placeholder image to represent content

Araling Panlipunan 5

Quiz by CID Marikina

Grade 5
Araling Panlipunan
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

Feel free to use or edit a copy

includes Teacher and Student dashboards

Measures 3 skills from
Grade 5
Araling Panlipunan
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

AP5PLP- Ig-7
AP5PKB- IVe-3
AP5PKB- IVf-4

Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards

With a free account, teachers can
  • edit the questions
  • save a copy for later
  • start a class game
  • automatically assign follow-up activities based on students’ scores
  • assign as homework
  • share a link with colleagues
  • print as a bubble sheet

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
25 questions
Show answers
  • Q1
    Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng tamang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo gamit ang mapa batay sa “lokasyong absolute”?

    Ang Pilipinas ay matatagpuan sa hating globo.

    Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Asya.
    Ang Pilipinas ay matatagpuan hilagang latitud at 4’23˚-21’25˚.
    Ang Pilipinas ay matatagpuan 4° 23 at 21° 30 hilagang latitud at 116’00- 127˚ silangan.
    30s
  • Q2
    Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kawastuhan hinggil sa pinagmulan ng Pilipinas ayon sa plate tectonic theory?

    Ang Pilipinas ay nabuo mula sa pagputok ng mga bulkang nakahanay sa paligid ng Karagatang Pasipiko at mula dito ay lumitaw ang mga bato na bumuo sa kapuluan.

    Ayon sa teoryang ito ang daigdig ay dating binubuo ng isang super kontinente, ang PANGAEA, na sa pagdaan ng panahon ay nagkawatak-watak dahil sa mga pwersang pangkalikasan gaya ng lindol, pagputok ng bulkan, agos ng tubig sa ilalim ng dagat atbp.
    Ito ang paggalaw ng lupa na sanhi ng pagkilos sa ilalim na naging daan upang mabasag ang malalaking masa ng lupang nag-uumpugan, nagtutulakan o nagkikiskisan para mabuo ang kalupaan ng Pilipinas.
    Ang Pilipinas ay nabuo dahil sa paglalabanan at pagpupukpukan ng mga bato ng tatlong higante upang mapatunayan kung sino sa kanila ang pinaka malakas sa Pasipiko. Ang mga batong ito ang naging mga pulo ng Pilipinas.
    30s
  • Q3
    Paano isinasagawa ng datu ang paglilitis sa mga nagkasala sa loob ng barangay?

    Dinadaan sa pagsubok ang mga may sala sa paniwalang kakatigan ni Bathala ang walang sala.

    Nagkakaroon ng pag-uusap ang Datu at ang matatandang lupon.
    Ikinukulong ang lahat ng may sala.
    Nagkakaroon ng botohan sa loob ng barangay.
    30s
    AP5PLP- Ig-7
  • Q4
    Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga pamana ng Austranesyano na makikita sa pamumuhay ng mga Pilipino sa ating bansa?

    pag-aalaga ng hayop

    paggamit ng kasangkapang gawa sa makinis na bato o metal
    paggamit ng kasangkapang bato.
    paghahabi ng tela
    30s
  • Q5
    Ang mga sumusunod ay mga pahayag ukol sa kolonyalismoMALIBAN sa isa, alin ito?

    Nagmula ito sa salitang “colonus” na ang ibig sabihin ay magsasaka.

    Tuwirang pananakop ng isang bansa sa isa pang teritoryo upang mapakinabangan ang likas na yaman nito.
    Ito ay isang sistemang pang-ekonomiya na nagsasaad na ang basehan ng yaman ng isang bansa ay sa dami ng ginto at pilak nito.
    Aktuwal na pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa na may layuning pakinabangan ang likas na yaman nito.
    30s
  • Q6
    Paano isinagawa ng mga Espanyol ang divide and rule?

    Binigyan ng mga pabuya ng mga Espanyol ang mga lokal na pinuno naninirahan sa isang lugar.

