
GRADE 10-ARAL PAN
Quiz by Mercy Paglinawan
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Maraming kaganapan sa ating kapaligiran sa bawat araw, mga isyu at hamong panlipunan na kinakaharap ng ating mga pamayanan o komunidad. Alin sa sumusunod ang maituturing na kontemporaryong isyu?
pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas
pagbabago ng klima sa mundo
pagdeklara ng Martial Law noong 1972
pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
300s - Q2
Basahin ang sumusunod na pahayag. Alamin kung wasto ang ipinapahayag ng mga ito.
I-Ang kultura ay mahalagang maunawaan sapagkat ito ay
II-sumasalamin sa paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan.
III-Ang kultura ay natututunan at naipapasa sa susunod na
IV-henerasyon.
Mali ang una at tama ang ikalawang pahayag.
Mali ang dalawang pahayag.
Tama ang una at mali ang ikalawang pahayag.
Tama ang dalawang pahayag
300s - Q3
Ayon kay C. Wright Mills mahalagang malinang ang isang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan. Ano ang tawag sa kakayahang makita ang ugnayan ng lipunan at personal na karanasan?
Sociological Imagination
Social Creativity
Sociological Identity
Sociological Implication
300s - Q4
Alin sa sumusunod na sektor ng ekonomiya ang pinaka-apektado ng mga kalamidad dulot ng pagbabago ng klima sa ating bansa?
industriya ng teknolohiya
serbisyong pampubliko
transportasyon
agrikultura at pangisdaan
300s - Q5
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng top-down approach
sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
Hinikayat ni Daniel ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara ng basura na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
Ipinatawag ni Kapitana Melda Landayan ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang barangay Maguinao mula sa panganib ng paparating na bagyo.
Pinamunuan ni Secretary Manuel M. Lukban Jr., ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PRDRRMO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa lalawigan ng Bulacan.
Nakipag-usap si Edison sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang kalamidad.
300s - Q6
Ang sapat na kaalaman at kahandaan sa anumang kalamidad ay mabisang sandata laban sa kapahamakan. Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga mahalagang alituntunin sa pagsasagawa ng preparasyon “BAGO, HABANG at PAGKATAPOS” ng isang kalamidad?
upang matiyak ang kaligtasan ng ng buong pamayanan at mabilis na pagbangon pagkatapos ng kalamidad.
upang maprotektahan ang sarili mula sa pinsala ng kalamidad
upang maiwasan ang pagkasira ng mga imprastruktura at pagtaas ng pinsala sa kalikasan.
upang makapaglaan ng sapat na oras sa paghahanda ng pagkain at gamot bago ang kalamidad.
300s - Q7
Ang non-structural mitigation ay tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard. Alin sa sumusunod ang nabibilang sa non-structural mitigation?
paggawa ng mga ordinansa at batas
pagpapatayo ng floodgates
paglalagay ng mga sandbags
pagsisiguro ng fire exit sa mga gusali
300s - Q8
Sa ilalim ng CBDRRM Plan tinutukoy sa Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation ang mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng sakuna o hazard at kalamidad. Sa iyong palagay, bakit nauuna ang disaster prevention and mitigation?
upang maiwasan at mabawasan ang maaaring maging pinsala ng hazard upang masiguro ang kaligtasan ng buong pamayanan ng kalamidad
upang mataya ang eksaktong bilang ng tatamaan ng hazard
upang mabigyang-babala ang mga maapektuhan ng hazard
upang masiguro ang kaligtasan ng buong pamayanan pagkatapos ng kalamidad
300s - Q9
Ang sumusunod na situwasyon ay nagpapakita ng manipestasyon ng globalisasyong teknolohikal MALIBAN sa,
Mabilis na natapos sa paglalaba si Aling Lilia dahil sa kanyang bagong washing machine.
Abalang-abala si Crispina sa pamimili ng mga regalo para sa darating na kapaskuhan.
Dahil sa suspensiyon ng klase dulot ng masamang panahon, nagsagawa ng online at modular class ang mga mag-aaral ng Carlos F. Gonzales High School.
Libang na libang ang pamilya Cruz sa panonood ng Netflix sa kanilang tahanan.
300s - Q10
Batay sa talanayan, alin sa sumusunod ang maaaring dahilan ng “brain drain” sa ating bansa?
I-Mataas na suplay ng mga nakapagtapos sa kolehiyo.
II-Mura at flexible labor para sa lokal na manggagawa.
III-Kawalan ng oportunidad ng mapapasukang trabaho sa bansa.
IV-Paghahangad ng maayos at maalwan na pamumuhay para sa kanilang pamilya.
I, III at IV
II, III at IV
I at IV
I, II at IV
300s - Q11
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng di-mabuting epekto ng kontraktuwalisasyon sa mga manggagawang Pilipino?
Mataas na pasahod
Flexibility ng trabaho.
Kawalan ng seguridad sa trabaho.
Oportunidad sa mas maraming trabaho
300s - Q12
Sina Gabriel Buenaventura at ang kaniyang mga kasamahang agriculturist ay ipinadala sa bansang Japan ng kanilang kompanya upang magkaroon ng seminar-workshop tungkol sa mga makabago at modernong kagamitan para sa pagsasaka. Ano ang konseptong ipinakikilala?
Brain Gain
Brain Drain
Exchange Student
Trade System
300s - Q13
Sa nakasanayan, ang paglilinis ng bahay ay para sa kababaihan lamang habang ang pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan ay para sa kalalakihan. Ano katangian na ipinapakilala ng pahayag?
Sex
Gender Identity
Gender
Sexual Orientation
300s - Q14
Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na ito ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan. Marginalized Women, at Women in Especially Difficult Circumstances. Alin sa sumusunod ang kabilang sa Women in Especially Difficult Circumstances?
biktima ng karahasan at armadong sigalot
mga kababaihang Moro at katutubo
maralitang tagalunsod
kababaihang magsasaka at manggagawa sa bukid
300s - Q15
Maraming manipestasyon ang nagpapaliwanag kung bakit mahalaga ang pangingibabaw ng tatak ng good governance sa isang bansa, alin sa sumusunod ang nagpapakilala ukol dito?
Nagpapahiwatig ng pagbabago sa antas ng kamalayan sa lahat ng aspekto tulad ng sibil, kultural, politikal, sosyal at ekonomikal at mapoprotektahan ang karapatang pantao ng mga mamamayan.
Nagpapatunay na ang pamahalaan ay gumagawa ng mga programa upang maipakita sa ibang bansa na tapat na naglilingkod ang mga opisyal upang mapabuti ang kalagayan ng kanilang mamamayan sa lahat ng aspektong politikal, ekonomikal, sosyal at sibil.
Paraan ito upang maipakita na may sustainability o matatag na kontrol sa pondo ng pamahalaan para sa mga pangunahing proyekto na nais ng World Bank.
Nagpapakita na may matatag na balangkas upang mabawasan ang bahagdan ng kahirapan sa bansa.
300s