
ESP 3-Q2-1st Summative Tesst
Quiz by Fe V. Sibayan
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Anong kaugaliang Pilipino ang nagpapakita ng pagtulong at pag-aalaga sa mga taong may sakit?
May ubo at sipon ang iyong kamag-aral. Wala siyang dalang pamunas ng kaniyang ilong kaya pinagtatawanan siya ng inyong mga kaklase sa tuwing tumutulo ang kaniyang sipon sa ilong. Ano ang iyong gagawin?
Nagmamadali kang umuwi ng bahay pagkatapos ng klase dahil may sakit ang iyong nanay at ikaw ang tutulong sa iyong tatay na maghanda ng hapunan. Nadaanan mong naglalaro sa plasa ang iyong mga kaibigan. Gustong-gusto mong sumali. Ano ang iyong gagawin?
Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal at pagmamalasakit sa iyong kapwang may sakit?
Nakaugalian mo nang ihanda tuwing umaga ang iinuming gamot ng iyong lolo sa buong araw kaya hindi niya nakakaligtaan ang pag-inom nito. Ano kaya ang nararamdaman ng iyong lolo sa ginagawa mong ito?
Ang pagpapakita ng pagmamalasakit sa mga may karamdaman ay hindi lamang sa mga nakatatanda kundi pati rin sa mga kabataang katulad mo.
Maituturing na pakikialam ang pagtulong sa pagpapainom ng gamot sa iyong lolo at lola.
Walang kakayahan ang mga batang katulad mo na mag-alaga ng mga may karamdaman.
Magagawa mong makatulong sa pag-aalaga ng mga may sakit kahit sa simpleng mga paraan.
Para higit mong matulungan ang nanay mo na may karamdaman, umiiwas ka na maging pasaway, bagkus ay tumutulong ka sa gawaing bahay.
Nagpapatugtog ako nang malakas na malakas kapag may sakit ang aking kapatid upang siya’y sumaya.
Ibinibili ko ng malalaking sitsirya ang aking pinsan na may sakit upang mabusog siya.
Sa tuwing may sakit ang nakababata kong kapatid ay pinupunasan ko ng maligamgam na tubig ang kaniyang noo gamit ang bimpo.
Tinutulungan ko ang kapamilya ko o maging kaibigan na iabot ang mga pangangailangan nila kapag sila’y maysakit o karamdaman.
Dinadalhan ko ng prutas at mainit na sabaw ang kaibigan kong may sakit.