
FILIPINO 7 Assessment Q2
Quiz by J Abayon
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Pilipinas kong minumutya. Pugad ng luha at dalita. Aking adhika, makita kang sakdal laya.” Mula sa binasang bahagi ng awiting-bayang “Bayan Ko,” anong kaisipan ang nais ipahayag nito?
Ang kaisipang pinahihiwatig sa pahayag na ito ay ang paghahangad ng mga Pilipinong may pagliyag sa bayan na makamit ang Kalayaan mula sa mga dayuhan.
Ang kaisipang pinahihiwatig sa pahayag na ito ay ang paghahangad ng mga Pilipinong maymanatili sa ilalim ng pananakop ng mga dayuhan
30s - Q2
“Huwag magagalit kaibigan. Aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag-utusan.” Ibigay ang kaisipang nais ipahayag ng bulong.
ang kaisipang nais ipahayag ng bulong ay ang umalis ang mga nilalang para maputol ang puno
ang kaisipang nais ipahayag ng bulong ay ang pagpapasintabi sa mga nilalang na hindi nakikita para magputol ng puno.
30s - Q3
Ang oyayi ay isang awiting-bayan ng mga taga-Bisaya. Sa paanong paraan naipakikita ng oyayi ang kanilang tradisyon?
Ang tradisyong oyayi ng mga taga-Bisaya ay ipinakikita sa pamamagitan ng pagpalo sa sanggol upang makatulog ito.
Ang tradisyong oyayi ng mga taga-Bisaya ay ipinakikita sa pamamagitan ng paghehele sa sanggol upang makatulog ito.
30s - Q4
Ito'y kasingkahilugan ng terminong "inang wika" na tumutukoy sa katutubong wika
Universal Language
Mother tongue
30s - Q5
“Batang munti, batang munti, matulog ka na. Wala rito ang iyong ina, siya ay bumili ng tinapay.” Anong antas ng wika ang kinabibilangan ng salitang “ina” sa awiting-bayang “Ili-ili Tulog Anay?”
Ang salitang “ina” sa awiting-bayang “Ili-ili Tulong Anay?” ay kabilang sa antas ng wika na lalawiganin, sapagkat ito ay salitang ginagamit sa isang pook lamang.
Ang salitang “ina” sa awiting-bayang “Ili-ili Tulong Anay?” ay kabilang sa antas ng wika na pormal, sapagkat ito ay salitang ginagamit ng karamihan.
30s - Q6
Noong unang panahon, may isang matanda na may pitong anak na dalaga.Naninirahan sila sa tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat-Bisaya.Sila ay nasa bayan ng Dumangas na nasa gawing hilagang-silangan ng lalawigan ng Iloilo.Masayang gumagawa ng gawaing bahay ang mga dalaga araw-araw.Makikita sila sa dalampasigan na nagtatampisaw, lumalangoy, naghahabulan at nagtatawanan.Maraming bumibisita sa kanilang tahanan para manligaw.Sa pagmamahal ng ama ay natatakot siyang may makapag-asawa ang sinuman sa kanyang mga dalaga na maaaring maglayo ng mga ito sa kanya.
Mula sa binasang bahagi ng alamat, ano ang mahihinuhang pangunahing ikinabubuhay ng pamilya ng matandang lalaki?
Ang pangunahing ikinabubuhay ng pamilya ng mantanda sa alamat na binasa ay pangingisda, dahil ang bahay nila’y nasa baybayin ng Dagat-Bisaya.
Ang pangunahing ikinabubuhay ng pamilya ng mantanda sa alamat na binasa ay pagtatanim, dahil ang bahay nila’y nasa kabukiran.
30s - Q7
Mula sa pamagat ng binasang alamat, ano ang maaaring kinahantungan ng mga anak ng matandang mangingisda na mapasahanggang ngayon ay nakikita pa din sa Dagat-Bisaya?
Mula sa binasang alamat, ang kinahantungan ng mga anak ng matandang mangingisda ay naging mga mabubuting ina ito at naninirahan ng payapa sa isla.
Mula sa binasang alamat, ang kinahantungan ng mga anak ng matandang mangingisda ay naging isla ang pitong anak nito sa karagatan na mapasahanggang ngayon ay nakikita pa rin sa Dagat-Bisaya.
30s - Q8
Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga salitang (1) paghanga (2) pagmamahal (3) pagsinta at (4) pagliyag, ayon sa antas o tindi ng kahulugan nito?
Batay sa antas o tindi ng kahulugan, ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga salitang sumusunod ay (4) pagsinta, (3) paghanga, (2) pagmamahal, (1) pagliyag
Batay sa antas o tindi ng kahulugan, ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga salitang sumusunod ay (4) pagliyag, (3) pagsinta, (2) pagmamahal, (1) paghanga.
30s - Q9
Nababahala ako sa magiging epekto ng mabilis na paglaganap ng kriminalidad sa ating bansa. Anong salita sa pahayag ang nagpapakita ng emosyon o damdamin?
Ang salitang nagpakikita ng emosyon o damdamin sa pahayag ay “mabilis”.
Ang salitang nagpakikita ng emosyon o damdamin sa pahayag ay “nababahala”.
30s - Q10
Hindi mapakali si Nanay. “Ang lakas ng ulan at wala pa ang mga bata. Sana hindi sila bahain sa daan.” Anong damdamin ang ipinapahayag ng tauhan sa pangungusap?
Ang pinahahayag na damdamin ng tauhan sa pangungusap ay nag-aalala.
Ang pinahahayag na damdamin ng tauhan sa pangungusap ay natatakot.
30s - Q11
Biglang nag-apoy ang kaniyang mata nang makitang paparating ang taong nanakit sa kanyang anak. Anong paraan ng pagpapahayag ng damdamin ang ginamit sa pahayag?
Ang naging paraan ng pagpapahayag ng damdamin sa pahayag ay tiyak na damdamin.
Ang naging paraan ng pagpapahayag ng damdamin sa pahayag ay di-tiyak na damdamin.
30s - Q12
Kasingkahulugan nito'y nag-uumapaw ang puso sa galak o tuwa.
naguguluhan
Lumulutang sa alapaap
30s - Q13
_________ pag-ibig ang pag-aalay sa sariling buhay para sa bayan. Anong angkop na pang-uri ang bubuo sa pangungusap na pasukdol?
Ang salitang “pinakadakilang” ang angkop na pang-uring bubuo sa pangungusap na pasukdol.
Ang salitang “dakila” ang angkop na pang-uring bubuo sa pangungusap na pasukdol.
30s - Q14
Upang maipakita ang halimbawa ng pahambing na pasahol, alin sa sumusunod na pangungusap ang iyong sasabihin?
Bilang halimbawa ng pahambing na pasahol, ito ang maaaring pangungusap na sabihin, “masarap magluto si Ate kaysa kay nanay”.
Bilang halimbawa ng pahambing na pasahol, ito ang maaaring pangungusap na sabihin, “di gaanong masarap magluto si Ate kaysa kay nanay”.
30s - Q15
Alin sa sumusunod ang mensahe ng awiting-bayan na ito? “Sagwan, tayo'y sumagwan, Ang buong kaya'y ibigay. Malakas ang hangin, Baka tayo'y tangayin, Pagsagwa'y pagbutihin.”
Ang mensaheng nais iparating ng pahayag sa awiting-bayan ay pagpapamalas ng pagiging matiyaga.
Ang mensaheng nais iparating ng pahayag sa awiting-bayan ay pagpapamalas ng pagtutulungan.
30s