
EPP6 Quiz #1 (Q4)
Quiz by Issa Marie Francisco
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ginagamit ito sa pagsukat ng iba-ibang bahagi ng katawan at sa pagkuha ng haba ng tela o plastik na may habang 60 pulgada.
ginagamit itong panggupit ng paligid ng tela, lupi o hugpungan para hindi maghimulmol
Ito ang pinakamahabang karayom. Bilugan ang butas nito. Karaniwan itong ginagamit sa pananahing kamay.
Ginagamit ito upang hindi matusok ang daliri ng karayom. Isinusuot ito sa hinlalato o panggitnang daliri tuwing mananahi gamit ang kamay. Yari ito sa plastik o metal.
Kanais-nais ang gumawa ng maayos na talatakdaan para sa mga gawaing pantahanan.
Ang mga bagay na ginagamit upang mapasaya at maaliw ang sarili ay pangangailangan at hindi luho.
Nararapat na gumawa ng talaan ng mga gastusin upang mapag-aralan kung saan napupunta ang pera ng pamilya.
Ang mga di-pantaong pinagkukunang yaman ng pamilya ay tumutukoy sa lakas, talino at kaalaman, kasanayan, saloobin, kakayahan, kalusugan, at ugnayan sa iba.
Alin sa sumusunod na pinagkukunang yaman ng pamilya ang di-pantao?
Alin sa sumusunod na pinagkukunang yaman ang pamilya ang kinakailangan upang maging maayos ang pakikitungo sa iba?