
ESP Practice Quiz
Quiz by Doodlethorn
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ano ang pinakatunguhin ng loob?
Sa anong sitwasyon nagagawa ng tao na kumuha ng buod o esensiya ng isang partikular na bagay na umiiral (mag-abstraksiyon)?
Isang araw, may nakaiwan ng bag na naglalaman ng malaking halaga sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan. Hindi niya ito pinag-interesan kahit nasa ospital ang kaniyang bunsong anak. Ibinalik niya sa may-ari ang bag.
Paano ginamit ng isang taxi driver ang kanyang isip at loob sa pagpapasya sa sitwasyong ito?
Ano ang hindi kakayahan ng isip?
Ano ang bukod-tanging kakayahan ng tao?
Nagagawa ng tao na kumuha ng buod o esensiya ng isang partikular na bagay na umiiral (mag-abstraksiyon). Sa anong sitwasyon makikita ito?
Gustong-gusto mo maging online learner subalit wala kayong internet connection. Alam mo naman na hindi rin sapat ang kinikita ng kaniyang mga magulang upang magpakabit ng linya.Ano mabuting gamit ang iyong isip?
Nang mabasa mo ang isang balita tungkol sa lunas ng covid-19 pandemic, agad mong inalam ang source nito at hindi mo agad-agad ikinalat ito sa iyong wall o social media account. Paano ipinakita ang gamit ng loob?
Nagtapat si Lou sa kanyang matalik na kaibigang si Pascal na nakakaramdam siya ng matinding kalungkutan na hindi niya maunawaan. Nais ni Pascal na tulungan si Lou na mapalalim ang aspetong ispiritwal ng buhay nito. Paano matutulungan ni Pascal si Lou?
Sina Exo at Teiru ay naging biktima ng fake news sa social media na namimigay ng load. Marami na silang natatanggap na mga mensahe sa messenger at text na naghihingi ng load. Ano ang dapat nilang gawin upang itama ang fake news na ito?
Ang mga sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa:
Ang sumusunod na pahayag ay Prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa:
Ang sumusunod ay mga pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas maliban sa:
Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo.
Paano mo maipakita ang angkop na kilos na ang batayan ay Likas Batas Moral?
Walang pulis na nakabantay sa may kalsada. Ano ang angkop na kilos batay sa Likas Batas Moral?
Inamin ni Fu sa kanyang matalik na kaibigan na siya ay pusong babae, subalit natatakot siya sa panghuhusga ng kanyang pamilya at masama ang balak niya sa kanyang sarili. Nagbigay ng payo ang kanyang matalik na kaibigan na huwag matakot at huwag gumawa ng kilos na sasaktan ang sarili at sabihin ang totoo sa kanyang pamilya. Makatwiran ba na sundin ito ni Fu?
Hindi ka nakapasa ng mga gawain sa itinakdang panahon sa unang markahan sapagkat nahirapan kang sundan ang binigay na iskedyul. Ano ang angkop na kilos sa mga susunod na markahan?
Ano ang itinuturing na kakambal ng Kalayaan?
Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kaniyang _________.
Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi nagmumula sa labas ng tao kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan nito?
Alin sa sumusunod ang maituturing na tunay na kalayaan?
Tinulungan mo ang iyong kapatid na hirap na hirap na sa kaniyang takdang aralin, kahit na ikaw ay inaantok at napagod na din sa mga gawain sa maghapon. Ang iyong pagtulong ay pagpapakita ng uri ng kalayaan sa aspektong;
Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, at iba pang negatibong pag-uugali?
Si Aldrian ay isang matalinong bata subalit hikahos sila sa buhay. Inalok siya ng kaniyang kamag-aral na babayaran kapalit ng pagpapakopya sa kanilang pagsusulit. Ano ang kaniyang magiging tugon na nagpapakita ng paggamit ng tunay na kalayaan ?
Ang salitang dignidad ay galing sa salitang latin na dignus at nangangahulugan na:
Ayon kay Professor Patrick Lee, dignidad ang pinagbabatayan ng pagkilos ng tao maliban sa:
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao bilang tao maliban sa:
Alin sa mga aksyon ang maaring magpakita ng tunay na kalayaan?
Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na tunay na kalayaan?