
EsP - Q4 - WW#1
Quiz by BENGEN RAMIREZ
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
1. Nabahaan ang isa sa iyong mga kamag-aral.Nakiusap ang iyong guro na magbigay ng kahit ano para makatulong sa kanya. Ano ang gagawin mo?
2. Nakita mong matamlay na nakaupo sa ilalim ng puno ang kamag-aral mo. Ano ang iyong gagawin?
3. Sinabing kamag-aral mo na madalas siyang saktan ng kanyang mga magulang. Binalaan ka niya na huwag ipagsasabi sa iba kasi takot siya sa mga magulang niya. Ano ang gagawin mo?
4. Madalas mong nakikita ang isang batang natutulog lamang sa isang upuan sa parke. Marumi ang damit at mukhang gutom ang bata. Ano ang gagawin mo?
5. Nalaman mong may lagnat ang iyong kaibigan subalit pumasok pa rin siya sa paaralan kasi mayroon kayong pagsusulit sa araw na iyon. Ano ang gagawin mo?
6. Nakiusap sa iyo ang iyong kaibigan na huwag ipaalam sa kanyang ina na bagsak siya sainyong ginawang pagsusulit. Kapag sinabi mo sa kanyang ina ay magagalit siya sa iyo. Ano ang gagawin mo?
7. Nalaman mong iniiwan ang mga maliliit na bata sa kanilang bahay ng kanilang mgamagulang dahil kailangan nilang magtrabaho para kumita ng pera. Walang matandang tumitingin sa kanila. Ano ang gagawin mo?
8. Sa tuwing namamalengke kayo ay madalas mong nakikita ang isang matanda sa tabi na nagpapalimos. Ano ang gagawin mo?
9. Marami ang nawalan ng tirahan at ari-arian sa nagdaang bagyo sa inyong lugar. Isa kayo sa naging biktima ngunit kaunti lang ang pinsala ng bagyo sa inyong pamilya. Ano ang gagawin mo?
10. Nanawagan ang inyong kapitan na kung maari ay magbigay ng donasyon sa mgabiktima ng bagyo sa Samar. Tatanggapin kahit ano gaya ng damit, pagkain at pera. Ano ang gagawin mo?
11. Ang mga sumusunod ay ang mga iba’t ibang paraan ng pagsasamba sa Diyos, maliban sa isa.
12. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng batang may malalim na pananampalataya sa Diyos?
13. Namasyal ka kasama si nanay. Nakita mong may tumatawid na matanda. Ano ang gagawin mo?
14. Paano maaaring maipakita at maipadarama ang pananalig at pagmamahal sa Diyos ng bawat isa sa atin?
15. Ang mga sumusunod ay ang dahilan kung ang mga sumusunod ay ang dahilan kung bakit ang pagpapakitang pagmamahal sa kapwa at sa Diyos ay nagpapakita ng pasasalamat sa kanya, maliban sa isa.
16. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa utos ng Diyos?
17. Bakit kailangan igalang ang kapwa?
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi tama?
19. Ano ang pinakamahalagang regalong kaloob ng Diyos?
20. Bakit kaya tayo nagdarasal?