
FUNCTIONAL LITERACY TEST-JHS-FLT LS 5 : UNDERSTANDING THE SELF AND SOCIETY
Quiz by SUSAN BALUYOT
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Batay sa larawan, alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao?

Ano ang pinakatamang gawin kapag inabutan ka ng lindol sa learning center?
Napansin mong alas dose na ng gabi ngunit malakas pa rin ang tugtog at boses ng iyong kapitbahay. Hindi makatulog ang pamilya mo. Ano ang dapat mong gawin?
Maagang nag-asawa sina Celso at Jade. Nagkaanak agad sila ngunit naging iresponsable si Celso. Humantong ito sa kanilang paghihiwalay. May karapatan bang humingi si Jade ng suportang pinansyal kay Celso para sa kanilang anak?
Nakita ni Luis ang isang matandang babae na balak tumawid sa "pedestrian lane." Nilapitan niya ang matanda at inalalayan sa pagtawid. Ano ang katangiang taglay niya?
Tuwing Mahal na Araw ay nag-aayuno ang mga Katoliko. Iniiwasan nila mula Miyerkules ng Abo o Ash Wednesday hanggang Biyernes Santo ang pagkain ng karne ngunit higit sa lahat sinisikap nilang baguhin ang masasamang gawi. Anong paniniwala ang katulad nito sa mga kapatid nating Muslim?
Aling serbisyo sa kanilang barangay ang mas mapapakinabangan ni Mang Arman na may sakit na Tuberkulosis?
Nangangailangan ng tubero ang Water District ng Malabon. Sino sa mga aplikante ang dapat tanggapin?
Si Anton na may sertipiko sa pagmemekaniko.
Ang isang barangay ay may ilang ektaryang lupa na may maraming punongkahoy. Ipinagbili ng may-ari ang lupa. Kahit may kamahalan ang halaga nito ay agad itong binili ng isang milyonaryo upang gawing subdibisyon. Ano ang magiging epekto nito sa kapaligiran?