Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
50 questions
Show answers
  • Q1
    Batay sa pag-aaral ng National Solid Waste management Report ng 2015, anong uri ng basura ang may pinakamalaking porsyento ang itinatapon sa bansa?
    Special
    Recyclables
    Biodegradables
    Residual
    30s
  • Q2
    Ano ang masamang epekto ng kawalang disiplina ng tao sa pagtatapon ng basura?
    Nagdudulot ng sakit sa mga tao
    Nakadaragdag ng polusyon sa hangin
    Nadaragdagan ang trabaho ng mga waste collector
    Lahat ng nabanggit
    30s
  • Q3
    Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
    Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
    Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito.
    Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
    Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
    30s
  • Q4
    Alin sa mga sumusunod ang epekto ng climate change ang may kaugnayan sa kalusugan ng mga mamamayan sa Pilipinas?
    Pagliit ng produksiyon sa sektor ng agrikultura
    Pagtaas ng bilang ng mga nagiging biktima ng sakit dahil sa pabago-bagong panahon
    Pagkawala ng tahanan dulot ng pagkain ng mga karagatan sa dating lupa na kinatatayuan ng kanilang tahanan
    Paglikas ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng tahanan dulot ng malalakas na bagyo
    30s
  • Q5
    Sa pagpaplano ng disaster risk management, mahalagang maisaalang-alang ang pananaw ng mga namumuno sa pamahalaan at ganun din ang pananaw at karanasan ng mga mamamayan, sa ganitong sitwayon anong approach ang ginamit dito?
    Bottom –up approach
    Bottom –up approach at Top-down approach
    Top-down approach
    Single Entry Approach
    60s
  • Q6
    Alin sa sumusunod na sitwasiyon ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
    Hinikayat ni Ericka Vitor ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
    Ipinatawag ni Kapitan Anton Millamina ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.
    Pinamunuan ni Portia, isang lider ng Non Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad.
    Nakipag-usap si Tristansa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang kalamidad.
    30s
  • Q7
    Kung and disaster ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,kapaligiran at gawaing pang-ekonomiya, ano naman ang vulnerability?
    Tumutukoy sa mga banta na maaring dulot ng kalikasan o gawa ng tao.
    Kakayahan ng isang pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad
    Tumutukoy sa tao,lugar,at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard
    Tumutukoy sa mga inaasahang pinsala sa tao,ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad
    30s
  • Q8
    Kung ang bagyo , tsunami at thunderstorm ay kabilang sa mga natural hazard, alin naman ang nabibilang sa anthropogenic hazard?
    Landslide
    Storm Surge
    Lindol
    Terorismo
    30s
  • Q9
    Ayon kina Abarquez at Zubair, mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan sa CBDRM Approach dahil sila ang may posibilidad na makaranas ng mga epekto at hazard.Bakit isinasagawa ang Community Based – Disaster and Risk Management?
    Upang maligtas ang maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano.
    Mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga suliraning dulot ng Hazard at kalamidad kung ang lahat ng sektor ay may organisadong plano.
    Upang mabawasan ang epekto ng Hazard at kalamidad
    Upang maging handa ang komunidad at upang maiwasan ang pinsala sa buhay at ari-arian
    60s
  • Q10
    Alin ang HINDI totoo sa Community-Based Disaster and Risk Management Approach?
    Ang pamamaraang ito ng paghahanda laban sa mga kalamidad ay nakasentro sa kapakanan ng tao
    Binibigyang-pansin sa approach na ito ang malaking partisipasyon ng pamahalaan kaysa sa mamamayan
    Ang iba’t ibang sektor ng lipunan ay hinihikayat ang pakikilahok
    Binibigyang-pansin sa approach na ito ang aktibong pakikilahok ng mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad
    30s
  • Q11
    Bakit maituturing na panlipunang isyu ang Globalisasyon?
    Nagdudulot ng masamang epekto sapanlipunan, ekonomikal, at pulitikal na aspekto
    Naapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking industriya
    Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
    Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay ang mga institusyon na matagal ng naitatag
    30s
  • Q12
    Sa pagdaan ng panahon, lalong bumibilis at nagiging madali ang interaksyon ng mga tao at bansa sa iba’t ibang panig ng mundo dulot ng mga natutuklasan at nalilikha ng tao. Alin sa mga sumusunod ang negatibong epekto nito?
    Pag-unlad ng karunungan at produktibidad
    Mabilis at murang komunikasyon
    Malayang ugnayan at pagpapalitan ng mga ideya
    Nakararanas ng identity crisis ang mga bansa
    60s
  • Q13
    Dahil sa Globalisasyon mabilis at mura ang transportasyon at komunikasyon ngunit nakokompromiso ang seguridad ng mga tao at bansa. Ano ang mahihinuha mo dito?
    Dapat pigilin ang Globalisasyon para sa kaligtasan ng bansa
    May mabuti at masamang epekto ang Globalisasyon
    Hindi maliit na bagay ang malagay sa kompromiso ang seguridad ng bansa
    Ang mabilis at murang transportasyon at komunikasyon ay may masamang epekto
    30s
  • Q14
    Ayon sa mga sumusuporta sa Globalisasyon, nakatutulong ito sa mga papaunlad na bansa dahil sa madaming trabahong naibibigay nila. Ano ang nakikita mong HINDI mabuti sa isyung ito?
    Nakahahabol sa pag-angat ng ekonomiya ang bansa
    Mababa ang pasahod ng mga dayuhang kompanya sa mga local na manggagawa
    Nababawasan ang bilang ng unemployed sa bansa
    Lalong lumalaki ang agwat ng mayaman at mahirap na bansa
    60s
  • Q15
    Mula sa datos ng DOLE na inilabas noong 2016, may 4.23 milyong bakanteng trabaho sa loob at labas ng bansa na binuksan ng ahensya. Mula 2014 hanggang 2015 umabot lamang sa 391,000 na mga aplikante ang natanggap mula sa 1.29 milyon na nag-aplay. Ano ang ipinahihiwatig nito?
    Maraming Pilipino ang may trabaho na sa kasalukuyan
    Lahat ay tama
    Marami sa mga aplikante ang walang akmang kasanayan sa kasalukuyang trabaho
    May kakulangan ang bansa sa lakas-paggawa
    60s

Teachers give this quiz to your class