
Filipino 10_Feb.19-23_2023
Quiz by Cherry Mae B. Eltanal
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Hindi na naaaninag ang mga munting damo dahil sa dami ng makukulay na mga bulaklak sa malawak na hardin.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
Napakarami na niyang napagtagumpayang problema ______ hindi na siya naduduwag sa mga darating pa.
Alin sa mga sumusunod na pangatnig ang angkop na gamiting pang-ugnay sa mga sugnay sa itaas?
Nang malaman ni Venus ang pagtatangkani Psyche na patayin si Cupid, lalo itong nasuklam kay Psyche at pinahirapan niya ito nang husto.
Binigyan niya si Psyche ng mga pagsubok. Una ay pagsama-samahin ang mga butong magkakauri. Pangalawang pagsubok ay ang pagkuha ng gintong balahibo mula sa mga mapanganib na tupa. Ikatlong pagsubok ay ang pagsalok ng itim na tubig mula sa itim na talon. At para sa huling pagsubok, pinakuha siya ng kahon upang humingi kay Proserpine ng kagandahan.Ito ang pinakamapanganib na pinagawa sa kaniya, ngunit kagaya ng mga naunang pagsubok ay tinulungan siya ng iba’t ibang nilalang sa kaharian. Nakakuha siya ng kagandahan ngunit natukso siyang buksan ang kahon upang kumuha ng kaunting kagandahan para magustuhan siyang muli ni Cupid ngunit siya ay nawalan ng malay dahil dito.
Anong kaisipan ang masasalamin sa mga pangyayaring naganap sa mitolohiyang “Cupid at Psyche” na isinalaysay ni Apuleuis at muling isinalaysay ni Alvin D. Mangaoang?
Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala siyang isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan. Ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan, ang nakaaawang anyo ng dingding, ang mga kurtinang sa tingin niya ay napakapangit.
Ang teksto sa itaas ay hango sa maikling kuwentong “Ang Kuwintas” na isinulat ni Guy de Maupassant at muling isinalaysay ni Flora M. Leiza. Batay sa teksto, ano ang iyong interpretasyon sa suliraning hinaharap ng tauhang si Mathilde?
“Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa, ika’y hindi ko uurungan subalit itimo mong siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at inadorno sa aking silid. Tunay na kaawa-awa, ang iyong ulo’y matatabi sa kapwa mo pangahas.”
Ang pahayag sa itaas ang mapanghamong linyang binitiwan ni Soumaoro kay Sundiata sa epikong mula sa sinaunang Mali sa West Africa. Alin sa mga sumusunod na tugon ni Sundiata ang nagpapahayag ng damdaming puno ng hindi matatawarang kagitingan o katapangan?