    Ginawang kaibigan ng mga Espanyol ang mga lokal na pinuno o naninirahan sa isang lugar.
    Pinarusahan ng mga Espanyol ang mga lokal na pinuno o naninirahan sa isang lugar.
    Pinag-aaway-away ng mga Espanyol ang mga lokal na pinuno o naninirahan sa isang lugar.
    30s
  • Q7
    Bakit ipinalaganap ng mga Espanyol ang kristiyanismo sa Pilipinas?
    Magkaroon ng iisang relihiyon ang mga Pilipino at Espanyol.

    Upang maipakitang maka-Diyos ang mga Espanyol.

    Upang makapagpatayo sila ng mas maraming simbahan.
    Dahil ito ay isa sa kanilang layunin sa pananakop ng teritoryo.
    30s
  • Q8
    Isa pang uri ng pagbubuwis ay ang sistemang bandala. Subalit kadalasan hindi nababayaran ang mga Pilipino para sa mga produkto nila. Ano ang sistemang bandala?
    Ito ay sapilitang pagbili ng mga produkto tulad ng palay, at langis ng niyog sa pamahalaan.
    Isa itong panukat sa mga buwis na binabayaran.

    Tulong ito na ibinibigay sa mga miyembro ng encomienda sa pamahalaan.

    Kusang loob itong ibinibigay at binabayaran ng mga miyembro ng encomienda.
    30s
  • Q9
    Paano ipinagtanggol ng mga katutubong Pilipino ang bansa upang makamit ang kalayaan?
    Nakibaka sa mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol.
    Ipinamalas ang katapangan laban sa kolonyalismong Espanyol.

    Nakiisa sa alituntunin ng kolonyalismong Espanyol.

    Tinanggap at nagpabinyag sa relihiyong Kristiyanismo.
    30s
  • Q10
    Paano mo pahahalagahan ang ginawang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol?
    Magbasa ng kanilang kwento at ibahagi sa aking mga kaibigan.

    Alalahanin ang kanilang kabayanihan.

    Kilalanin bilang huwarang Pilipino.
    Ipagmalaki at isabuhay ang mga aral ukol sa kanilang ginawa para sa bansa.
    30s
  • Q11
    Paano naimpluwensiyahan ng kulturang Espanyol ang pamumuhay ng mga Pilipino?

    Marami ang nakapag -aral.

    Nabago ang kulturang kinagisnan ng mga ninunong Pilipino.
    Nakilala ang Pilipinas bilang Kristiyanong bansa sa buong Asya.
    Nabago ang istilo ng mga tahanan, naging yari sa bato at matitigas na kahoy.
    30s
  • Q12
    Maraming panitikan ang dinala ng mga Espanyol sa ating bansa. Bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang gagawin mo sa mga ito?

    Balewalain ang mga ito dahil naging mapang-abuso ang mga Kastila.

    Unawain ang konsepto nito.
    Pahalagahan ang mga ito dahil ito ay parte ng kasaysayan.
    Basahin ang ilang mga panitikan na dala ng mga Espanyol.
    30s
  • Q13
    Pangarap ni Apolinario dela Cruz o Hermano Pule na maging pari. Sinikap niyang mag-aral ng katesismo. Dahil siya ay isang Indio, hindi siya tinanggap sa isang monasteryo para maging pari. Ano ang naging dahilan ng kanyang pag-aalsa?

    pangkabuhayan

    panrelihiyon
    pampulitika
    personal
    30s
  • Q14
    Ang pag–aalsa ni Dagohoy ang tinaguriang pinakamahabang pag – aalsa. Bakit kaya nagtagal ito?

    Marami siyang armas.

    Nahirapan ang mga Espanyol na tugisin siya.
    Marami siyang tauhan.
    Hindi siya nawalan ng loob at pag-asa sa pakikipaglaban.
    30s
  • Q15
    Sa paanong paraan masasabi na ikaw ay isang mabuting mamamayan?
    Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at alituntunin ng bansa.

    Sa pamamagitan ng pagbuo ng organisasyon na magtataksil sa bayan.

    Sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis.
    Sa pamamagitan ng pakikibahagi sa programa ng pamahalaan.
    30s

Teachers give this quiz to your class