"Nasaan ang kabataang maglalaan ng kanilang magagandang sandali, ng kanilang mga pangarap, at ng kanilang kasiglagan sa ikabubuti ng kanilang bayan? Nasaan ang kabataang magbubuo ng dugo upang hugasan ang ganyan karaming kahihiyan sa gayong karaming krimen at sa gayong karaming bagay na nakamumuhi? Malinis at walang bahid dungis ang kailangang buhay na alay upang ang handog ay maging karapat-dapat! Saan kayo nangaroon, mga kabataang nagtataglay ng lakas ng buhay na nanlamig na sa aming mga ugat at ng lagablab ng kasiglahang namatay na sa aming puso? Hinihintay namin kayo! Halikayo! Hinihintay namin kayo!"
Anong angkop na paniniwala at pagpapahalaga ang nangibabaw sa pahayag?