placeholder image to represent content

Q2 PRE-TEST SA ESP 3

Quiz by April Ann Perez

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
20 questions
Show answers
  • Q1

    Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagmamalasakit sa taong maykaramdaman.

    Hindi pagbisita sa taong may karamdaman.

    Pag-alalay sa taong may sakit.

    Pag-aalay ng panalangin sa taong may sakit.

    Pagtulong sa pagpapainom ng gamut.

    60s
  • Q2

    Nagkasakit ang nanay ni Pedro kaya hindi ito makagawa ng mga gawain sa loob ng bahay. Ano kaya ang dapat gawin ni Pedro?

    Umalis ng bahay.

    Manood ng TV

    Maglaro

    Gawin ang mga gawaing bahay.

    60s
  • Q3

    Ilang araw ng hindi pumapasok ang iyong kaklase sa paaralan dahil may sakit siya ano ang nararapat mong gawin para maipakita ang pagmamalasakit sa kanya?

    Hahayaan na lang na absent ito.

    Wala sa nabanggit

    Aantayin na lang itong pumasok.

    Dadalawin at dadalhan ng pagkain o prutas.

    60s
  • Q4

    Nakita ni Michael na may pilay na sasakay ng jeep at aakyat dito. Kung ikaw si Michael ano ang iyong gagawin?

    Dina lang papansinin at magsasawalang kibo na lang.

    Sasakay na lang sa ibang jeep.

    Mauuna pang umakyat sa loob ng jeep.

    Aalalayan at tutulungang makapanik ito.

    60s
  • Q5

    Niyayaka ng iyong kaklase na dumalaw sa may sakit ninyong kaklase, ano ang iyong magiging tugon?

    Ah! Saka na lang ako dadalaw may gagawin pa ako.

    Mayl akad kami hindi ako makakasama.

    Di ako makakasama baka hanapin ako ni nanay eh!

    Sige pumunta tayo at dalhan natin ng pasalubong.

    60s
  • Q6

    Palabas ka nang paaralan para umuwi nang makita mo ang iyong kamag-aral na pilay nanahihirapan sa pagtayo sa upuan. Ano ang gagawin mo?

    Hahayaan nalang na mag-isa itong tumayo.

    Aalis na parang walang Nakita.

    Lalapitan at tutulungang tumayo ito.

    Wala sa nabanggit.

    60s
  • Q7

    Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may bingot.  Hindi ninyo masyadong naunawaan ang kaniyangsinabi.  Ano ang dapat mong gawin?

    Sasabihin ko sa katabi ko ang tamang sagot. 

    Makikinig ako sa sagot ng kaklase ko.

    Tatayo ka at tutulungan mong ulitin at ipaliwanang ang kanyang sagot.

    Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang maunawaan ng iba kong kaklase. 

    60s
  • Q8

    Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education children sa inyong paaralan. Unang nagpakita ng kakayahan sa larangan ng tula ay ang hearing impaired child na siJano. Nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang tula nang bigla niyang makalimutanang susunod na linya. Kung ikaw ay isa sa mga manonood, ano ang dapat monggawin?

    Tahimik akong mananalangin na sana ay maalala niya ang nalimutang linya.

    Tatawagin ko na siya para umupo na.

    Tatawanan ko si Jano.

    Makikisali sa pakikipagkutya gaya ng mga ibang bata.

    60s
  • Q9

    Papauwi ka na ng bahay nang makita mo ang kaklase mong mabagal maglakad dahil siya ay naaksidente at naputulan ng kanang paa. Ano ang dapat mong gawin? 

    Hindi ko siya papansinin.

    Maglalakad ako na parang hindi ko siya nakita.

    Bibilisan ko ang paglalakad upang maunahan ko siya.

    Tutulungan ko siyang magdala ng kaniyang gamit. 

    60s
  • Q10

    Inutusan ka ng Nanay mo na bumili sa tindahan at nakita mo doon na kinukutya ang isang batang may kapansanan. Ano ang dapat mong gawin?

    Panonoorin na lamang ang ginagawa ng mga bata sa batang may kapansanan. 

    Makikisali sa pangungutya gaya ng mga bata.

    Sasawayin ang mga bata at pagsasabihan na itigil ang kanilang ginagawa.

    Sasabihan ko ang batang may kapansanan na huwag pansinin ang mga batang nangungutya.

    60s
  • Q11

    Nakita mo ang iyong bagong kaklase na isang Muslim. Wala siyang kausap at nilalayuanng mga kaklase mo. Ano ang gagawin mo?

    Tatahimik na lamang ako at maghahanap ng ibang kaklaseng makakausap.

    Lalapitan ko ang aking bagong Muslim na kaklase upang magkaroon siya ng kaibigan sa eskwelahan.

    Tatakbo papalayo at hinding hindi ko siya lalapitan kahit kalian.

    Iiwasan nalamang ang bagong kaklase na Muslim upang hindi ako layuan din ng mga kaklase ko.

    60s
  • Q12

    Nalaman mo na nasunugan ng bahay ang iyong kaibigan halos lahat ng kanilang damit atkagamitan ay nalimas ng apoy. Ano ang maaari momg gawin upang makita ang pagmamalasakit mo sa kanya?

    Sasabihin  sa mga kaibigan na magkaisa at ipakita ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga damit, pagkain o laruan upangmay magamit at makain sila.

    Pagtawanan sila dahil sa  pahkawala ng bahay at mgakagamitan.

    Ipagwalang-bahala ang nangyari sa kaibigan.

    Matulog na lamang sa kwarto at pagkagising ay manonood ng TV.

    60s
  • Q13

    Mayroon kang kaklase na ang lahi ay isang Ita. Malaki ang pagkakaiba ng kulay ng balatat kulot ang buhok nito. Nais niyang magkaroon na kaibigan, ngunit lahat ng makakita sa kanya ay natatakot sa kulay at istilo ng buhok nito. Ano ang nais mong gawin upang magkaroon siya ng kaibigan?

    Ikahiya ang isang tulad niyang Ita.

    Pahalagahan at mahalin natin ang isang Ita dahil sila ay nangangailangan din na magkaroon ngkaibigan.

    Pagtawanan ang katangian o katayuan ng Ita.

    Ipagsabi sa bawat bata at kutyain nang lahat na bat ana nag-aaral sa paaralan na mayroon silang kaibigan na Ita.

    60s
  • Q14

    Ano ang tamang pakikitungo sa mga batang kabilang sa pangkat-etniko?

    Pakitunguhan sila nang maayos at tulungan kung kinakailangan.

    Hindi mo sila kakaibiganin.

    Iparamdam sa kanila na mas angat ka sa kanila.

    Hindi mo sila kakaibiganin.

    60s
  • Q15

    Ang bago niyong guro ay mula sa Visayas Region kaya hindi siya gaanong marunong magsalita ng Tagalog. Pinagtawanan niyo siya. Tama ba ang inyong inasal?

    Hindi,dahil baka bigyan kayo ng mababang marka.

    Hindi,sapagkat hindi dapat pinagtatawanan ang kahinaan ng iba.

    Oo,dahil isa siyang guro at dapat alam niya ang wikang Tagalog.

    Oo, dahil nakakatawa ang kaniyang pagsasalita.

    60s

Teachers give this quiz to your class