Basahin ang sitwasyon sa tula, pagkaraan ay sagutin ang tanong.
Ano ang dapat mong gawin kung may pagkakataon na kailangan mong lumabas na kasama naman ang magulang mo?
Panahon ngayon ay ibang-iba na
Ni hindi ka makalabas, ni makagala
Saan man pumunta, may limitasyon na
Dahil sa takot na katawan ay mapinsala.
Edad 17 pababa, maging 60 pataas
Hindi basta-basta makakalabas
Dahil sa mga sita na di maaalpas
Lalo pa kung walang face shield at face mask.