
Apat na Sangkap sa kasanayang Komunikatibo 2
Quiz by Maria Carla Paz Nicolas
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
"Penge naman ako niyan" sabi ng aking kaibigan. - Ang dapat na ginamit niya ay pahingi.
Anong sangkap sa kasanayang gramatikal ang makapagpapaliwanag sa sitwasyon?
diskorsal; strategik; sosyo-linggwistik; gramatikal
Si Alaysa ay laking probinsya kaya noong bumisita sila sa Maynila para sa Pasko ang tawag niya sa meryende ay gita (maranao) at dahil dito nagtaka ang mga pinsan niya na tagaroon.
Anong sangkap sa kasanayang gramatikal ang makapagpapaliwanag sa sitwasyon?
diskorsal; strategik; sosyo-linggwistik; gramatikal
Gumawa ng artikulo si Peter tungkol sa Pagbago ng Klima, Sa kaniyang artikulo, mali ang pag-ayos niya sa mga pangungusap "Ang pagbabago ng klima ay isang seryosong isyu sa kapaligiran. Kaya’t ngayon pa lang dapat tayong maging mulat. Dahil sa pagbabago ng klima, tumataas ang temperatura sa mga lugar at nagdudulot ng mas matinding baha at bagyo.”
Anong sangkap sa kasanayang gramatikal ang makapagpapaliwanag sa sitwasyon?
diskorsal; strategik; sosyo-linggwistik; gramatikal
Tumatawa at nagbibiro habang sinasabi ang testimonya sa korte bilang isang testigo.
Anong sangkap sa kasanayang gramatikal ang makapagpapaliwanag sa sitwasyon?
diskorsal; strategik; sosyo-linggwistik; gramatikal
Sa Maynila tayo unang nagkita, dito tayo nagkakilala. Naalala ko pa nung kumain tayo sa restawran at nilakad pa kita pauwi sainyo.
Anong sangkap sa kasanayang gramatikal ang makapagpapaliwanag sa kamalian sa mga pangungusa sa itaas?
diskorsal; strategik; sosyo-linggwistik; gramatikal
Ang paraan ng pagpapaalam ni Maria ay iba depende sa tao. Kung ito ay isang taong hindi niya lubos na kilala o mas matanda sa kanya, sasabihin niya "Paalam, mag-ingat po kayo." pero, kapag ang kausap niya ay kasing-edad lang niya o kaibigan niya, sasabihin niya "Hoy, mag-ingat ka." o iba pang hindi pormal na salita.
Anong sangkap sa kasanayang gramatikal ang makapagpapaliwanag sa sitwasyon?
diskorsal; strategik; sosyo-linggwistik; gramatikal
Si Vaughn ay bumalik sa kanilang bahay dahil naiwan niya ang kanyang ID. Sa huli, tinanong siya ng guard kung bakit ngayon lang siya pumasok dahil late na siya. Hindi niya nahanap ang kanyang ID at malungkot na sumakay ng LRT papuntang eskwelahan.Anong kasanayang komunikatibo ang nagpapaliwanag sa sitwasyong ito?strategik; sosyo-linggwistik; gramatikal; diskorsal
Pag-istretch (pag-inat) ng mga estudyante pagkatapos ng klase nila sa matematika.Ibig-sabihin na pagod na sila sa klase.(Na maaari ring mangahulugang nababagot na o inaantok na )
Anong kasanayang komunikatibo ang nagpapaliwanag sa sitwasyong ito?
strategik; sosyo-linggwistik; gramatikal; diskorsal
Si Carlos ay nagbibigay ng talumpati para sa Araling Panlipunan tungkol sa Global Warming. Ang problema lang ay ang mga kaklase niya at ang kanyang guro ay nalito sa komposisyon ng ilang talata niya. Ito ay isang halimbawa ng talata galing sa talumpati ni Carlos. "Ayon sa "The Projected Economic Impact of Extreme Sea-Level Rise in Seven Asian Cities", tatanyahin na kasing aga ng 2030, 15 milyong tao sa kabila ng 7 na lungsod ay baka maapektohan ng bagyo. Maraming mga tao ay baka mamamatay o masasaktan ng Global Warming. Kailangan na natin seryosohin ang panganib ng Global Warming." Ang ikalawang pangungusap sa talata na iyan ay dapat ang unang pangungusap.
Anong kasanayang komunikatibo ang nagpapaliwanag sa sitwasyong ito?
strategik; sosyo-linggwistik; gramatikal; diskorsal