placeholder image to represent content

ESP QTR4 MAIKLING PAGSUSULIT WEEK 4

Quiz by Emelita Dilidili

Feel free to use or edit a copy

includes Teacher and Student dashboards

Measure skills
from any curriculum

Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.

With a free account, teachers can
  • edit the questions
  • save a copy for later
  • start a class game
  • automatically assign follow-up activities based on students’ scores
  • assign as homework
  • share a link with colleagues
  • print as a bubble sheet

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1
    Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. I click ang tamang sagot. Bakit kailangan nating pangalagaan ang ating mga halaman?
    Dahil ito ay nakakatulong sa ating kapaligiran na magkaroon ng sariwang hangin.
    Dahil ito ay nagbibigay sa atin ng pagkain at sustansya sa ating katawan.
    Dahil ito ay nagbibigay sa atin ng lilim at kagandahan ng ating kapaligiran
    Lahat ng mga nabanggit ay tama.
    30s
  • Q2
    Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. I click ang tamang sagot. Habang naglalakad ka pauwi galing sa paaralan ay nakita mo na binubunot ng mga bata ang mga halaman sa parke ng walang paalam. Ano ang gagawin mo?
    Hihingi ako ng mga halaman na binunot nila sa parke
    Pagsasabihan ko sila na hindi tama ang kanilang ginagawa sa mga halaman
    Magsasawalang kibo na lamang ako.
    Hindi ko sila sisitahin dahil ayaw ko na magalit sila sa akin.
    30s
  • Q3
    Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. I click ang tamang sagot. Nakita mo na maraming tanim na halaman ang ate mo at halos hindi na iyon magkasya sa paso na pinagtamnan nito. Ano ang gagawin mo?
    Hahanap ako sa mga paso na maaring paglipatan sa mga halaman upang tumubo at lumago ito nang maayos.
    Magkukunwaring hindi ko na lamang nakita.
    Uutusan ko ang aking nakababatang kapatid na ilipat sa ibang paso ang halaman.
    Sasabihin ko sa aking ate na hindi na kasya ang kanyang halaman sa paso.
    30s
  • Q4
    Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. I click ang tamang sagot. Sa taniman ng tatay mo, napansin mo na maraming damong ligaw na ang tumubo. Ano ang gagawin mo?
    Hindi ko papansinin iyon dahil manonood kami ng programa sa plasa.
    Sasabihin ko sa aking kapatid na siya na lamang ang mag-alis ng damong ligaw dahil ako ay may lakad.
    Ipapaalam ko na lamang sa aking tatay ang aking napansin sa kanyang mga tanim pagkatapos kong manood sa plasa.
    Aalisin ko muna ang mga damong ligaw dahil maari itong makapinsala sa mga halaman.
    30s
  • Q5
    Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. I click ang tamang sagot. Nag-anunsiyo ang inyong guro na magkakaroon ng proyekto ang inyong paaralan tungkol sa Tree Planting. Ano ang gagawin mo?
    Sasabihin ko sa aking mga kaklase na sumama sila sa tree planting para hindi na ako kailangang sumama pa.
    Hindi ako sasali dahil hindi ako mahilig magtanim.
    Magkukunwaring hindi ko narinig ang anunsiyo ng aking guro
    Sasali ako dahil ito ay may magandang adhikain
    30s
  • Q6
    Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. I click ang tamang sagot. Mahilig kang magtanim ng mga halaman at bulaklak ngunit wala nang lugar na pwede mong pagtamnan. Ano ang gagawin mo?
    . Hindi na lamang ako magtatanim
    Maghahanap muna ako ng ibang paso na maaring pagtaniman ng mga halaman at mga bulaklak.
    Ipapamigay ko na lamang ang mga halaman.
    Sasabihan ko ang aking tatay na itanim na lamang ang mga halaman sa ibang lugar.
    30s
  • Q7
    Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. I click ang tamang sagot. Dahil sa lakas ng hangin ay nabuwal ang mga halaman sa inyong bahay. Nalungkot ang nanay mo nang makita niya iyon. Ano ang gagawin mo?
    Sasabihin ko iyon sa aking tatay upang tulungan niya si nanay.
    Maghahanap ako ng tutulong sa aking nanay dahil hindi ko alam ang magsaayos ng mga nabuwal na mga halaman.
    Tutulungan ko ang aking nanay na ayusin ang mga nabuwal na halaman
    Hindi ko muna papansinin ang aking nanay dahil may ginagawa pa ako
    30s
  • Q8
    Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. I click ang tamang sagot. Napansin mo na maraming mga bata ang pumipitas sa tanim na bulaklak ng inyong kapitbahay at ito ay kanila lamang pinaglalaruan. Ano ang gagawin mo?
    Pagsasabihan ko ang mga bata na hindi tama ang kanilang ginagawa.
    Magkukunwaring hindi ko na lamang nakita.
    Sasabihin ko na lamang sa aking nanay ang aking nakita para siya ang magsita sa mga bata na pumipitas ng mga halaman.
    Hindi ko sila sasabihan dahil hindi naman tanim namin ang kanilang pinipitas.
    30s
  • Q9
    Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. I click ang tamang sagot. Nakita mo na maraming uod ang namamahay sa halamanan ninyo dahil sa hindi ito lubos na naaasikaso ng inyong mga magulang. Ano ang maaari mong gawin?
    Uutusan ko ang aking kapatid para siya ang mag alis ng mga uod sa mga halaman.
    Aalisin ko agad ang mga uod sa mga halaman dahil maari itong makapinsala sa mga halaman namin.
    Hindi ko na muna papansinin iyon dahil may ginagawa pa ako.
    Sasabihan ko ang kaibigan na alisin ang mga uod sa aming halaman at pagkatapos ay bibigyan ko na lamang siya ng mga sobrang halaman sa aming bakuran.
    30s
  • Q10
    Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. I click ang tamang sagot. May proyekto kayo sa ikaapat na baitang. May mga halaman kayo na dadalin sa inyong paaralan at itatanim iyon sa inyong garden plot. Napansin mo na maraming damong ligaw ang inyong garden plot. Ano ang gagawin mo?
    Ipapaalis ko ang mga damong ligaw sa aking kaklase.
    Lilipat na lamang ako sa ibang garden plot na walang damong ligaw.
    Aalisan ko muna ng mga damong ligaw ang aming garden plot para maging maayos ang pagtubo ng aming mga tanim.
    Hindi ko na muna aalisin ang mga damong ligaw dahil hindi pa naman kami magtatanim.
    30s

Teachers give this quiz to your class