
Filipino 4 - Q4 - Pre-Test
Quiz by Jasmin Vita
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Kaya konang Mag-isa!
Palagi kong pinanonood si Nanay tuwing siyaay nagsasaing. Unang hinuhugasan ni Nanay ang kaldero. Pagkatapos, pupunta nasiya sa lagayan namin ng bigas at saka magtatakal at ilalagay ito sa kaldero.Tapos, babalik siyang muli sa kusina at saka huhugasan ang bigas hanggang saluminaw ang tubig.
Isang beses, tinanong ko si Nanay. “Nanay,bakit po ba kailangang hugasan nang hugasan ang bigas?” ngumiti si Nanay atnagsalita. “Dumi kasi ng bigas itong nakikita mong puti kaya kailanganghugasan.” sabi niya. Napatango lamang ako kay Nanay. Nang matapos hugasan niNanay ang bigas, nilagyan niya itong muli ng tubig at saka sinukat ayon sa daming bigas na kanyang inilagay. Tapos, isinaksak na ni Nanay ang rice cookerat pinindot ang on.
Hinugasan naman ni Nanay ang kawali at sakainilagay sa kalan. Kinuha ni Nanay ang hotdog at saka binalatan. Kumuha rin siNanay ng dalawang itlog at saka binasag at binate ito sa mangkok. Nilagyan niyarin ito ng kaunting asin. Ito raw ang ulam namin ngayon sa almusal. Maya-maya,binuksan na ni Nanay ang kalan. Hininaan niya ang apoy at saka naglagay ngmantika nang uminit na ito. Unang iprinito ni Nanay ang hotdog tapos ang itlog.Nang maluto ang mga ito, luto na rin ang kanin kaya pinindot na ni Nanay ang off.
Isang Sabado ng umaga, nagising akongmag-isa lamang. Nabasa ko ang iniwang sulat ni Nanay na maaga siyang umalisdahil may emergency. Walang pagkaing naiwan sa akin si Nanay.Nakalimutan siguro niya sa kamamadali. Dahil nagugutom na ako, sinubukan konggawin ang mga nakikita kong paraan ni Nanay kung paano magsaing at magprito nghotdog. Sinunod ko lamang ang palaging ginagawa ni Nanay na natatandaan ko. Dinagtagal at naluto ko ang kanin. Sinunod ko namang subukan ang pagpiprito nghotdog. Natuwa ako nang magawa ko rin ito. Sa sobrang tuwa ko, nasabi ko sasarili ko, “Ang galing! Kaya ko nang mag-isa!”
1. Ano ang ginagawa ng bata tuwing nagsasaing ang kaniyang nanay?
2. Ano ang ipiprito ni Nanay?
3. Sino ang pinanonoodng bata sa pagsasaing at pagpiprito?
4. Alin sa mga sumusunodang naging problema ng tauhan sa kuwento?
5. Kailan umalis si Nanay?
6. Ayonsa kuwento, paano na solusyunan ang pangunahing tauhan ang kaniyang problema?
7. Alin sa mga sumusunodang wastong kahulugan ng Pandiwa?
8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pangungusap na may Pandiwa?
9. Sa pangungusap na, Unang iprinito niNanay ang hotdog tapos ang itlog. Alin ang salitang hiram na ginamit sa pangungusap?
10. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng salitang hiram?
11. Ang_________ ay tawag sa dalawang pinagsamang katinig na bumubuo ng isang tunog sa isang pantig.
12. Sapangungusap na, Natutuwa si Nanay sa maayos na trabaho ni Lian. Ano ang klaster na ginamit sa pangungusap?
13. Alin sa mga sumusunodang hindi halimbawa ng salitang klaster?
14. Sapangungusap na, Ito ang naging premyo niya sa ginawang paglilinis. Ano ang klaster na ginamit sa pangungusap?
15. Ang __________ ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng pantig na a, e, i, o, u at katinig na w o y, tulad ng aw, iw, ay, at oy.
16. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Diptonggo?
17. Sapangungusap na, Ang mga dahon at bulaklak ay sumasayaw sa saliw ng hangin. Ano ang salitang may diptonggong angginamit sa pangungusap?
18. Sapangungusap na, Ang tatay ko ay matiyagang nagtatrabaho para sa aming pamilya. Ano ang salitang may diptonggo ang ginamit sa pangungusap?
19. Alinsa mga sumusunod ang halimbawa ng tambalang nananatili ang kahulugan?
20. Sa pangungusap na, Ang kapitbahay namin ay mahilig magpinta ng
bahaghari. Ano ang salitang tambalang nananatili ang kahulugan na ginamit sa pangungusap?