NIYOG
Isang araw, inutusan si Dalis na magbaba ng niyog. Mabilis niyang inakyat ang ilang puno ng niyog sa kanilang niyugan. Nang marami na ang niyog na napitas, agad niyang ikinarga ang mga ito sa kanyang kabayo. Mabilis siyang sumakay sa kanyang kabayo at pinatakbo ito. Parang ipo-ipo sa bilis ng takbo ang kabayo. “Dahan-dahan,” payo ng matandang babae na nasalubong niya. “Hindi nakukuha sa pagmamadali ang lahat ng bagay.” Hindi pinansin ni Dalis ang payo ng matanda. Lalo pa nga niyang pinabilis ang pagpapatakbo ng kanyang kabayo. Isa, dalawa, tatlong niyog ang halos sabay-sabay na nalalaglag. Bumamba si Dalis sa kabayo at pinulot ang mga niyog na nalaglag. Pagkatapos, lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo ng kabayo. Sa tuwing malulubak ay nangalalaglag ang niyog. Bababa siya sa kabayo at pupulutin ang mga ito. Inabot na siya ng dilim sa daan sa kapupulot ng niyog na nalaglag.
Paano nakuha ni Dalis ang niyog?