusunod na bansa sa Timog-Silangang Asya ang hindi nasakop ng mga Kanluranin noong panahon ng Imperyalismo?
Sino ang mahusay na hari ng Thailand na nakilala sa kanyang reporma at pagsasamoderno ng sistemang legal, estrukturang administratibo at hukbong militar na siyang dahilan upang maiwasan ng bansa ang pananakop ng mga dayuhan?
Alin sa mga sumusunod na bansa ang kasama sa French Indochina na nasakop ng France noong panahon ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo?
Ito ay isang taktika o estratehiya ng pananakop upang pahinain ang pagkakaisa ng mga nasasakupan at mas madaling mapanatili ang kolonyal na kontrol.
Ang kinilalang gulugod o lakas ng hukbo ng Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol at Amerikano at kinatatakutan bilang mga mabagsik na mersenaryo.
Noong Disyembre 7, 1941, inatake ng Japan ang __________________________________ sa Hawaii, na nagresulta sa pagkasira ng maraming barko at pagkamatay ng libo-libong sundalong Amerikano.
Naganap noong Abril 1942 matapos sumuko ang mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan. Pinilit silang maglakad ng humigit-kumulang 100 kilometro, kung saan marami ang namatay dahil sa gutom, uhaw, at pagmamalupit ng mga sundalong Hapon.
Ang isa sa mga kilalang pangkat na nanlaban sa mga Hapones na naorganisa sa ilalim ng pamumuno ni Luis Taruc.
Sino ang itinalaga ni Pangulong Manuel L. Quezon bilang pinunong opisyal ng kalakhang Maynila na makipagkasundo sa mga Hapones upang mailigtas ang mga Pilipino?
Anong  Rebelyong  na pinamunuan ni Saya San na  isang dating monghe at manggagamot, bilang pagtutol ng mga magsasaka sa Burma (Myanmar) laban sa pang-aapi, mataas na buwis, at kolonyal na pamamahala ng mga British?
Sa ilalim ng sistemang ito ang bawat Javanese ay kailangan makapagtanim ng 1/5 bahaging sukat ng kanilang sakahan para sa pagtatanim ng mga produktong kailangan ng mga Dutch.
Ang tula na “The White Man’s Burden” ay isinulat ni Rudyard Kipling, isang Ingles na manunulat, bilang mensahe sa mga Amerikano na “tungkulin” daw nilang pamunuan at “paunlarin” ang mga bansang sinasakop nila — tulad ng Pilipinas matapos ang Digmaang Espanyol-Amerikano.
Sa ilalim ng Polo y Servicio, lahat ng Pilipino, babae man o lalaki, ay kailangang magtrabaho para sa pamahalaan ng Espanya.
Bunsod ng labis na paghihirap na naranasan ng mga Pilipino, tinanggihan ng mga ito ang pamamahala ng mga Hapon.
Itinulad ng mga Hapones ang kanilang hukbong militar sa hukbo ng France at Germany.
Isang estado na may sariling pamahalaan ngunit nasa ilalim ng proteksyon at impluwensiya ng isang mas malakas na bansa.
Tumutugon sa pilosopiyang politikal at moral na nakabatay sa pagpapaunlad ng karapatan ng isang individual, kalayaan, pahintulot ng pamahalaan at pagkakapantay-pantay sa batas ng pamahalaan.
Ito ay isang sistemang pang-ekonomiya na lumaganap sa Europe na kung saan ang konsepto ng yaman ng isang bansa ay nakabatay sa ginto at pilak na mayroon ito.
Ito ay ang tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang likas na yaman.Kinokontrol ng mananakop na bansa ang mga tao o lugar, kadalasang itinatatag ang mga kolonya.