Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Alin sa mga sumusunod ang kaya mong gawin bilang pagtulong sa mganasalanta ng bagyo?

    Mamahagi ng mga pagkain, kasuotan at iba pa nilang pangangailangan

    Huwag makialam sa kanila

    Makipagkuwentuhan sa kanila.

    Maawa sa kanila

    30s
  • Q2

    Naglunsad ang inyong barangay ng proyekto ukol sa pagtulong sa mga binaha sa inyong lugar. Ano ang dapat mong gawin?

    Tumulong sa abot ng makakaya

    Hindi makikialam dahil ito ay nakakapagod na gawain.

    Huwag pansinin ang panawagan ng inyong barangay.

    Hindi na kailangang makipagtulungan.

    30s
  • Q3

    Nakasakay mo sa bus ang isang matandang babae. Wala nang maupuan ang matanda at ikaw ay nakaupo malapit sa kanya. Ano ang dapat mong gawin?

    Hindi ko siya papansinin.

    Pauupuin ang matanda sa aking upuan

    Pababayan ko siyang nakatayo.

    Magkukunwari akong tulog.

    30s
  • Q4

    Ang pagpapakita ng pagmamahal, pagtulong at pagkalinga sa kapwa ay hindi ikinatatakot o ikinahihiya. Anong uri ng gawain ito?

    Magandang gawain

    Masamang ugali

    Masamang gawain

    Hindi tama

    30s
  • Q5

    Ano ang nararapat mong gawin sa mga taong nangangailangan ng tulong?

    Hindi ko sila papansinin

    Bahala sila sa buhay nila

    Sasabihan kong humingi sila sa mayayaman

    Tutulungan ko sila ayon sa aking kakayahan.

    30s
  • Q6

    Nawala ang perang hawak ng kalaro mo. Wala siyang maipambili ng pagkain at nagutom na siya. Ano ang dapat mong gawin?

    Tutuksuhin ko siya.

    Sisihin siya sa pagkawala ng kaniyang pera.

    Sasabihan ko na “mabuti nga” sa kanya.

    Hahatian ko siya ng aking pagkain.

    30s
  • Q7

    Ano ang angkop na damdamin kapag kusang-loob ang iyong pagtulong sa iba?

    Nanghihinayang sa naitulong.

    Malungkot

    Masaya at magaan ang pakiramdam.

    Mabigat at masama ang loob.

    30s
  • Q8

    Luma na ang sapatos ng pinsan mong si Luis. Nagpapabili siya sa nanay niya ngunit wala silang pera. May tatlong pares ka ng sapatos na puwedeng magkasya sa kanya. Ano ang dapat mong gawin?

    Itago ang mga sapatos dahil paborito mo ang mga ito

    Isama sa mga basura ang sapatos na ayaw mo ng gamitin.

    Magalit sa nanay niya.

    Ibibigay kay Luis ang isang pares ng sapatos dahil kasya naman ito sa kanya

    30s
  • Q9

    Paano ka nagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan?

    May pag-aalinlangan sa pagbibigay.

    Kaunti lamang ang ibinibigay.

    Pakitang-tao lamang

    Bukal sa kalooban ang pagbibigay.

    30s
  • Q10

    Saklay lamang ang gamit ni Mang Jose sa kanyang paglalakad. Napansin mong nahihirapan siya sa kanyang kalagayan. Nagpipilit siyang makausad sa paglakad patungo sa panaderya upang bumili ng tinapay. Paano mo siya matutulungan?

    Yayayain ko na lang na maglaro ang aking mga kaibigan.

    Magtatago ako at pagmamasdan ko siya sa kanyang paglakad.

    Lalapitan ko siya at mag-aalok na ako na ang bibili ng kanyang tinapay

    Hindi ko siya tutulungan dahil hindi ko naman siya kamag-anak.

    30s

Teachers give this quiz to your class